cannot be reached,
Literary: Cannot Be Reached (Chapter 5)
Ang Cannot Be Reached ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Bad vibes! Why am I waited so long? I'm so bored. Napakatagal mag-reply
nito.
Haay... makapag-training na nga lang.
Dadami pa chicks ko sa galing kong maglaro. Pero naiinip na ako sa kahihintay! Bad trip, ang tagal sumagot.
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa corridor. Mukha na nga akong ewan
kasi pinagtitinginan na ako. Palagay ko marami na akong nasasaktang chicks sa kakatingin sa phone ko.
-----
Today 4:45 pm
Hi! May gawa ka ba?
4:57 pm
Please, mag-reply ka!!!
5:00 pm
I’m so getting boring!
5:06 pm
…
-----
Nakakainis siya. Pinag-aantay niya ako. Bakit ganun? Ako, na guwapo,
pinaghihintay nitong ka-text ko. Sino ba
siya para paghintayin ako. Maganda ka ba
siya? Matalino ba? Magaling sa gramming, oo. Waaaah!
*Habang Training*
"Oy brad! Adik na adik ka na diyan sa ka-text mo ahh.
Chick-magnet ka di ba? E bakit
parang ikaw ‘tong di makahintay sa reply ng chicks na ‘yan!” pang-iinis ni Jason sa akin.
“Wala ka na namang makita kundi ako.
Pangisi-ngisi ka pa diyan,” sabi ko sa kanya. “Di bagay sa’yo. Panget
mo ‘tol. Tsaka pakialam mo? Stalker na rin ba kita?!”
“Pare, payo lang. Wag mo nang hayaang ikaw ang maghabol sa kanila. Sa galing mong mag-english sino ba naman hindi papatol sayo? Hahaha! Biro
lang brad," sabi ni Jason habang tumatawa nang malakas.
“Angas mo ah! Alam mo, ang galing ko na sa basketball eh, ano pa bang
hahanapin sa’kin? Sadyang iba lang tong
ka-text ko. Nang-iinit ulo ko sa bagal magreply neto ehh...Wala pang
gumagawa sa akin nun!” galit ko nang sagot kay Jason.
*Nang matapos ang training*
Bahala na nga siya. Napakapaasa. Ako na nga ‘tong lumalapit ehh... pa-chicks
masyado to. Sorry, pero I had a big
pride. Bahala siya, habulin niya ako! I'm just staying cool and smarty.
O sige, ayoko na mag-antay. Itutulog
ko na lang ‘to. I'm so mad.
Bago ako matulog ay tinignan ko muna ang cellphone ko.
-----
Today 7:45 pm
Uy sorry, sorry, sorryyyy.
Na-confiscate ‘yung phone ko sa klase.
Sorry talaga.
-----
Sus! Kaya pala eh! Nakakainis talaga ‘to. Di bale papaliguan ko na lang ‘to ng pick-up
lines ko! Hahaha.
-----
Today 10:47 pm
Ahh naiintindihan ko naman!
Kumusta ka? Kwento ka!
Anong nangyari?
10:50 pm
Hahaha! Okay lang, napagalitan ako
ng tatay ko pero di ko na lang pinansin.
10:54
Bakit? Awww basta dont forgot
that im always there for you.
Anong problema?
11:00 pm
Kasi pinatawag siya para kunin yung phone ko.
Tapos ayun, pinagalitan ako. Nakakainis nga e.
Pinapansin lang ako pag nagkakamali ako.
Pero pag may ginawa akong mabuti prang
wala lang sa kanila. Paborito kasi yung
bata kong kapatid e.
-----
Aww...pareho kami. Alam ko ang
pakiramdam ng ganun. O sige, babanat pa ako. Hahaha!
Bakit kasi ganiyan mga magulang? Minsan natanong ko sa sarili ko, ‘pag mas pinababayaan ka ba mas gugwapo ka?
Kasi ako ganun eh... hahaha! Kailangan ko siyang i-cheer up! Para naman
maramdaman niyang lagi akong nandiyan!
-----
Today 11:07 pm
Kapatid ko nga eh... alam mo naman
kung anong ginawa niya dati.
Parang lahat ng atensyon ng magulang
ko nasa kaniya. Minsan ko na nga lang sila
makasama dahil sa training ehh
tapos uuwi na nga lang, kapatid ko agad
ang hanap.
Kaya ako friendly, kasi alam mo yun?
I need someone who will love me and i
think i found it.
------
1 points! Hahaha! Kikiligin to promise!
-----
Today 11:11 pm
Dibaaaaa! Lagi na lang silaaa.
Haay. Buti ka pa maraming
admirers,
ako wala talagang nagmamahal sakin e...
Bukod sa mga kaibigan ko.
11:16 pm
Nako, hindi naman ako suwerte.
Buti ka nga pinapagalitan ng magulang,
ako pinapabayaan lang. Di ako pinapansin.
:(
11:18 pm
Mas gusto ko kaya ng ganun.
Panganay kasi ako kaya mataas
yung expectations sa akin.
11:23 pm
Ako din. Pero baka sinukuan na nila ako
dahil sa kabobohan ko. Ikaw nga
nabobobohan sa’kin, sila pa kaya?
11:27 pm
Ano ka ba, first time kong tumawa
nang sobrang lakas at makatanggap
ng compliment galing sa ibang tao. :)
-----
1 points again! Pinakamagandang estratehiya pa rin ang paawa.
-----
Today, 11:34 pm
Ah wala lang yun. Natural lang
naman akong ganun.
Sa’kin din walang bumabati e,
kaya ako na lang bumabati sa iba.
Haha! Ikaw? Baka naman kasi sinasarado mo
yung sarili mo sa mundo.
11:36 pm
Hindi naman. Oo, siguro…
pero I’m working on it.
Madalas ka bang makipag-usap sa tao?
11:41 pm
Oo, pero nahihiya din ako paminsan-minsan.
Pakiramdam ko kasi naiinis lahat ng tao sa’kin,
na sa tingin nila wala akong kuwenta.
Wala pa ngang nagsasabi ng
kahit anong mabuti sa’kin e.
Lagi akong inaasar o nilalait.
11:43 pm
Napaka-astig mo kaya!
Sa sobrang astig, pati ako kinikilig.
BOOM! :)
11:45 pm
HAHAHAHA! MARUNONG KA NAMAN
PALA BUMANAT E! SALAMAT!
AKALA KO WALA KANG SENSE OR HUMORS!
11:48 pm
Oy meron ‘no!
Wala lang mapaglabasan
ng banat. Hahaha!
11:52 pm
Sigurado ka ba jan?
Nandiyan lang yan! Nagpapa-cute
sa’yo. Baka lang manhid ka?
Aww...nandito ako para sayo.
*virtual hug*
11:55 pm
Aww. *accepts virtual hug*
Hahaha. Buti na lang andyan ka.
-----
Mamatay na siya sa kilig! I’m so impressing! Kung inaakala niyang gusto ko siya… Pero sa
tingin ko maganda siya. Sa tingin ko
mabait siya. At ang totoo, matalino
siya. Gusto ko siyang makilala nang personal. Paano ba siya sa personal? Sana pareho lang ‘yung nasa text at sa
personal. Ano bang nangyayari sa
akin. Sikat ako. Di dapat ganito. Hala,
nagkakagusto na ba ako sa kanya?
-----
Today 11:59 pm
Drama mo naman! Sige next topic!
Musta love life? Hahah!
May crush ka na ba?
12:03 am
Naman! Sino bang wala? Haha!
Pina-describe mo pa nga di ba. :p
12:06 am
Kausap mo ba? Haha joke lang!
O sige nga! May dare ako sa’yo!
12:10 am
Secret. Ano ang dare mo?
-----
Nako. Ako na ‘to. Onting lambing na lang, aamin na ‘to.
12:14 am
Puntahana mo siya. Umamin ka sa harap niya
sa school bukas. Ano, game ka? :))
-----
Tagal magreply. Pakipot pa.
-----
Today 12:27 am
Ang unfair naman!
Ako din dapat may
dare para sa’yo.
12:30 am
Sure! Malakas ka sa’kin
ehh... ano ba yun?
12:34 am
Umamin ka rin sa
harap ng crush mo
sa school bukas. ;)
-----
Nako...haha! Aamin ako kapag umamin sa ‘kin to. Pero titignan ko muna
kung maganda, baka naman...tsk. Ewan. Maganda
naman yung pagkatao niya, kaya baka umamin na nga talaga ako sa kanya bukas.
-----
Today 12:37 am
Sabay tayo? Ano?
Game yan ahh!
Dismissal?
12:42 am
Game. Dismissal.
12:46 am
Hindi ka pa matutulog?
Baka mawala beauty mo! Haha!
Matutulog na ako! Excited na
ako para bukas!
12:48 am
Wow. Haha!
Sige, goodnight!
Goodluck bukas!
-----
Eto na yon! Aamin na ah! Sino ba siya talaga? Sana maganda to! Hahaha!
*Kinabukasan*
Grabe nae-excite ako! Chicks ‘to sana! I don't want to crush her if she's not so
beautiful. Pero… parang may kakaiba sa kanya e. Aamin ba ako?
Bigla na lang may humampas sa balikat ko sabay sabing, “Hoy pare! Ano?
Mukha kang kinakabahan. Anong
meron?”
“Haha! ’Sup friends! I will has to tell you something. My textmate will meet me,” sagot ko kay
Vincent.
"Pare, Tagalog na lang! Naguguluhan ako!” sabi ni Vincent sabay
kamot sa ulo niya.
Anubayan. Sige na nga. “Basta magkikita kami.”
"Ehh ano naman? Bakit
kinakabahan ka? Kinakabahan ka lang
naman kapag nagkakagusto ka sa chicks eh!
Gusto mo na ba?" sabat ni
Jason habang nakangiti.
“Ikaw! Singit ka eh! Di pa ako tapos. Sasabihin niya kasi sa aking gusto niya ako!
Panis na naman kayo!”
"Wow pare! ‘Pag maganda wag mo nang pakawalan ah!” sabat na naman
ni Jason.
0 comments: