christine bailon,

UPIS Teenage Ambassadors, bumisita sa Japan

10/13/2014 07:31:00 PM Media Center 0 Comments

Dalawampung estudyante mula sa UPIS ang bumisita sa Japan mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 6 bilang bahagi ng Teenage Ambassador Program.
Photo credit: Carolyn Faulan

Dumating ang mga Philippine Ambassador noong Lunes, Setyembre 29 sa Tokyo, Narita kasama sina Prof. Devora Tengson at isang NYC Delegate. Bumisita sila sa ilang environmental facilities ng Japan at sa Rainbow Sewerage Museum sa Tokyo, at Matsumori Factory sa Sendai. Ito ay pawang bahagi ng environmental awareness promotion ng Teenage Ambassador Program.

Binisita rin nila ang Sendai Nika High School bilang bahagi ng cultural exchange program. Kasama sa rito ang Home Stay Program kung saan tumira ang mga delegadong nagmula sa UPIS sa bahay ng kanilang Japanese counterpart upang maranasan nila ang pamumuhay sa Japan at ang iba’t ibang kultura ng isang pamilyang Hapon.

Sinuportahan ng AEON One Percent Club ang programang ito sa tulong ng National Youth Commission at ang mga tagapangasiwa nito. Layunin nitong pagtibayin ang relasyon ng mga bansa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mabuting ugnayan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga kabataan sa buong mundo.


You Might Also Like

0 comments: