DiMaAninag,
Sino nga ba ang taong ito na responsable sa pagbibigay-sigla sa mga estudyante ng UPIS? Sino nga ba siya na may kaakayahang maging mala-disco ang Auditorium?
Itago natin siya sa pangalang DJ Law.
Sa unang tingin, simple lamang ang ating DJ. Araw-araw, suot niya ang kanyang uniporme—itim na t-shirt at kulay beige na pantalon. Madali lamang siyang hanapin. Karamihan ng kanyang oras ay nauubos sa kanyang pamamalagi sa ikaapat na palapag ng ating gusali. Walang nakakaalam kung ano ang ginagawa niya roon pero ipagpalagay na natin na may ginagawa siya.
“Naku, hindi gumagana ang TV! Pakitawag nga si DJ Law!” Ganyan ang madalas na maririnig mula sa mga nangunguna at die-hard fans niyang guro. Ito ay dahil hindi lamang sa Dj skills kilala ang minamahal natin na si DJ Law. Nandidiyan rin siya upang mag-ayos ng technical problems sa tuwing nasisira ang ating kagamitan.
“Kahit hindi ko pa naririnig ang kanyang boses, bilib ako sa kanyang DJ skills at sa dahilang siya lamang ang may kakayahang mag-ayos ng mga kagamitan, at wala nang iba pa,” sabi ng isang estudyante sa Grade 10.
“Gustong-gusto ko ‘yung favorite remix niya na ‘I knew I love you before I met you tugs tugs tss tugs tugs tss’,” sabi ng isang estudyante sa Grado 9.
“Tsaka yung ‘Tenten-tentenenten-tenten tenten-tentenenten-tenten tententen-tenentenen-tenten DING DIIING’!!!” sabat naman ng kaibigan niya.
Talagang maraming nakakabilib na talent ang ating nag-iisang DJ Law. Kaya, sa susunod na programang pampaaralan, sana’y maaalala mo si DJ Law, ang napakasipag at poging-poging si DJ Law nalaging nariyan para bigyan ng himig at musika ang buhay nating lahat. / nina Jennifer Elona at Katreena Nulud
Feeture: DJ Law
Isang napakatalentadong DJ ang kasalukuyang sumisikat sa UPIS. Mayroon siyang kakayahang malaman ang mga sikat at bagong kanta at patugtugin ito tuwing mayroong mga programa sa UPIS. Sa tulong ng kanyang DJ skills, nagagawa niyang mapasigla ang mga mag-aaral ng UPIS bago magsimula ang mga programa sa paaralan.Sino nga ba ang taong ito na responsable sa pagbibigay-sigla sa mga estudyante ng UPIS? Sino nga ba siya na may kaakayahang maging mala-disco ang Auditorium?

0 comments: