DiMaAninag,
Literature: Sirang Plaka
Mapapansin mo ba kaya ang tulad ko? Minamasdan kita nang
hindi mo alam. Panalangin ko sa habang buhay, makapiling ka, makasama ka, ‘yan
ang panalangin ko. Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit, ika’y lumalayo?
Tanggap ko o aking sinta, pangarap lang kita. Hindi mo lang
alam kay tagal nang panahong ako’y nandirito parin hanggang ngayon, para sa’yo.
Pero sige nang sige, sige nang sige. Hangga’t ako’y humihinga, may pag-asa pa.
Hindi ako susuko, isisigaw ko sa mundo. Ikaw lamang ang aking inaasam.
Mundo ko’y biglang nagbago. O kay tamis ng iyong pagdating.
Mahal kita, mahal mo ba ako? Sumagot ka naman, wag lang ewan. Miyerkules,
nagtapat ka ng iyong pag-ibig. Di akalaing sabihin mong ako na ‘yon, ang
hinahanap mo. Ako na yata ang pinakamagandang lalaki sa mundo.
Ikaw ang bigay ng maykapal. Sa umaga’t sa gabi, sa bawat
minutong lumilipas. Sa iyong yakap, ako’y nasasabik. Paggising ko ikaw ang nasa
isip. Ka-date kita hanggang sa panaginip. Wala na ‘kong hihingin pa.
Sabado, tayo’y biglang nagkatampuhan. O kay bilis namang
maglaho ng pag-ibig mo sinta.
Iba na ang iyong ngiti, iba na ang iyong tingin. Nagbago
nang lahat sa’yo. Daig mo pang isang kisapmata. At sa pagsapit ng Linggo, giliw
ako’y iyong iniwan.
Nagtapos ang lahat. Sa di inaasahang panahon, at ngayon
ako’y iyong iniwan. Sinaktan mo ang puso ko. Sinaksak mo ng kutsilyo. Di mo
alam dahil sa’yo, ako’y di makakain. Ikaw ba ang nararapat sa akin? Bakit ka pa
nakita, kung puso ko ay iiwan mo lang. Di ko kayang tanggapin.
Ngunit anong magagawa, kung talagang ayaw mo na. sino ba
naman ako para pigilin ka? Sana may luha pa, akong mailuluha. Kung ako’y muling
iibig, sana’y di maging katulad mo.
Tamatakbo ang oras, lumilipas ang panahon. Giliw ko, miss na
miss na kita. Ngayo’y takang-taka na may kasama kang iba. Siya ba ang dahilan?
Wala na bang pag-ibig sa puso mo?
Pangarap lang kita.
0 comments: