literary,
Tamang Pag-asa
Nang una kitang masilayan
Hindi ka na maalis sa’king isipan
Nabighani ako sa iyong kagandahan
Hanggang sa ika’y napapanaginipan.
Sa tuwing ikaw’y nakikita
Bumibilis ang tibok ng puso ko
Kakaiba ang nararamdamang saya
Sa labis na paghanga sa’yo.
Maaari bang ibalik mo na
Ang puso kong sa iyo’y sumama
Baka di ko kayanin
Ang mabuhay nang wala ka.
Sinong lalaki ang di gugustuhin
Na ikaw ay mapasakaniya at mahalin
Sana naman ay bigyan mo ng pansin
Ang puso kong umaasa’t nagmamahal din.
Sabi nga nila tamang pag-asa lang
At ako raw’y hangal
Ipinipilit na tama lang
Na ang puso ko ang nagmamahal.
Minsan ay naisip ko na layuan ka na lang
Para hindi na masaktan
Subalit sa paunti-unting paglayo
Mas nasasaktang itong puso.
Masakit ang masaktan
Alam kong alam mo ‘yan
Pero para sa’yo
Kakayanin kong magtiis at magsakripisyo.
Sa huli ikaw pa rin ang may pasya
Kung sinong dapat na mahalin
Ano man ang maging desisyon mo
Ay maligaya kong tatanggapin ito.
Isa lang ang aking kahilingan-
Na sana…
Sa pagtungtong mo ng kolehiyo
Ay makita mong ikaw pa ri’y aking hinihintay.
Literary (Submission): Tamang Pag-asa / Oras
Tamang Pag-asa
Nang una kitang masilayan
Hindi ka na maalis sa’king isipan
Nabighani ako sa iyong kagandahan
Hanggang sa ika’y napapanaginipan.
Sa tuwing ikaw’y nakikita
Bumibilis ang tibok ng puso ko
Kakaiba ang nararamdamang saya
Sa labis na paghanga sa’yo.
Maaari bang ibalik mo na
Ang puso kong sa iyo’y sumama
Baka di ko kayanin
Ang mabuhay nang wala ka.
Sinong lalaki ang di gugustuhin
Na ikaw ay mapasakaniya at mahalin
Sana naman ay bigyan mo ng pansin
Ang puso kong umaasa’t nagmamahal din.
Sabi nga nila tamang pag-asa lang
At ako raw’y hangal
Ipinipilit na tama lang
Na ang puso ko ang nagmamahal.
Minsan ay naisip ko na layuan ka na lang
Para hindi na masaktan
Subalit sa paunti-unting paglayo
Mas nasasaktang itong puso.
Masakit ang masaktan
Alam kong alam mo ‘yan
Pero para sa’yo
Kakayanin kong magtiis at magsakripisyo.
Sa huli ikaw pa rin ang may pasya
Kung sinong dapat na mahalin
Ano man ang maging desisyon mo
Ay maligaya kong tatanggapin ito.
Isa lang ang aking kahilingan-
Na sana…
Sa pagtungtong mo ng kolehiyo
Ay makita mong ikaw pa ri’y aking hinihintay.
Oras
Sa mismong Clearance Day
Tinawag nila ako’t pinakilala sa’yo
Isang ngiti, isang kaway
Ganoon lang ang sa’yo ay bati ko.
Nagsimula ang bagong taon
Nagsimula rin ang biruan
Magpahanggang sa ngayon
Ay puno pa rin ng asaran.
Hindi mapigilan ang aking tuwa
Sa tuwing nakikita kang nakatingin
Hindi ako sanay na may natututula
At biglang bumabati sa akin.
Ito’y naging bahagi na
Ng bawat araw kong pinagdaraanan
Na sa tuwing makikita ka
Nagwawala, nagkakagulo, iyong mga kaibigan.
Ako ay naninibago
Nang minsang natigil ang asaran
Para bang hindi kumpleto
Ang araw na walang nagkukulitan.
Huwag kang mag-alala
Dahil pansin na pansin kita
At ako ay natutuwa dahil may katulad mo pa pala
Na sa’kin ay humahangang talaga.
Hindi ka hangal
‘Yan ang iyong tatandaan
Walang masama
Lalo na kung ikaw ay nagmamahal.
Masakit ang masaktan
Alam ko talaga ‘yan
Kaya naman hindi ko hinahayaang
Makasakit ng sinuman.
Bakit hindi tayo sabay na umasa
Na sa tamang oras ay darating
Ang para sa’yo
At para sa akin
Ang swerte ni needle pin :((
ReplyDelete