GuroSalamatPo,
Feature: Limang Hinanakit nina Sir Pogi at Ma'am Ganda
Kada araw,
pumapasok ang mga guro sa paaralan para magturo ng iba’t ibang kaalaman sa
atin. Araw-araw, tinitiis nila ang init sa classroom, ang ingay ng mga
estudyante, gutom kapag tanghali na’t may klase pa, mga estudyanteng late
magpasa ng requirements at kung ano-ano pang kunsumisyon. Pero, para sa mga
magaganda’t gwapo nating mga guro, may iba pa silang mga problema bukod sa mga
nabanggit... Ilan sa mga iyon ay ang mga sumusunod…
1. Pilit na maghi-hi ang mga estudyante kahit nakalayo na sila.
2. Di mo alam kung nakikinig ang mga
estudyante o tinititigan lang ang guro.1. Pilit na maghi-hi ang mga estudyante kahit nakalayo na sila.
“Eto na-experience ko. Nasa dulo na ako ng corridor pero
bibilisan talaga ng mga estudyante ang paglalakad maabutan lang ako. ‘Hi’ lang
naman ang sasabihin. Sa elem naman nilalambitinan pa ko ng mga Grade 3 students
ko. Hay buhay.”
“Narinig ko lang nung enrollment. Sobrang saya nila nang makita ang apelyido ko
sa sched nila. Pipilitin raw niyang hindi matulog at makikinig daw sa’kin. Nang
magturo na ko, gising nga’t nakatingin sa’kin pero mukha namang
nag-da-daydream.”
3. Sa lahat ng sulok ng school, may
babati sa’yo.
“Habang bumibili sa canteen, habang naglalakad sa corridor,
habang dumadaan sa ramp, habang nagtatrabaho sa department, habang paalis na ng
school, di ko na mabilang kung ilang ‘Hi’ ang nakukuha ko sa isang araw.”
4. Magpapaturo ang estudyante kahit gets
naman nila ang lesson.
“Okay lang naman na magpaturo pero yung araw-araw na pupunta
dun at pare-parehong topic lang naman ang pinapaturo, jusko nakakahalata na ko.
Samahan pa ng pasulyap-sulyap na tingin. ”
5. Tinitilian kapag dumadaan ang guro.
“Mukhang imposible mangyari, pero madalas itong mangyari sa akin.”
Sa buhay naming ito, mahirap nang maging guro, higit na mahirap maging Sir Pogi at Ma’am Ganda. / Hazelnut
Sa buhay naming ito, mahirap nang maging guro, higit na mahirap maging Sir Pogi at Ma’am Ganda. / Hazelnut
0 comments: