cannot be reached,

Literary: Cannot Be Reached (Chapter 6)

9/29/2014 07:30:00 PM Media Center 0 Comments

Ang Cannot Be Reached ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.


-----


Pano ako aamin? After 10 years?

‘Di pa pinaabot ng grad. Matagal ko ring pinaghirapang itago sa sambayanan ‘yun a. Tas sa isang dare ng di ko pa alam ang pangalan ay bigla na lang akong bibigay? Jusko naman, Jia. Ano ba ‘tong pinasok mo?

Pero… hindi niya naman makikita kung gagawin ko ‘yung dare. Ano pang sense nun?

----

Dahil sa kaba ko, baka hindi ko maiwasang pagsuspetsahan ang lahat ng lalaking makasalubong ko sa school. Mas nakakapraning pa pag lahat ng lalaking may hawak ng cellphone nila, mga ka-batch ko. Pa’no kung kaklase ko pala ‘yun? Imposible. Dapat nahuli ko na siyang nagte-text sa klase, kasi ako ka-text niya e.

-----
Today, 5:46 am
Goodmorning! Ready ka na? :D

6:01 am
Di pa. :)))

6:10 am
Bakit naman? Ayaw mo sa personal?
E di sa text na lang! Hehehe. :D

6:14 am
Pa’no ko malalaman na 
nagawa mo na ‘yung dare? :/

6:20 am
Malalaman mo talaga pramis. Thrust me. :)

6:23 am
Trust kasi. Paano nga?

6:25 am
BDO. :)
-----

Ha? Ano naman yun? Una mali ang grammar. Ngayon naman imbento.
……..
…..

Baka BDO. We find ways.

-----
Today, 6:31 am
What ways?

6:36 am
Ha? Sabi ko Basta Di Ovius. :p

6:39 am
Obvious. Kelan pa naging acronym yun?

6:45 am
Ngayon lang. Inimbento ko.
Para sa’yo mag-iimbento
ng mga bagay. Hahaha! XD

6:47
Galing.
-----

----

“ANO?!” sigaw ni Kurt. Mukha pa nga siyang galit e.

“Syempre hindi ko gagawin. Di naman niya ako makikita e. Aantayin ko lang yung tawag niya.”

“Nawawala ka na ba sa sarili mo? Niloloko ka lang ng ka-text mo! Baka hindi pa nga taga-UPIS ‘yan e. Nagpapanggap lang.”

Hala ano bang sumapi dito? Parang nanay lang? Ano ako, anak?

“Taga-UPIS nga kasi talaga.” napipikon ko nang sagot sa kanya.

“Taga-UPIS e ang bobo? Simpleng tongue na nga lang di pa ma-spell,” naiinis na paliwanag ni Kurt.

“Ang sama mo! Mahirap kaya i-spell yung tongue. Grade 5 ko nga lang nalaman yung spelling nun e.”

“Hindi yun yung point ko. Basta parang pinaglalaruan ka lang niya. Tignan mo nga o, ang landi! Nakakasuka.”

“Ganun lang siya as a person! Ano ka ba, Kurt! Di mo man lang iniisip na nagiging masaya na ako dahil may nagpapasaya sa’kin?”

“So hindi kita napapasaya?”

“…”

Ano bang problema nitong si Kurt. Okay naman kami dati. Parati na lang mainit ang ulo niya simula nang magkaroon ako ng ka-text. Wala naming masama kung magkaroon ako ng ibang kausap.

“Hindi naman sa ganun, Kurt… ang sinasabi ko lang…”

“Ano?”

“...iba kasi ‘to e. Parang naging fearless at masayahin na ako. Di mo ba napapansin?”

“Syempre napapansin ko! Napapansin kita! Lagi kitang pinapansin! Kelan ba kita hindi pinansin? Sa tuwing may kailangan ka, andyan ako. Pag kailangan mo ng kausap, andito ako. Ikaw ang hindi nakakapansin!”

“Ng alin?!”

“May gusto ako sa’yo, Jia!”
……..
…..

Hindi ko alam ang isasagot ko. Gusto ko siyang sampalin, suntukin, sabunutan, at sigawan pero hindi ko kaya. Parang ang sakit sa damdaming malaman na may gusto sa’kin ang best friend ko. Onti na nga lang yung mga kaibigan ko, mababawasan pa ng isa. Yung pinakamabait at pinagkakatiwalaan ko pa. Bakit? Bakit, Kurt?

Tumakbo ako papuntang CR at tumulala sa salamin. Alam naman ni Kurt ‘yung kalagayan ko e. Bakit niya gagawin sa’kin ‘to? Ngayon pa. Kung kelan kailangan ko ng mapagsasabihan.
Kung niloloko ako ng maraming tao, pati rin ba kaibigan ko? Kailangan ko na talagang maging matatag at matutong tumayo sa sarili kong paa.

Hindi ko lolokohin ang sarili ko kaya kailangan kong maging matapang. Masyadong maikli ang buhay para hindi mag-take ng risk, kaya sulitin na ang pagkakataon.

Kung kaya ni Kurt… Kaya ko rin.

Aamin na ako.

-----

Lagi siyang pumupunta sa PA pagkatapos kumain ng lunch. Yun ‘yung routine nilang magbabarkada e. Pupunta na ako at aamin.

Pagbaba ko sa hagdan, nakita ko na sila. Andun siya. Kahit malayo, kilalang-kilala ko siya. Naku patay! Kasama niya yung mga ka-team niya. Paano na? Hinga nang malalim Jia!

-----

“Hindi yan yun! Masyadong masayahin e. Prime and proper ‘yung tipo ng babaeng ‘yon sa text pa lang eh!” narinig kong sabi ni Kevin.

“Siya?” sabay turo ni Vincent sa babaeng naglalakad sa likuran ko.

“Ampangit brad! Sana hindi siya ganyan kapanget!” sabi ni Kevin. “Yun na lang o! Chicks! Sana yun, sana yun!” nakangiti kong sagot sa kanya.

“Aba! Makapagsalita. Kala mo kung sinong gwapo.” sabat ni Jason.

-----

Face your fears, Jia. Kaya mo yan. Lumapit ka na. Maglakad papunta sa kanila.

Kaya mo yan.

Huhuhuhuhu hindi ko kayaaa!

Kalma. Kalma.

Hinga.

Kaya ko ‘to!

Fight!

Eto na…
……..
…..

“Jason?”

Tumingala siya mula sa pagkakayuko habang nagbabasa ng module sa PA.

“Po?” nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa akin.

“Uh… may sasabihin sana ako…” nauutal kong sabi kay Jason.

“Ano?” tanong ni Jason habang nakatitig sa akin.

HINGANG MALALIM…

“May gusto ako sa’yo. Simula Kinder,” lakas loob kong sabi sa kanya.

SHET. NASABI KO NA. PUWEDE NA AKONG MAMATAY.

Humalakhak si Vincent nang malakas sabay sabing “LAKAS NAMAN ‘NUN!”

Sunod-sunod naman ang pang-aasar ni Jake. Pumapalakpak pa habang nagsasalita.

“OO NGA! IBANG ALINDOG TALAGA NETO OH!”

“CHICSER KA JASON! PATI SI JIA NAHATAK MO!”

“HOMPOGI NOMON NON!”

“IBANG LAKAS!”

Tumawa nang sobrang lakas ang mga tao sa paligid namin. Nakakatawa ba ‘yun?

Mangiyak-ngiyak sa katatawa si Jason habang sinasabing “Uh… Alam mo Jia ganito kasi e… Actually, crush din kita!”

Mas malakas pa sa nauna ‘yung tawa nila.

Wala na akong mukhang ihaharap. Iniinsulto at pinagtatawanan ako ng mga tao. Ang tanga-tanga ko kasi e! Pumayag-payag pa ako sa walang kuwentang dare nung loko-lokong bobong ‘yun!
Di ko na napigilan ‘yung pagtulo ng luha ko at tumakbo ako papunta sa CR.

“JIAAAA! TEKA LAAAAAAANG!”

Alam kong si Denise yun pero tumakbo lang ako nang dire-diretso. Sa ngayon wala na akong pinagkakatiwalaang kahit sino. Lahat sila pinagtatawanan ako.

“UYYYY! GIRLYYYY! WHAT HAPPENED?” tanong niya nang tumigil ako sa tapat ng lababo.
Balak ko sanang pigilan ‘yung iyak ko pero di ko na talaga kinaya.

“Bakit lahat na lang ng kamalasan nangyayari sa’kin? May ginawa ba akong masama? Ganun na ba ako katanga?”

“Siguro dapat wag mo nang i-text ‘yang ka-text mo. Kung sino man yan…” sabi niya sa huli.

“Tanga-tanga ko kasi e. Naiinis ako sa sarili ko. Wala na akong dignidad.” Hindi na nakasagot si Denise at niyakap na lang niya ako.

Tatawagan ko na siya para tapusin ang anumang koneksyon na meron kami.

-----

“Hello?” umalis ako sa CR para pumunta sa tahimik na lugar. Ang tagal sumagot. Sagutin mo ang phone mo! Sumagot ka!

“Hello?” sagot sa akin ng tinawagan ko. “Si…Ji..”

Sa galit ko, hindi ko na pinatapos ang ka-text ko sa tanong niya. Pasigaw kong sinabi sa kanyang
“kung sino man ang dahilan ng pagkanda-leche-leche ng buhay ko!

“Nagawa ko na ‘yung dare!!!”

----DUGSH---AHHHHH!”

Aray!! Haharang-harang naman ‘tong si Kevin! Bakit nandito siya? Di ko naman siya nakikitang pumupunta rito. Nakatayo lang siya sa harap ko. Nakatitig lang sa akin. Nakatingin siya at malumanay na sinabing...

“Hello? Jia?” sinabi niya sa kausap niya sa cellphone.

Malinaw kong narinig sa phone at sa kanya.


ITUTULOY.

You Might Also Like

0 comments: