crossover,
[NATALIE]
Literary (Special): CW Project Crossover
[NATALIE]
Miss Natalie Lorenzo,
You are cordially invited to the Annual Homecoming
at the
University of the Philippines Integrated School
on 5 September 20** 7:00 pm.
Attire: Formal
Medyo matagal na nang huli akong makatanggap ng sulat. ‘Yung
last time ata ay ‘yung sulat pa ni… Ok. Stop. Natalie, stop na talaga. OMG! Past is past na dapat. Forget na. Anyway…
Ang tagal na mula nang huli akong makapunta sa UPIS. Natatandaan ko pa noon nung wala akong ibang
ginawa kundi lumabag sa mga rules. Hello
naman kasi, ang daming mga bagay na di
ko maintindihan kung bakit bawal. Example, bakit pa magpapagawa ng staircase
kung hindi naman gagamitin? Bakit bawal dumaan sa Admin building, bakit bawal
umakyat sa opisina, tsaka ‘yung pagkain sa canteen! Wala talaga akong ibang
choice kundi tumakas at bumili ng paborito kong tapsilog sa Rodic’s. Hanggang ngayon kaya ganoon pa rin ang food
doon?
*
From: Someone
Natalieeee! Pupunta ka ba
sa batch reunion?
Yung before homecoming?
Punta ka, ha!
*
Pupunta ba ako? Parang ayoko
naman. Baka may makita lang akong
someone na matagal ko nang hindi nakakausap. Hello, it’s so awkward kaya!
Ayoko. Pupunta na lang ako sa Homecoming
mismo. Busy akong tao.
*Araw ng Homecoming*
HAHAHAHAHA. Wait. Late na naman ako. 7 ng gabi daw
magsisimula ang Homecoming. Anong oras na ba? 8:30 na ng gabi. Well, buti nga
pumunta pa ako. Kaya pasalamat pa sila. Kasi medyo namimiss ko na rin ‘yung iba kong
mga kaibigan nung high school. Matagal na nang huli ko silang nakausap kasi
busy ako sa college and all.
Teka, bakit parang nawawala ang mga ka-batch ko? Ay, joke.
Nakita ko na sila sa may gitna ng ewan… umm, field? Pero bago ‘yun, sinigurado
ko muna na wala dun ‘yung taong hindi ko sure na gusto kong makita. Oo,
naka-move on na ako. Nakalimot na
ako. Nakalimutan ko na ang mga sulat
niya na minsan di ko alam kung paano naibibigay sa akin. Nakalimutan ko na ang mga sermon niya. Nakalimutan ko na yung mga pagbabantay niya
pala sa akin kapag may nilalabag akong rules.
Nakalimutan ko na ang promposal niya. Nakalimutan ko na talaga siya. Feeling ko kasi awkward kapag nakita ko
‘yung pangit na ‘yun.
“Natalie?”
Teka, bakit ganito? Bakit narinig ko na naman ‘yung boses
niya… HUHUHU. Anong gagawin ko?
“Huy, Natalie!”
“Umm… Hi?” Awkward. Awkward. Awkward. Nakakaasar. Ilang taon
na ang lumipas pero ang pangit pangit pa rin niya. Ilang taon na ang lumipas pero perang high
school pa rin. Hindi ko dapat ma-feel ‘to. Hindi ako dapat kiligin. Nakakaasar
ka Manuel!
“Kamusta ka na, Natalie? Ang tagal na nating ‘di nagkita.”
Hay nakooooo Manuel. Tumigil ka. STOOOOP!
“Ha? Haha… Ikaw din? Ay, joke. Umm, oo nga matagal na rin.
Kamusta ka na?” Ano ba yan Natalie! Stop. Umayos ka nga, mahaba pa ang gabi.
[RIA]
Alumni Homecoming?
Ilang taon na ba ang nakakalipas mula nang bumisita ako
sa UPIS? Bumabalik na naman yung mga
alaala ng grad nung high school, at yung grad ball…
Pano kaya kung makita ko si Andrew? Pupunta kaya siya? Kakausapin ka niya ako? Matagal na rin kaming hindi nagkikita mula
nung…
Kaso hindi ko pwedeng palampasin ‘tong pagkakataon na ‘to.
Ramdam kong tinatawag ako ng tadhana para pumunta sa Homecoming ng UPIS pero
kinakabahan ako. Parang may mangyayaring kakaiba, pero ayokong malaman kung ano
yun.
Bakit ko ba iniisip yun? Para namang may magbabago kung
magkita kami. Siguro nga may girlfriend
na yun? Siguro masaya na siya sa buhay
niya. Baka nga nakalimutan na’ko
nun. Maibabalik pa ba ang nakaraan? Kapag nagkita ba kami mababago ba ang ending
istorya ng buhay namin ngayon?
“Wala na siyang gusto
sa’yo, Ria. High school lang yun High school pa kayo noon. Baka nga di ka talaga niya gusto. Nalilito lang siguro siya. Akala niya gusto ka niya nung mga panahong
yun,” sabi ko sa sarili ko.
Pero at least makikita ko yung iba kong mga kaibigan. Sapat
na rason na yun para pumunta ako ng Alumni Homecoming.
---
Bakit nag-iba na ‘yung building? Ang sakit sa puso madaanan
yung nagibang UPIS kung ‘san nangyari lahat ng magagandang alaala nung high
school.
Naalala ko tuloy yung susi… sa lover’s lane… Hay. Tigilan mo
na. Pumunta ka dito para makita yung mga kaibigan mo. Hindi para balikan ‘yung
part ng buhay mo na malungkot-masaya.
Isipin mo na lang makikita mo ang mga kaibigan mong sina Alex at Grace.
*BEEP!*
“Ria, ‘san ka na? J”
text ni Grace.
“Paakyat na. ‘San ba
papasok dito? Nalilito ako,” reply ko.
“Hahaha! Diretso ka lang pagkaakyat mo ng hagdan. Makikita
mo na kami. ;)”
Pagpasok ko ng gate, unang bumati sa
akin ang puting-puting statue ni Lorna.
Maganda na siya. Mukha nang bago.
Ibang-iba na yung itsura ng UPIS! Namimiss ko na tuloy yung dati.
Excited na excited na akong makita sila! Ilang taon din
kaming di nagkikita-kita! Iba-iba kasi kami ng college e. Onti na lang!
Makikita ko na sina….
“Andrew?”
[EZRA]
Oh em gee. Balik UPIS ako! Nakakamiss nang maki-chika sa mga
prof. Bagong building na nga pala ang UPIS ngayon. Maganda kaya? Parang ako? Mukha na kayang pang world class? Parang ako ulit. Pang Miss World! Hahaha...charot! At hindi lang ‘yon, makikita ko ulit si
Martin, ano na kayang hitsura niya? Kumusta na kaya sila ni Aya? Bakit ko ba
iniisip yun? Move on na teh! Di talaga bagay ang beeeautyyyy ko kay Martin. Masyado akong maganda para sa kanya. Sayang
ang alindog ako.
Excited na ako para sa Homecoming. Ako pa naman ang emcee
para sa okasyon. Well, the best eh. Beauty queen levels.
Talagang naghanap ako ng
bonggang damit para dito, baka sakaling mapansin ng mga… alam mo na, boylaloo.
Nakarating na rin sa venue, and as expected, all eyes on me.
Ang bongga ng school ah, 4 floors, may may
bagong court, at may ramp! Why?
Why? Bakit ngayon lang
nagka-ramp? Sana noon pa. E di sana nasulit ko ang ramp na ito. May bag—
HAY NAKO!
Nakita ko na naman ‘yang echoserang Erin na yan, nakangiti,
pasugod sa akin. Nakakairita.
“Ezraaaaaaa! Namiss kita!” sigaw niyang pagkalakas-lakas.
Lokaret!
Ariba nang ariba, nakakahiya sa mga tao! “Ikaw pala ang
emcee dito! Kumusta ka na?”
“Okay naman! Uy sige, magp-practice pa ako para sa sasabihin
ko.” Sabay takbo.
Kaloka ‘yon. Nakakasira ng ganda. Anyway, hindi ko naman
kailangang mag-practice talaga. Alam ko
naman na ang sasabihin ko, at natural talent ko naman ang pange-emcee, kaya
maghahanap na lang ako ng boylet.
Biglang may nagsalita sa likod ko, “Excuse me, nakita n’yo
po ba si Kevin?” pagharap ko… ay papi.
“Kevin? Sinong Kevin” tanong sa akin ng boylet na gwapo
talagey.
“Ah sorry, akala ko kayo si Sir Delos Reyes.” paumanhin niya
sa akin.
Aba napagkamalan pa akong sir. Kalerkey.
“Okay lang hehehe. Ezra nga pala.”
“I’m Vincent.”
Juice Colored! Pangalan pa lang,
saksakan na ng kagwapuhan. Lord kung destiny ko na po ito sabihin niyo lang at
tatanggapin ko nang buong-buo!
Bukas-palad kong tatanggapin na may kasama pang ngiting kaakit-akit.
[KEVIN]
Ang boring! Wala akong gagawin dito. Sana naman may ka-batch
akong makita. I have no close at this place. I would rather went train or play.
’San kaya ako pwedeng tumambay? Tapos na mag-ayos ng
catering eh…
“Jia! Buti na lang andito ka!”
Ay nako. Sa dinami-rami ng ka-batch ko, siya pa nandito?
Dami kong atraso jan eh… lalo na nung nasa canteen kami. Bahala na!
“Wala na tayong ibang batchmates? Ang corny naman.” sabi ko.
No choice, sige tiyaga-tiyaga na lang.
“Tara lakad-lakad tayo.
Baka may makita tayong iba.” yaya ko kay Jia. Mainam na yung yayain ko na lang maglakad. Para di ako obligadong kausapin ng kausapin. Nakita namin si Kuya... Ate? Basta si Ezra while walking. I don’t know what could
I say but he’s so gay.
“Tara kain na lang!”
alok ko kay Jia.
Ang sarap ng foods! Iwanan ko na kaya ‘tong si Jia? Kaso baka mapahiya. Batch ko rin mapapahiya.
“Jia, wag maharot ah! Baka madulas. Walang toyo ngayon dito. Kulang ang prop mo sa dulas,” pabiro kong sinabi.
“Anong maharot? Ikaw kaya jan! Props! Kung hindi kulang ng s sobra sa s. Perpekto
ka eh no! Lalo sa English!” sagot ni Jia sabay irap.
Ay nako. Please sana makahanap ako ng ka-batch. Na’san ba si
Vincent?
Habang kumakain kami ni Jia ay nakita ko na ang pinakamatagal
ko nang inaabangan.
“Vincent! Vincent!” agad ko siyang pinuntahan.
Sa aking pagtayo, aba! Shet happens! Natapunan si Jia ng
pagkain! Bakit ba ang clamsea nun?”
Aasarin ko na dapat siya kaso, baka mas lalo pa siyang
mapahiya. Halos mangiyak-ngiyak na nga siya e.
Ano? Aalis na ba ako? Puntahan ko na kaya si Vincent? Iiwan
ko ba si Jia?
Nah! Sige na nga!
Agad kong tinanggal ang aking jacket at ibinigay ko sa
kanya. Nakakaawa naman. Baka umiyak.
Bakit ako tumulong? Pagsisisihan
ko ba? Bakit kasi siya hindi nag-iingat? Talagang lampa ‘tong babae 'to. O malas lang ba talaga
siya?
[Ezra]
Grabe hindi ako nakaget-over kay Prince Vincent! Sobrang
dreamy, ang hunky, and yummy! Yum, yum!
Echos. Ano ba ‘tong pinagsasasabi ko. Mag-isip kaya ako ng
pakulo dito kasi parang bored na ‘tong madlang people. Hmm...ah alam ko na!
“Hello, ladies and gentlemen! Bored na ba kayo? Let’s play a
game!”
Ang larong ito ay tintawag na Agawang...ano? Hulaan n’yo... Sige na nga!
Agawang...Talong!
MEKANIKS: Mayroong 6
na lalaki yung boylet ha.. at 6 na
babae. Ang mga lalaki ay nakaupo sa
upuan, nakapabilog, at bawat lalaki may hawak na talong sa gitna ng kanilang mga hita. Ang mga gurls naman ay sasayaw at iikot-ikot
sa harap ng mga lalaki habang may tugtog. At kapag tumigil ang kanta, kailangang
mahawakan ng mga babae ang talong ng lalaking nasa harapan nila. Ang mahuling makahawak na babae sa talong ng
lalaki ay out na sa laro.
“Okay, wala bang mga volunteers?” Aba walang nagbabalak
sumali? Ayaw n’yo? Ako na lang kaya.
“At dahil walang nagvo-volunteer, ako na lang pipili.” Sino
ba? “Hmmm… Ikaw! Poging Kuyang naka-checkered na polo, halika! Pati yung katabi
mo, punta na kayo dito sa harap. Aya! Martin! Sali kayo! At---- ate Ria! Kayong
dalawa ni Natalie! Tsaka ‘yung mga nakatambay diyan sa likod, tara dito! Ikaw
din, kuya Andrew, oo, at ikaw…Huwag na mahiya!
Lapit-lapit na! Matatanda na
kayo. Walang hiya-hiya.”
Shocking bells… asan si Vincent…AYUN!
“Vincent! Sali ka na rin!” Oh my golly, yung tingin niyang
‘yun, gulat na gulat, pero ang gwapo pa rin. Oh my goodness, sasali talaga
siya? Bakit yan papalapit dito? Bakit slow-mo maglakad? Papunta siya sa akin!
Magp-propose ba yan?! Ay oo nga pala, pinasali ko lang. Charot.
“Ay wala nang girls? Ayaw niyo talaga? Sige ako na lang!!”
Nagsiupuan na ‘yung mga boylet at nagsayawan na kami.
Tumigil ang kanta. Hala ka, sigawan ang mga ateng habang pahawak sa mga talong!
Ano ba ‘tong mga ‘to. Masyadong mahinhin.
Kaloka! Ang gwapo ni Vincent, talagang ang tagal kong
maglakad kapag dadaan sa kanya.
After 5 rounds, kami na lang ng isang babae ang natira at
siyempre nandun pa rin si Vincent, nakaupo at nag-iisa. Paunahan na ‘to, all or
nothing, ayun na ‘yung ginto!
Pagkatigil ng kanta, “ATE TABI, AKIN YAN!” Napasigaw ako
habang tumatakbo papunta kay Vincent at lumipad si ate nung tinulak ko. Pero
wapakels, ako din naman nanalo. HAHA. I WIN AT LIFE.
“Uy Jia! Okay ka lang? Are you fined? Ang clamsea mo kasi eh!”
Sabi pa ng isang lalaki doon habang tinatayo yung babae.
ITUTULOY. SIGURO. SOMEDAY.
0 comments: