jenn elona,

Sports: UPIS VST, umani ng medalya sa UAAP 77

10/13/2014 07:35:00 PM Media Center 0 Comments

Naghakot ng medalya ang UPIS Varsity Swimming Team sa ginanap na UAAP Season 77 Swimming Competition noong October 2-5, 2014 sa Rizal Memorial Stadium.

Tinanghal na 1st runner up ang Junior Girls sa pangkabuuan. Samantalang nakuha naman ng Junior Boys ang ikaapat na pwesto. Season MVP naman ng Girl’s Division si Pricila Aquino ng 10-Lauan na nakakuha ng gintong medalya sa pitong events – 800m freestyle, 400m freestyle, 100m butterfly, 400m individual medley, 200m individual medley, 100m breaststroke, at 200m breaststroke.

Masayang itinaas ng mga miyembro ng UPIS Girls Varsity Swimming Team
ang kanilang first runner up trophy sa UAAP Season 77.
Photo credit: Mai Arciga
Sa Girls individuals, nasungkit ni Francheska Joves ang dalawang gintong medalya sa 50m backstroke at 100m backstroke at isang bronze sa 200m backstroke. Nakatanggap naman si Charize Esmero ng ginto sa 200m backstroke, silver sa 200m butterfly, at dalawang bronze sa 800m freestyle at 400m individual medley. Habang nakakuha naman si Drew Magbag para sa boys individuals ng tatlong bronze sa 200m individual medley, 100m breaststroke, at 200m backstroke.

Sa relays, nakamit nina Suzy Uy, Mary Llorente, Luan Silvestre, at Mae Rodgers ang ginto sa 4x100 medley. Samantala ang ang relay team naman nina Llorente, Rodgers, Uy, at Jasmine Esguerra ay nakakuha ng silver sa 4x100 freestyle relay. Para sa boys relay, nasungkit nina Glenn Anicoche, Daniel Directo, David De Layola, at Ernest Arceo ang silver sa 4x100 freestyle relay at silver sa 4x100 medley ang relay team nina Ryan Dimayuga, Daniel Directo, Aquila Esmeralda, at Ernest Arceo ay nakakuha ng silver sa 4x100 medley.

Hindi nakalaro ang team captain ng swimming team na si Juneau Villanueva dahil sa dengue ngunit nagpakita naman siya ng taos-pusong pagsuporta sa team sa pagbisita niya noong mga huling araw ng kompetisyon. Ayon sa kanya, malaki ang kanyang panghihinayang sa hindi niya pagsali sa kompetisyon dahil sa pagkakasakit. Gayunpama’y masaya siya bilang team captain sapagkat mas maraming naiuwing medalya ngayong taon, kumpara sa nakaraang taon. / nina Jesica Caneca at Jenn Elona

You Might Also Like

0 comments: