DiMaAninag,

MC Expose: Mga Hapon, nagkalat

10/08/2014 08:22:00 PM Media Center 0 Comments

Dumating noong Agosto 1, 2014 sa UPIS ang 20 exchange student mula Japan. Sila ay nanatili dito ng isang araw kasama ang mga estudyante ng UPIS. Sila ay malugod na tinanggap ng mga taga-UPIS at naging masaya sa saglit nilang pananatili.

Ngayon na ang mga delegado naman ng UPIS ang ipinadala sa Japan, kumalat ang balita na may ilang estudyante mula sa Japan ang naiwan. Hindi ito napansin ng ibang mga exchange students dahil sa kanilang ninja moves kaya nakatakas sila at nanatili rito. May ilan naman sa kanila ang di umano’y nakalimot na oras na para bumalik sa Japan. Sila ngayon ay nakakasama pa natin sa loob ng UPIS at ang ilan ay naging ating kaklase nang hindi natin nalalaman.

“Weh? Nakaalis na pala sila? Bakit may nakita yata ako na kumakain sa canteen? Pawis na pawis pa dahil mukhang kakatapos lang maglaro. Sino ba ‘yun?” ani Noraiza habang sarap na sarap na kumakain ng siomai at sakto coke sa canteen.

Tulad namin, siya’y takang-taka sa kababalaghang ito. Pinatunayan din ito ng isa pang estudyante na nagngangalang Gaea. Namataan daw niya ang isang Haponesa na nagmamadaling umuwi. Umuwi nga ba o nagmamadali para sa kanyang flight?

“Oo nga eh, nakita ko nga ‘yan kanina pa. Hindi mapakali, nagmamadaling umalis. Nakalimutan niya nga siguro ang flight niya kahapon!“ sabi ni Gaea na bumubungisngis pa.

Hindi lang mga estudyante ang naging takas. Maging ang isang guro na kasama ng mga estudyante ay umeskapo rin. Siya raw ang mastermind ng lahat ng ito. Nagtuturo ang gurong ito sa isang departamento at hindi man lang ito napansin ng mga estudyante at kapwa mga guro. Napag-alaman pa ng mga estudyante na marunong itong magsalita ng Hapon. Namataan siya na nakikipag-usap sa iba pa niyang kapwa guro.

Nakapanayam naming ang isa sa mga estudyante niya na itatago natin sa pangalang Kristel.
“Siya ba ‘yun? Omg. Grabe naman. Sabi niya sa klase cosplayer daw siya at nakakaintindi siya ng ilang mga salitang Hapones na sinasabi ng kaklase kong si Greg na mahilig sa amin. Grabe naiwan din pala ‘yun! Haist!” sabi ni Kristel.

Kung may mga reaksyon man ang mga estudyante, ito ay wala na silang pakielam kung nangyayari tito. Sa halip, tuwang tuwa nga sila dahil hindi nila akalaing makakasama nila ang mga ito. Sa katunayan, lahat sila’y naging palakaibigan. Sayang nga lang daw at hindi naiwan si Kotaro… ang napakasayang si Kotaro…

Ngunit may natanggap din kaming balita na kahit si Kotaro ay naiwan. Siya’y nasa Grado 7 ngayon. Hindi namin siya nakapanayam dahil napag-alaman pa namin na siya ay sumali bilang swimmer ng UPIS at naghahanda para sa UAAP ng Swimming Team. / nina Trisha Serrano at Jediael Neri

You Might Also Like

0 comments: