edward cullen,
"Hindi mo lang alam kay tagal nang panahon..."
Bad trip ako sa’yo.
Sanay kasi talaga ako na ang mga babae (at lalaki) ang nagkakagusto sa‘kin. Siguro dahil maalaga, maunawain, nakakatawa, at pogi ako. The works! Mukhang buhat bangko 2014 ‘yan pero ganyan naman talaga ako.
Pero simula nang maging kaklase kita, lagi kitang napapansin. Hindi ka naman tahimik. Hindi ka naman maingay. Siguro kaya natripan kita. Kasi hindi ka maarte. Simple ka lang. Hindi ka feeling maganda kahit ang ganda-ganda mo na, matalino ka pa. ‘Yun yung nakita ko sa'yo na hindi ko mahanap sa iba. Ibang-iba ka talaga.
"Ako'y nandirito pa rin."
Hindi ko na maalala kung kailan ako nagsimulang magkagusto sa’yo. Pero hindi ko makakalimutan ang araw na ‘to. Sa isang subject lang naman kasi kita katabi tapos parang wala ka pang paki sa ‘kin. Kaya matagal ko nang iniisip kung anong maaaring sabihin sa’yo. Tapos, sakto! Nahulog ang G-tec mo. Ang bait naman ng pagkakataon sa ’kin. Sa wakas pinagbibigyan na ako ng tadhana!
Kaya, ayun, pinulot ko nang dahan-dahan kasi alam kong GC ka, kaya notes ka nang notes. Kaso sa kagustuhan kong maiabot sa’yo dahil sa sobrang excited ako, nauntog ako sa desk ng armchair mo. Sa kagustuhan kong magpakitang gilas, pumalpak. Minsan na nga lang maka-pogi points, zero pa. E di mo naman ako masisisi, iniisip ko lang naman na chance ko na yun na matignan mo ko at makausap kahit sandali lang. Kahit sabihin mo lang na “salamat ha.”
Para makabawi, inabot ko sa’yo na parang walang nangyari. Nahilo talaga ako nun pero sinabi ko na lang sa’yo ng pabiro. Nag-sorry ka tapos ang tamis ng ngiti mo kahit alam kong naiinis ka't may sukli pang irap, haha. Ngiting-ngiti ako nun kaya siguro inasar tayo ng mga kaklase natin. May "sparks" daw. Siyempre, 'tuwa naman ako kasi di ba kapag tinutukso mas mabilis mahulog? Mas mabilis madebelop? O di ba? Labtim na tayo.
Pero simula talaga nun, naisip ko sana ako na lang ang G-tec. Kahit papano kasi ‘yung G-tec mo pag nahulog, pinupulot mo. May lugar sa mga gamit mo. Pero ngayon, hindi ko na alam saan ako pupulitin simula nang mahulog ako sa'yo.
"Lumipas man ang araw na ubod nang saya..."
Dahil dun, nagkaroon ako ng kaunting lakas na loob. Nilabas ko na ang mga simpleng damoves ko. Tipong lalapit-lapit sa flag kahit dapat nasa kabilang dulo ako ng pila. Kapag lunch, sinasadya kong umupo malapit sa’yo para mapansin mo yung paghaharutan namin ng barkada ko. Masaya na 'ko sa mga sulyap na nakukuha ko habang nagre-review ka. Hindi ko kasi talaga mapigilang magpapansin, kahit kaunti. Iyon na lang kasi ang naiisip kong paraan para kahit konti makita mo ako. Kahit inis lang ang nararamdaman mo puede na ‘yun. Masaya na dapat ako dun. Kesa naman para lang akong hangin.
Sana hindi mo malaman na yung mga GM ko, PM talaga. Humahanap talaga ako ng mga hugot na quote para sa’yo. Tapos naglakas loob na rin akong mag-send ng "Hi. :)" at sa'yo rin ako nagtatanong ng HW kahit may nakapost sa group. Kapag may practice, sa'yo ko nagpapaalam kahit hindi ikaw ang leader. Pag nagreply ka kasi, eh di makakapag-usap na tayo.
Nang minsan nabalitaan kong may meeting kayo ng 9am para sa Econ project… kahit isa’t kalahating oras ang byahe ko, kahit di kita kagrupo, kahit wala akong gagawin sa school ng araw na yun, kahit di ako binigyan ng nanay ko ng allowance, dumating ako ng 7am dahil alam kong unang-una kang darating. Sulit na sulit na ako nang makita ko sa mga mata mo ang pagkagulat na sinabayan mo pa ng maganda mong ngiti.
"Di pa rin nagbabago ang aking pagsinta..."
Sa wakas, nagbunga rin ang efforts ko. Nagrereply ka na!!! Madalas mo akong mapasaya kahit hindi mo naman sinasadya. At kahit na hindi ako makuwentong tao, sadyang bumabagsak mga depensa ko pagdating sa'yo. No holds barred, kumbaga. Kahit ano. Makakwentuhan ka lang. Sana hindi ka naiinis sa araw-araw kong hi, good morning, good night, kita tayo bukas. Ewan ko ba nauubusan ako ng sasabihin kapag ikaw ang kausap ko.
Pero nararamdaman ko naman kasing gusto mo na rin akong kausap. Nahahalata ko sa mga reply mong puro “hahahaha” at maraming smiley kahit pa sobrang corny ng joke ko. Nakikita ko rin sa mga galaw mo. Yung pagtingin-tingin mo sa phone kung may text, kunwari pang hindi. Aminin mo na. Tinititigan kita. Tumayo ka nga lang susulyap na ako. Bumaling ka lang ng kaunti sa upuan mo nanakaw na ako ng tingin sa’yo. Higit na nagpapalakas nang loob ko ay yung mga ngiti mo kapag may nagtetext sa’yo. Sana para sa akin lang ang ganyang reaksyon mo. Ang pagkatuwa mo.
Pero hindi ko maiwasang isipin na baka hindi talaga. Baka wala naman talaga. Baka kinukumbinsi ko lang ang sarili ko na meron. Baka umaasa lang ako sa hinala. Kasi kapag hindi ako nag-text, aba, wala ka na naming imik. Kaya baka naman ako lang 'tong umaasa. Gusto kita pero takot akong mabasted. Ayoko namang itetext ko lang sa’yo na “Alam mo ba crush kita.” Kaya kuntento na muna ako sa ganito. Patingin-tingin, patext-text, at paasa-asa, na baka may something kahit baka wala. Saklap!
"Kung ako'y nagkasala patawad na sana..."
Pero mga dalawang linggo kitang hindi nakatext. Marami naman kasing requirements. Kaso kapag nakikita naman kita, parang di ka naman busy. Kaya naisip ko, baka iniiwasan mo lang talaga ako. Tipong ayaw mo na akong makausap.
Kaya ayun, sige, nireplyan ko na yung mga nagte-text sa'kin. Friends lang naman eh. Walang kahit na anong namamagitan. Alam naman ng lahat na ikaw ang gusto ko. Ikaw na lang yata ang hindi nakakaalam, hay. Grabe naman talaga ang balita! Bigla ko na lang narinig na anim na pala ang girlfriend ko tapos kaka-break lang natin. BAKA NAMAN. ‘Yung una puedeng di mangyari. ‘Yung pangalawa lalong di mangyayari. Di ba puedeng ang maging balita na lang ay tayo na at di na maghihiwalay pa. Walang break-break. Ang lagay, ‘di pa nga nagsisimula break na agad. Saklap naman!
Parang nabunutan ako ng tinik nung nakatext ulit kita. Ang saya kasi parang walang lumipas na oras. Ganun pa rin. Masaya, nakakakilig. Kahit nagtampo ako kasi hindi ka nagrereply minsan, okay lang sa'kin. Ikaw naman 'yun eh.
Kaso may kumalat na naman. Na may something na naman sa'min nung "ex" ko. Masama bang okay na kami? Na hindi na kami awkward. Madali lang sa’kin makipagkulitan sa kanya kasi wala. Friends. Yun na. Samantalang sa'yo, hindi ko kayang makipag-usap nang matagal kasi nangingisay ako sa pinaghalong kilig at kaba.
Bad trip kasi wala akong lakas ng loob na makipagkulitan sa‘yo sa personal. Kahit magpapicture kasama ka, di ko magawa. Kaya sana patawarin mo na ako kung nagmumukhang kami sa mga picture namin. Kahit naman maka-picture ko pa si Anne Curtis, ikaw pa rin ang gusto kong akbayan.
"Puso kong pagal, ngayon lang nagmahal..."
Pero mas nakakabad trip yung hindi ko alam kung bakit hindi mo na 'ko pinapansin. Na kahit isang minutong usapan, wala na. Parang nanlamig buong mundo ko. Minsan naiisip ko na sana inaasar pa rin tayo para kahit papano mapansin mo ulit ako kaso hindi eh. Pinagkakalat pa nila na iba yung gusto ko.
Ayan tuloy. Nagmukha akong paasa. Kahit di naman talaga. Kahit ako yung gumagawa ng paraan para makapag-usap tayo. Kahit ako yung laging naghihintay ng reply. Akala ko kasi gusto mo rin ‘to. Kung ano man ‘to. O baka nilagyan ko lang ng malisya yung pag-uusap natin.
Hindi ko alam, pero masakit. Ang saya ko na eh. Tapos biglang ayun. 3 steps forward, 300 steps back. Para na ring hindi ko napulot yung G-tec mo. Nakakainis. Nakakabigo.
"Oohh… di mo lang alam..."
Hindi mo mawawari, kahit sabihin ko pa sa'yo, kung ilang oras, ilang araw ko nang pinag-iisipan kung anong nangyari sa'tin. Hindi ko maintindihan bakit bigla mo na lang akong hindi pinansin. Na bakit bigla na lang parang hindi mo na ako gusto. Na halatang umiiwas ka. Kahit na sabihin pang iniisip ko lang ‘yun, masakit pa rin eh.
Alam ko naman na may ibang dating sa’yo yung pakikipagtext at pakikipag-usap ko sa iba. Gusto kong magpaliwanag pero ‘pag kakausapin na kita tungkol dito, naiisip ko na baka mas lalo kang lumayo. Gusto kong maibalik ang dati, pero tuwing nakikita kong masaya ka kahit wala ako, nawawasak lalo yung puso ko. Baka iniisip mong ginulo ko lang ang buhay mo.
Pero kasi ikaw lang talaga ang gusto ko. Ikaw lang. Ikaw. Gets mo? Kaya sa araw na hindi mo inaasahan, tatanungin kita. Hindi ako mapapagod. Alam kong hindi sisiw ang umibig sa katulad mo pero sino bang nagsabing mahilig ako sa balut? Wala akong paki sa mga sinasabi nila. Wala na rin akong paki kung anong isipin mo. Basta ang alam ko hindi kita susukuan.
Kaya ngayon, sige, kahit masakit, oo na, hanggang dito na lang muna tayo kung para sa ikaliligaya mo.
"Ako'y iyong nasaktan o baka sakali lang maisip mo naman..."
/ ni Edward Cullen
*Inspired by Up Dharma Down's Oo
Literary (Submission): Oo* (Part 2)
Basahin ang unang bahagi dito: http://upismc.blogspot.com/2014/10/literary-submission-oo.html"Hindi mo lang alam kay tagal nang panahon..."

</3
ReplyDeleteRelate Much...