cw spoof,
Takte late na naman. Badtrip naman kasi 6 na ‘ko nagising. Mabilis sana ‘pag 5 minutes breakfast, tapos 5 minutes ligo (1 minute shampoo, 1 minute sabon, 1 minute banlaw, tapos 2 minutes babols babols), tapos 5 minutes kain. Pero siyempre kailangan din ng 5 minutes pulbo, 5 minutes gel, 5 minutes pabango, at siyempre, 20 minutes salamin. Hay.. p0hqi pr0bzs.
Tinakbo ko ang buong ramp. Bakit ba naman kasi first subject, 4th floor kaagad. Badtrip. Shet mangangamoy pawis na yung bench cologne ko. ‘Di bale, magsspray na lang uli ako mama—
DUGSHHHHHH
“Ay bakla!” sigaw ng nabangga ko.
“Mukha mo hindi ako bakla!” sigaw ko pabalik sabay tiningnan ko siya ng masama.
“Ay Kh3v!n, frieeeend, ikaw pala ‘yan!” Si Julian pala. Bestfriend kong malanding ewan.
“Grabe, sinadya mo na namang banggain ako. Anoba hindi tayo talo.”
“Kh3v!n namaaaaaan!” sabay hawak niya sa braso ko.
“Sipain kita diyan eh!” sabay bitaw niya sa braso ko. “Sige landi, una na ‘ko.”
Aksaya talaga sa oras ‘yong kaibigan ‘kong ‘yun. Pero mahal ko ‘yun. Ang sarap pag tripan eh. Tsaka medyo mabait, mga tatlong beses sa isang linggo.
….
Ang boring ng Filipino. Para kaming naglilitanya sa klase.
“Ang first draft isusubmit kasama ang outline. Naiintindihan ba?”
“Opo.”
“Lima hanggang sampu ang magtatalumpati bawat meeting. Nagkakaintindihan ba?”
“Opo.”
“Late na naman ba si de Liano?”
“Opo.”
Ang boring talaga. Nakakabagot. Sayang porma ko. Patulog na sana ako nang biglang nag vibrate ang phone ko.
Huh? Sino naman ‘to?
Hala. Matindi yata ang sapak nitong taong ‘to.
0917***6969
10:47
Me? I’m Julie, 16, Philippines!
------------------
Ay chicks. Gusto ko ‘yan. Maganda kaya ‘to? Paano kung hindi? Magpapakilala ba ‘ko? Haiszt, ang hirap maging pogi.
0917***6969
10:49
Ay winner, boylaloo
ang katext ko!
Ano pong Alma
Mater mo?
------------------
Ang arte naman nito magsalita… Naku tinanong na kung anong school ko…
0917***6969
10:53
Ay bongga! Same tayo ng
Alma Mater, dear. Gusto mo
mag-LOLOL? ;)
------------------
Ha? Parehas kaming taga-UPIS?! Sino to?! Anong LOLOL? Alam kong adik ako sa LoL pero saan galing yung LOLOL?
0917***6969
11:02
Ay Kalerkey ka naman! Hindi!
Oh em, daming Lindsay Lohan
dyan sa larong yan! Super A-Dick Israel!
LOLOL- Lunch Out Lunch Out Lang!
Anuhver! So ano?
Let's Go, Sago? ;)
--------------------
Aba. Kakakilala pa lang niya sa akin, nagyaya agad ng lunch kasama siya. Landi. Ka-batch ko kaya 'to?
At hindi ko alam kung bakit ako pumayag nang basta ganoon na lang... Hay bahala na nga.
--------------------
0917***6969
11:11
Bonggacious! Sakto 11:11 pa!
Dream come true na natin
to babe! ;)
--------------------
Um... okay... medyo natakot ako doon. Hayzst bahala na nga lang talaga.
**Lunch time**
Heto na, here goes nothing. Naglagay pa ako ng extra gel sa buhok para mukhang Bh0sxz. H3h3h3. Nasan na kaya 'yun? Sana chix.
Nakita ko si Julian sa isang mesa, himala mag-isa siya ngayon, walang mga galpals niya. Pero teka, bakit nga ba mag-isa lang yan?
Nakangiti.
Nakatingin sa phone.
Hay parang baliw.
BEEP BEEP
--------------------
0917***6969
12:35
Heeeey! Dito na moi, where na
you prince charming? ;)
--------------------
Heto na! Grabe kinakabahan na ako.
Bigla kong narinig 'yung bungisngis at tili ni Julian, ang landi ng pagkatawa. Nakatingin pa rin sa cellphone.
“Okay baby ko, see you!” Malakas niya pang sigaw habang nagtetext.
BEEP BEEP
--------------------
0917***6969
12:37
Okay baby ko!
See you! ;) ;)
--------------------
Sh*t... Napababa yung buhok ko. Parang iniwan ng gel. Bakit... sa dami-daming tao. Pero paano 'yun? Mayroon naman akong number niya sa phone ko ah? Imposible.
Grabe, ano ba 'tong pinasok ko? Nakakawala ng sw3g. Sumugod ako kay Julian at hinablot ko 'yung telepono niyang iPhone.
“Ikaw? Pinagtitripan mo ba ako ha?” malakas kong tanong.
“Ha anong ibig mong sabihin, beh?” sabi niya sa akin, kalmado lang. Pero nakangiti pa rin.
Habang nagsasagutan kami, pinagtatawanan na lang kami ng mga tao sa canteen. Nakakahiyang nakakainis.
“Akala ko ba isa lang cellphone mo? Paano mo ako tinetext nang ibang number gamit?”
“Ay hindi mo ba alam beh? Itong iPon ko... DUAL SIM!” sagot niya sa akin.
At doon nagsisimula ang bangungot ko.
DI SIGURADO KUNG MATUTULOY.
Literature: Dual Sim

10:45
Hi. :)
-------------------
Huh? Sino naman ‘to?
------------------
Me
10:46
Eow? Cn0 2?
10:47
Ay! Winnie Monsod ang text lingo mo teh!
------------------
Hala. Matindi yata ang sapak nitong taong ‘to.
------------------
Me
10:48
Sowiee p0h… str4nqerz
p0h k4u. Cn0 p0h 2?
10:47
Me? I’m Julie, 16, Philippines!
------------------
Ay chicks. Gusto ko ‘yan. Maganda kaya ‘to? Paano kung hindi? Magpapakilala ba ‘ko? Haiszt, ang hirap maging pogi.
------------------
Me
10:48
ghirL p0h u? iM 1Mb4
Bh0zxs Kh3v!n ^.^
0917***6969
10:49
Ay winner, boylaloo
ang katext ko!
Ano pong Alma
Mater mo?
------------------
Ang arte naman nito magsalita… Naku tinanong na kung anong school ko…
------------------
Me
10:51
UPIS ph0wxz ^_^ 1k4w?
0917***6969
10:53
Ay bongga! Same tayo ng
Alma Mater, dear. Gusto mo
mag-LOLOL? ;)
------------------
Ha? Parehas kaming taga-UPIS?! Sino to?! Anong LOLOL? Alam kong adik ako sa LoL pero saan galing yung LOLOL?
------------------
Me
10:59
H4? 4n0 ph0wnq LOLOL?
L4r0 b4 yUhn? h3h3h3h3
0917***6969
11:02
Ay Kalerkey ka naman! Hindi!
Oh em, daming Lindsay Lohan
dyan sa larong yan! Super A-Dick Israel!
LOLOL- Lunch Out Lunch Out Lang!
Anuhver! So ano?
Let's Go, Sago? ;)
--------------------
Aba. Kakakilala pa lang niya sa akin, nagyaya agad ng lunch kasama siya. Landi. Ka-batch ko kaya 'to?
--------------------
Me
11:10
$LR! :( 0hk3y ph0wsz
h3h3h3,
12:30 p0 h4 ;).
--------------------
--------------------
0917***6969
11:11
Bonggacious! Sakto 11:11 pa!
Dream come true na natin
to babe! ;)
--------------------
Um... okay... medyo natakot ako doon. Hayzst bahala na nga lang talaga.
**Lunch time**
Heto na, here goes nothing. Naglagay pa ako ng extra gel sa buhok para mukhang Bh0sxz. H3h3h3. Nasan na kaya 'yun? Sana chix.
Nakita ko si Julian sa isang mesa, himala mag-isa siya ngayon, walang mga galpals niya. Pero teka, bakit nga ba mag-isa lang yan?
Nakangiti.
Nakatingin sa phone.
Hay parang baliw.
BEEP BEEP
--------------------
0917***6969
12:35
Heeeey! Dito na moi, where na
you prince charming? ;)
--------------------
Heto na! Grabe kinakabahan na ako.
--------------------
Me
12:36
D1t0 NuHhh R1n
m3 h3h3h3h3.
3Xc1ted 2 c U. :)
----------------------

0 comments: