aling norms,
“Masaya doon!” ang komento ni Aling Norms sa kanyang naging karanasan kasama ang mga high school students sa kanyang dating pwesto sa Pagoda.
Naninibago pa rin daw siya sa mga Elem dahil rin sa kanyang bagong pwesto pati na rin sa pakikitungo ng mga bata sa kanya. Mas magulo daw doon kumpara sa high school pero mayroon din namang mga batang nagmamano sa kanya sa tuwing mapapadaaan ang mga ito sa kanyang pwesto o kaya naman ay bago bumili sa kanya. Naging bago man ang pakiramdam ni Aling Norms sa bago nitong lugar, kalaunan ay nakapag-adjust na naman siya at naging palagay na ang kanyang loob sa bagong kapaligiran ng Elem.
Kung bibigyan siya ng pagkakataong magapalit ng trabaho, hindi niya pa rin pipipliing palitan ang kanyang kasalukuyang hanapbuhay dahil dito na raw siya tumanda at hangga’t hindi pa siya nagsasawa ay ipagpapatuloy niya ang gawaing ito.
“Hindi mabibili ng ginto’t pilak ang pagsasamahan.” Ito ang dahilang ibinigay niya kung bakit hinid niya ipagpapalit ang kanyang hanapbuhay at napakahirap din sa kanyang iwan ang mga batang napamahal sa kanya.
Pagmamalasakit, pagmamahal, at magandang samahan ang ilang dahilan kung bakit siya naging malapit at nananatiling malapit sa mga estudyante, na itinuturing din niyang mga anak at apo.
Sa tinagal tagal ng panahon, naging parte na ng kultura at kasaysayan ng UPIS si Aling Norms kaya saanman siya mapuntam mananatili siya sa ating mga puso. Magdaan man ang maraming bagyo, si Aling Norms ay nag-iisa lamang. / ni Noelle Lumbre, sa ulat nina Jenn Elona, Trisha Serrano, at Jediael Neri
Feature: TriNorma sa Elem, Now Open
Simula nang lumipat ang UPIS sa bago nitong tahanan, marami na ang naging pagbabago. Isa na rito ang pagkwala ni Aling Norms sa piling ng mga high school students. Ang nag-iisang si Aling Norms. Kilala siya bilang isang nanay o lola sa paaralan at nagtitinda ng mga abot kayang bilihin. Ang siomai, graham balls, Stick-O, at mani na talaga naman pantawid gutom ng mga estudyante. Sa pagkawalay ni Aling Norms sa mga high school students, ang totoo, di niya mapigilang maulila sa mga ito.“Masaya doon!” ang komento ni Aling Norms sa kanyang naging karanasan kasama ang mga high school students sa kanyang dating pwesto sa Pagoda.

0 comments: