dimasawi,
Malakas ang ulan. Medyo baha na sa kanto. Sayang naman ang porma ko kung susulong ako sa tubig, magmumukha akong dugyot kapag nagkita tayo. Isip, isip… anong dapat gawain para naman di diyahe sa’yo. Saktong may truck na dumating!
“Manong pasabit sa likod! Makatawid lang diyan sa sakayan ng bus!”
Naligo muna ako nang ilang wisik ng ulan bago makapasok ng bus. Pagkaupo, bunot kaagad ng panyo at wax para sa buhok na kaunting nagulo. Sa kasawiang palad, halata pa rin na nabasa ako. Ah bahala na, malakas naman ang aircon dito at tiyak masa malakas doon sa loob ng mall kaya doon na lamang ako magpapatuyo. Kaunting spray pa ng cologne, amoy…amoy…pwede na.
Iyon ang alamat ng Disyembre 27, 2013 ko. Hindi ako sigurado kung noong araw na iyon nagsimula basta ang alam ko, noon tayo muling nagkasama at nag-usap matapos ang isang taon. Maraming dapat alalahanin nung araw na iyon tulad ng kung anong sasabihin ng mga magulang mo, kung magagalit ba yung may gusto sa’yo (pagkakatanda ko ay kayo pa rin ang magkasama noong araw na iyon) pero nakita ko yung saya mo noon nang tumingin ka sa akin kaya nawala rin ang lahat ng pag-aalala. Sa totoo lang, nangangalay na ang mukha ko kakangiti. Hindi ko na ito matanggal mula noong pumayag kang sumama. Kahit hindi naman talaga nakakatakot iyong pinanood nating pelikula, kahit nahirapan akong humanap ng regalo at binagyo ako ng ulan at sermon pag-uwi; masaya ako.
At habambuhay ko nang magiging bahagi ang araw na iyon ng aking kasiyahan. Kaya kahit patawirin muli ako sa baha, sumabit sa truck, umilag sa itak ng ama mo, o maghintay ng ilang taon, sige lang! Sige, Sabihin na nilang tanga ako sa paghihintay sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan. Kesyo umaasa raw ako sa wala. Na baka kaya kailangan kong magihnaty kasi dinebelop mo pa ang feelings. E paano raw kung hindi mo mapag-aralan, matutuhan akong mahalin. Ang sagot ko, WALA AKONG PAKIALAM!! Basta kung para sa iyo, tanga na kung tanga pero hihintayin talaga kita.
Literary (Submission): Malakas ang Ulan

0 comments: