faber castell 0.7,
Naiisip kong may mga bagay na kailangang sukuan kung alam mong wala na talagang pag-asa at may mga bagay rin naman na kailangang pagtiyagaan at sobrang paghirapan para makuha. Para lang ‘yang grades. Kapag sumuko ka, lalagpak ka.
Pero, bakit pagdating sa’yo kahit anong gawin ko lagpak ako. Pagdating sa’yo hindi ko na alam kung ano ang dapat pang gawin. Pakiramdam ko naman nagawa ko na lahat. Halata na ngang nagpapansin ako pero ikaw lang ang mukhang di nakakapansin.
Ayan tuloy, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong piliin. Gulong-gulo na ako, magkaiba ang sinasabi ng isip at puso ko. Sabi ng isip ko, "sumuko ka na, na, na, na…" Kailangan ko na bang tanggapin, aking isip, na wala naman talaga akong pag-asa? Ang sabi naman ng puso ko “Gusto mo siya. Magtiis ka lang at magtiyaga, ga, ga, ga…” Kailangan ko na bang tanggapin, aking puso, na maghintay nang matagal? Na masaktan basta't para lang sa kanya? O, patuloy lang akong ‘wag mawalan ng pag-asa at patuloy na lumaban pa?
E, pero parang mas matimbang sa akin ang puso ngayon. Naniniwala at nananalig kasi ako kay Daniel Padilla na - na sa’yo na ang lahat, ang ganda, ang bait at ang talino... pati ang puso ko...
Alam ko naman magkaiba tayo. Minsan para di gaanong masakit, iniisip ko na lang na isa lang akong pangkaraniwan. At dahil dun mas madali ng kaunting-kaunti para sa akin na tanggaping baka (umaasang mali ako) wala naman talagang tiyansa na magustuhan mo ang isang tulad ko.
Hindi kita gaanong kinakausap kasi natatakot akong di ka tumugon. Iniiwasan kong biruin ka kasi baka di mo magustuhan ang biro ko. Hindi kita nilalapitan kasi baka lalo ka lang lumayo sa akin. Tawagin mo na akong torpe ayos lang din yun sa akin. Totoo naman kasing pagdating sa’yo sobrang natatakot ako. Nakakaasar nga e, nakakahiyang aminin. Pagdating sa ibang bagay napakalakas ko. Ngunit pag ikaw na ang nasa harap ko napakaduwag ko, nawawala ako sa pokus at nababawasan ang kakapalan ng mukha ko. Tumitiklop ako. Parang makahiya.
Gusto kong malaman mo na ikaw ang dahilan ng aking pagbabago. Naging seryoso ako dahil sa’yo. Higit sa lahat, seryoso ako… sa’yo. Hiling kong lagi ka lang nandiyan para lahat ng bagay ay nagagawa ko nang kumpleto at maayos. Hindi mo siguro alam. Pero ako alam ko. Sigurado ako ikaw ang inspirasyon ko. Pakiramdam ko kaya kong maging magaling na tao kapag nandiyan ka. Kaya kong tapusin ang lahat ng requirements dahil ganoon ka. Nagiging mabuti akong tao dahil napakabuti mo rin. Binago mo ako. Pakiramdam ko karapat-dapat ako sa lahat ng bagay na natatamo ko. Maliban na lang sa isa- sa’yo. Hangad kong maging karapat-dapat para sa’yo. Matutupad ko iyon dahil iyon ang sinasabi ng puso ko.
Gustong-gusto na kitang kausapin. Gustong-gusto ko nang sabihin sa’yo ang nararamdaman ko. Pero totoo rin na natatakot ako dahil baka muli na naman akong masaktan. Alam ko naman na walang mangyayari kung wala akong gagawin pero hindi ko maalis ang takot dahil baka hindi na ako muli pang umibig kung muli pa akong masaktan. Lalo pa’t sa iyo manggagaling ang pag-ayaw.
Ngayong di kita nakikita, nalilito na naman ako. Ano nga ba ang dapat kong sundin? Ang puso kong handang masaktan at magpakamartir para lang makasama ka o ang isip ko na duwag at torpe dahil sobrang nag-iingat na masawi?
Ewan ko. Hindi ko talaga alam. Hindi ko mainitindihan kung bakit pagdating sa’yo nahihilo ako. Litong-lito ba. Para ka kasing araw, sa’yo umiikot ang mundo ko at buti nga di ka napapagod kakatakbo sa isip ko. Alam ko marami akong mga kalokohang kagaya nito ngunit sa totoo lang, ito ang paraan ko para hindi ako laging mamroblema sa kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Hahakbang paatras o pasulong?
Pero pagbali-baliktarin ko man ang sinasabi ng puso at isip ko, isa lang ang alam ko: kaya kong magtiyaga at magpakahirap makasama ka lamang. Kahit alam kong walang sigurado sa mundo, gusto kong masabi sa sarili ko na sinubukan ko, na ginawa ko lahat ng makakaya ko, na hindi ko lang basta isinuko at pinalagpas ang pagkakataon.
Kaya kong maghintay na pagbigyan mo akong patunayan sa’yo na kahit minsan nakakalimot ako at medyo palpak ang damoves ko. Ikaw talaga ang gusto ko. Kaya kong maghintay ng tamang pagkakataong makausap ka ng masinsinan at masabi sa’yo ng harapan lahat ng ito.
Kaya ang sagot siguro’y pareho kong dapat sundin. Susundin ang pusong ikaw ang gusto ngunit pakikinggan rin ang isip at tahimik na lang munang hihiling na sa mga simpleng pagpapansin ko’y mahalata mong nandito lang ako para sa’yo. / ni Faber Castell 0.7
Literary (Submission): Para Sa'yo
Noon, hindi ko man lang naiisip na magiging seryoso ako sa buhay o, kahit sa pag-iisip. Ang alam ko lang, papasok sa sa eskuwela, makikita ang mga kaklase, teacher, at makakasama ang barkada. Pero ngayon, iba na. May sineseryoso na akong talaga. Ikaw, ikaw, at ikaw. Wala nang iba. Sakit sa ulo talaga.Naiisip kong may mga bagay na kailangang sukuan kung alam mong wala na talagang pag-asa at may mga bagay rin naman na kailangang pagtiyagaan at sobrang paghirapan para makuha. Para lang ‘yang grades. Kapag sumuko ka, lalagpak ka.
Pero, bakit pagdating sa’yo kahit anong gawin ko lagpak ako. Pagdating sa’yo hindi ko na alam kung ano ang dapat pang gawin. Pakiramdam ko naman nagawa ko na lahat. Halata na ngang nagpapansin ako pero ikaw lang ang mukhang di nakakapansin.
Ayan tuloy, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong piliin. Gulong-gulo na ako, magkaiba ang sinasabi ng isip at puso ko. Sabi ng isip ko, "sumuko ka na, na, na, na…" Kailangan ko na bang tanggapin, aking isip, na wala naman talaga akong pag-asa? Ang sabi naman ng puso ko “Gusto mo siya. Magtiis ka lang at magtiyaga, ga, ga, ga…” Kailangan ko na bang tanggapin, aking puso, na maghintay nang matagal? Na masaktan basta't para lang sa kanya? O, patuloy lang akong ‘wag mawalan ng pag-asa at patuloy na lumaban pa?
E, pero parang mas matimbang sa akin ang puso ngayon. Naniniwala at nananalig kasi ako kay Daniel Padilla na - na sa’yo na ang lahat, ang ganda, ang bait at ang talino... pati ang puso ko...
Alam ko naman magkaiba tayo. Minsan para di gaanong masakit, iniisip ko na lang na isa lang akong pangkaraniwan. At dahil dun mas madali ng kaunting-kaunti para sa akin na tanggaping baka (umaasang mali ako) wala naman talagang tiyansa na magustuhan mo ang isang tulad ko.
Hindi kita gaanong kinakausap kasi natatakot akong di ka tumugon. Iniiwasan kong biruin ka kasi baka di mo magustuhan ang biro ko. Hindi kita nilalapitan kasi baka lalo ka lang lumayo sa akin. Tawagin mo na akong torpe ayos lang din yun sa akin. Totoo naman kasing pagdating sa’yo sobrang natatakot ako. Nakakaasar nga e, nakakahiyang aminin. Pagdating sa ibang bagay napakalakas ko. Ngunit pag ikaw na ang nasa harap ko napakaduwag ko, nawawala ako sa pokus at nababawasan ang kakapalan ng mukha ko. Tumitiklop ako. Parang makahiya.
Gusto kong malaman mo na ikaw ang dahilan ng aking pagbabago. Naging seryoso ako dahil sa’yo. Higit sa lahat, seryoso ako… sa’yo. Hiling kong lagi ka lang nandiyan para lahat ng bagay ay nagagawa ko nang kumpleto at maayos. Hindi mo siguro alam. Pero ako alam ko. Sigurado ako ikaw ang inspirasyon ko. Pakiramdam ko kaya kong maging magaling na tao kapag nandiyan ka. Kaya kong tapusin ang lahat ng requirements dahil ganoon ka. Nagiging mabuti akong tao dahil napakabuti mo rin. Binago mo ako. Pakiramdam ko karapat-dapat ako sa lahat ng bagay na natatamo ko. Maliban na lang sa isa- sa’yo. Hangad kong maging karapat-dapat para sa’yo. Matutupad ko iyon dahil iyon ang sinasabi ng puso ko.
Gustong-gusto na kitang kausapin. Gustong-gusto ko nang sabihin sa’yo ang nararamdaman ko. Pero totoo rin na natatakot ako dahil baka muli na naman akong masaktan. Alam ko naman na walang mangyayari kung wala akong gagawin pero hindi ko maalis ang takot dahil baka hindi na ako muli pang umibig kung muli pa akong masaktan. Lalo pa’t sa iyo manggagaling ang pag-ayaw.
Ngayong di kita nakikita, nalilito na naman ako. Ano nga ba ang dapat kong sundin? Ang puso kong handang masaktan at magpakamartir para lang makasama ka o ang isip ko na duwag at torpe dahil sobrang nag-iingat na masawi?
Ewan ko. Hindi ko talaga alam. Hindi ko mainitindihan kung bakit pagdating sa’yo nahihilo ako. Litong-lito ba. Para ka kasing araw, sa’yo umiikot ang mundo ko at buti nga di ka napapagod kakatakbo sa isip ko. Alam ko marami akong mga kalokohang kagaya nito ngunit sa totoo lang, ito ang paraan ko para hindi ako laging mamroblema sa kung ano ba talaga ang dapat kong gawin. Hahakbang paatras o pasulong?
Pero pagbali-baliktarin ko man ang sinasabi ng puso at isip ko, isa lang ang alam ko: kaya kong magtiyaga at magpakahirap makasama ka lamang. Kahit alam kong walang sigurado sa mundo, gusto kong masabi sa sarili ko na sinubukan ko, na ginawa ko lahat ng makakaya ko, na hindi ko lang basta isinuko at pinalagpas ang pagkakataon.
Kaya kong maghintay na pagbigyan mo akong patunayan sa’yo na kahit minsan nakakalimot ako at medyo palpak ang damoves ko. Ikaw talaga ang gusto ko. Kaya kong maghintay ng tamang pagkakataong makausap ka ng masinsinan at masabi sa’yo ng harapan lahat ng ito.
Kaya ang sagot siguro’y pareho kong dapat sundin. Susundin ang pusong ikaw ang gusto ngunit pakikinggan rin ang isip at tahimik na lang munang hihiling na sa mga simpleng pagpapansin ko’y mahalata mong nandito lang ako para sa’yo. / ni Faber Castell 0.7
ikaw na
ReplyDelete