filipino,
Literary (Submission): Kayo
Sa bawat pagpatak ng ulan,
Paulit-ulit ko pa ring nararamdaman.
Lahat-lahat bumabalik sa isipan ;
Mapapait na karanasan.
Sinubukan kong gawin ang lahat,
Inunawa kita, pero di talaga sapat.
Pero hindi akong may kasalanan,
Dahil sa ikaw ang unang lumisan.
Umuulan noong nag-usap tayo.
Sabi mo, "Parang medyo malabo."
"Anong malabo? Ang gulo."
Nalilito kamo ang puso mo.
Ang pag-ibig daw ay para sa dalawang nilalang;
Hindi pantatlo o pang-isa lang.
Ginawa mo kaming salawahan,
Pero parang mas ako ang napaglaruan.
Hindi na ako nagtanong pa.
Hindi na umimik kahit isa.
Anong saysay na ungkatin ko pa?
Kung uulitin mo lang na “nalilito ka.”
Hangad ko lang sumaya ka.
At tiyak maligaya na rin kayo;
Mapagmahal naman kasi ang kaibigan ko.
0 comments: