bato bato,

Literary: Bato Bato

9/25/2014 08:01:00 PM Media Center 0 Comments


Mga pasimpleng tingin
Mga silip na may patagong hangarin
Mga biglang ngiting walang dahilan
Madalas na nagaganap dahil kanino’t saan?

Hayan na, papalapit na,
Nariyan na ang target!
Kaya all the chikas naghahanda na,
Para mapansin at dumamubs nang bongga.

“HAHAHAHA” malakas nilang tawa
Anong meron? Anong nakakatawa?
Isa ba ‘to sa mga taktika nila?
Para mapansin ng crush niya?

4th floor, wala silang klase
Pero sige lang sa ariba-
Lakad, ikot, balik,
Walang sawa tuhod may malipit sa sakit.

“WAHAHAHA...” nakakatawa sila.
Para silang si Sisa.
Damubs mo’y paso’t luma na.
Makuhang atensyon niya’y lumabo pa.

Inday, Inday, at sa marami pang Inday
Lumilitaw inyong angking galing,
Mahusay kayong mag-isip ng paraan,
Kaysa sumagot ng problem solving sa math,
Kapag si crush ay paparating.

You Might Also Like

0 comments: