Paumanhin

10/03/2014 08:16:00 PM Media Center 2 Comments



Paumanhin sapagkat muli namin kayong pinaasa
Paumanhin sapagkat wala kayong nabasa
Paumanhin sapagkat hindi nakisama ang panahon
Paumanhin sa mga larawan na makikita mo ngayon


Ang ME at EIC namin ay hindi nakarating
Malamang ngayo'y pinagpipiyestahan na ng pating
Hindi namin alam kung nasaan na sila ngayon
Pero nung huli naming makausap kumakanta pa ng "My Heart Will Go On"


Ang mga associate editor namin ay nag-undercover na pulis
Sa laki ng mga katawan, 'di makatakbo nang mabilis
Hindi nakaabot 'pagkat nakipaghabulan
At inubos ang oras sa mga gawaing walang katuturan


Yung tatlo nama'y parang nawala sa katinuan
Kung nasaan sila ngayon hindi din nila matandaan
Kaya ngayo'y mistulan silang palaboy
At may kasama pang isang pangit na unggoy


Yung isa naman na nagpakilalang Elsa
Na sa palagay namin ngayon ay nanigas na
Sa bundok na napalilibutan ng yelo
Kung saan kumakanta siya ng Let It Go


Mayroon naman na naging bampira sa twilight
Na dinaig ang kutis ni Snow White
Sa ngayon ay hindi siya makalabas
Dahil baka sa araw siya ay maagnas


May writer naman na mukhang sinapian na
Na biglang tatabi sa iyong kama na parang naloloka
May writer din na nagpapanggap na white chicks
Na sa totoo lang ay mga tinadtad ng prosthetics


At ang mga natira ay mga espiya raw
Kung kumilos naman parang sabaw na sabaw
At dahil diyan wala kaming narating
Kaya abangan niyo na lang ang susunod naming publishing

You Might Also Like

2 comments: