Showing posts with label nico javier. Show all posts

Sports: Junior Fighting Maroons comes face-to-face with Baby Tamaraws



The University of the Philippines Integrated School (UPIS) Junior Fighting Maroons faced their 6th loss this season against Far Eastern University (FEU) Baby Tamaraws last December 12, 2018 at the Ateneo Blue Eagle Gym.

It was rough for the Junior Maroons at the start of the game. Their opponent had a tight defense which made the Junior Maroons struggle to score. During the 2nd quarter, with the Baby Tamaraws only 8 points ahead, the Junior Maroons tried to catch up. The shots they had were constantly matched by the Baby Tamaraws which made it even more difficult for them to catch up. The game ended with a score of 72 - 102, in favor of the Baby Tamaraws.

Despite the loss, Ray Allen Torres led the Junior Maroons’ game with a total of 23 points, 9 rebounds and 2 assists, followed by Polo Labao with a total of 17 points, 17 rebounds and 1 assist.

“Siguro masasabi ko lang is hindi namin nama-make [‘yung] shots namin and may mental lapses sa defense,” Torres said. “[We should] stay focused and practice hard this coming Thursday and Friday and be ready to get the win. Definitely we need to work hard and kalimutan na ‘yung 1st round, bago[ng] round na so bagong mindset and change [in] our mentality,” he added.

Their last game for the first round of the University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 was against the University of the East Junior Warriors last Saturday, December 15 at the same venue.

Scores
UPIS 72 - Torres 23, Labao 17, Gomez de Liano 12, Tuazon 11, Estrera 3, Vergeire 3, Galotera 3

FEU 102 - Torres 27, Sajonia 14, Abarrientos 14, J. Bautista 8, Alforque 8, Tolentino 6, Sicat 6, Anunuevo 4, Ona 3, Balaga 3, S. Bautista 3, Armendez 2, Bagunu 2, Bradley 2 //by Pauline Demeterio, Jasmine Esguerra & Nico Javier

UP JFA holds seminar series



The UP Junior Finance Association (UP JFA) conducted the seminar series, “Project Sukli: Change for Change” for Grades 9-11 students of University of the Philippines Integrated School (UPIS) from September 17 to November 29.

YOUNG ENTREPRENEURS. Students pose for a photo after the talk. Photo credit: Robert Ambat

A seminar for students who show passion in the field of business and finances, the aim of Project Sukli is to bring financial literacy to public schools proving that not only the well-educated and rich people get to talk about this topic. The organization also chose UPIS for its demographic because it has students from different social classes.

Having an interactive type of discussion, the seminar had four main topics namely Personal Finance, Entrepreneurship, Economics, and Investing.

In every week of the project, there were speakers from the field of finance who came to share their knowledge about financial literacy such as Benjie Sandoval, Assistant Professor at UP Diliman; Adrian Castro, Teaching Fellow at UP Diliman; and Zachari Fonacier, Director of JFund at UP JFA.

“Yung gusto namin not necessarily na mag-do well in the sense na maraming mag-attend. Yung do well for us is really, at the end of the program, we want them to know more about [financial literacy]. Really, to feel more confident about themselves with regards to finance kasi yun yung big problem na [napansin] namin especially with the kids. Even with educated students [they say], ‘finance yan baka mahirap baka masyadong complicated.’ We want to take that away [dahil] no matter anong gusto mong gawin sa buhay importante pa rin ang finance,” said Joseph Busto, director for Project Sukli.

“[Project Sukli] was really interesting since maraming iba't ibang fields and topics na pinag-usapan. Some sessions really taught me how I can start investing or engaging in the stock market as a student, and how different financial products work,” shared 10th grader Robert Ambat.

At the end of this project, the students who attended the seminar had a culminating activity at the UPIS Ramp Area, which aimed to integrate and use everything they learned from it. “Naapply po namin ang mga natutunan namin mula sa bawat session ng Project Sukli sa project,” said Magan Basilio, a Grade 10 student.

After UPIS, the organization plans to conduct the same seminar series for other public schools.//by Nica Desierto, Nico Javier and Bea Jacinto

Sports: UPIS PEP Squad, muling lumahok sa Pep Rally



PYRAMID. Matagumpay na naisagawa ng UPIS Pep Squad ang kanilang huling pyramid stunt
noong nakaraang UP Pep Rally. Photo credit: Marco Sulla
Muling lumahok ang University of the Philippines Integrated School (UPIS) Pep Squad sa University of the Philippines (UP) Pep Rally noong Setyembre 4 sa UP College of Human Kinetics (UP CHK) Gym.

Kabilang sa mga sumayaw na miyembro sina Marlon Nahial ng Batch 2019; Nathan Banatao, Charles Bucas, Archie David, Kurt Gabriel, CJ Herrero, Ned Pucyutan, James Rafin, Roel Ramolete, at Kayla Vega ng Batch 2020; Hiraya Brito, Cheska Candido, Reneil Grimaldo, Justin Polendey, at Kath Tapel ng Batch 2021; EJ Avendaño, Joanna Bacud, Warrick Castillo, at Rafael Ching ng Batch 2022; at Mariel Buenaseda, Kairyn Cruz, Samantha Lagunilla, Amira Llaneta, Jenn Rafin, at Charlize Yamo mula sa Batch 2023. Kasama nilang nagtanghal ang iba’t ibang varsity teams at dance groups ng UP sa nasabing programa.

Nang tanungin tungkol sa karanasang ito, “Masaya at nakakakaba kasi [ang pag-perform]. [Ang paggawa ng] stunt[s] one after another ay sobrang nakakapagod at mahirap. [At] may sayaw pa,” ang sinagot ni Marlon Nahial na ikalawang beses nang nagtanghal sa Pep Rally. “Pero once na marinig mo ‘yung hiyawan ng tao, nakaka-proud siya [at] mawawala talaga pagod mo while performing,” dagdag niya.

Isinasagawa ang UP Pep Rally taon-taon bilang pagsalubong sa pagbubukas ng panibagong University Athletic Association of the Philippines (UAAP) season na ngayon ay pang-81 na.

Ito na ang ikatlong taon ng pagsali ng UPIS sa naturang palatuntunan. //nina Ria Amano at Nico Javier

Feature: Brains vs. Brawn? Bakit Di na Lang Pareho?



DANGAL AT HUSAY. Kitang-kita ang saya ng mga itinanghal na “Pinakamahuhusay na Manlalaro” na sina Neri, Hilario, Esmero, Labao, at Laderas kasama ang kanilang mga magulang nang tanggapin nila ang kanilang mga sertipiko noong Parangal 2018. Photo Credit: Nona Catubig at Gian Palomeno 


“Uy mabilis ka palang tumakbo! Sali ka sa Track and Field, sayang talento mo.”

“Hindi, okay lang, baka kasi bumaba grades ko, e.”

“Nakapag-aral ka ba kagabi para sa quiz?”
“Medyo nga lang, e. Late na kasi training namin.”

“Araw-araw, ganito ginagawa mo? Hindi ka ba napapagod? Nababalanse mo pa ba acads mo?”

          Ilan lang iyan sa mga madalas nating naririnig sa ating mga kaklase kapag kausap ang mga atleta na estudyante sa araw at manlalaro naman sa gabi. Sa panahon ngayon, isang laganap na pananaw ang umiiral sa mga paaralan na kadalasang napag-iiwanan ng mga atleta ang kanilang pag-aaral dahil mas humahatak sa kanilang oras ang mga training at paligsahan tulad ng UAAP. Ngunit sino ba naman ang hindi masasabik at matutuwa na makapag-uwi ng medalya hindi lang para sa sarili kundi para sa eskuwelahan? Napakabuti ng naidudulot ng isports sa mga manlalaro dahil masaya sila rito, gusto nila itong gawin, at napalalakas nito ang kanilang pangangatawan. Gayunpaman, giit ng karamihan, naisasakripisyo naman nila ang kanilang pag-aaral.

          Noong ika-4 ng Mayo, pinatunayan itong mali nang salubungin ng masigabong palakpakan ang mga atletang pinarangalan na sina Maria Consuelo G. Neri ng Grado 7, Zoe Marie S. Hilario ng Grado 9, Charize Juliana S. Esmero ng Grado 10, Ralph Luis B. Labao ng Grado 11, at Carlos Joseph O. Laderas ng Grado 12. Hinirang sila bilang “Pinakamahusay na Manlalaro” sa kani-kaniyang baitang na kinabibilangan. Nangangahulugan ito na sila ang may pinakamagaling na performance sa kanilang isport bunga ng mga nakamit na tagumpay sa mga kompetisyon, may mabuti silang personalidad batay sa ebalwasyon ng teammates at coach, at may general weighted average (GWA) sila na hindi bababa sa 75. Natamo naman ni Hilario ang gawad na “Manlalaro ng Taon (Grado 7-12)” bilang atleta na may pinakamaraming naiuwing karangalan para sa UPIS.

          Tuwang-tuwa silang pumanhik sa entablado kasama ang nagniningning na mga mata ng kanilang mga magulang, guro, at kaklase kaakibat ang mga di malilimutang papuri at palakpakang sumalubong sa kanila noong Parangal 2018. Bukod pa sa inaning sertipiko nang araw iyon, may iba pa silang karangalang nakamit tulad ng mga titulong Defensive Player of the Year, UAAP Top 2 in steals, 4-peat champion sa Titan Summer Jam, UAAP Athlete Scholar (Juniors Division) at mga record breaker sa Palarong Pambansa 2018 ni Hilario, at pagiging kinatawan sa parating na 42nd South East Asian Age Group (SEA AGE) Swimming Championships nina Neri at Hilario.

          Paano nga ba nila nagawa ang mga ito? Kinapanayam namin sila at narito ang kanilang mga sentimyento.


Motibasyon

          Pamilya. Sila ang pangunahing motibasyon ng mga huwaran nating atleta upang lumaban sa kabila ng mga araw na kapos sila sa tulog at pahinga. Lubos nilang pinasasalamatan ang lahat ng sakripisyo at pagtangkilik na inihandog ng kanilang mga magulang sa kanilang buhay-estudyante at manlalaro. Sa buong taon, hindi sila nagduda sa kakayanan ng mga anak. Walang pahingang suporta rin ang ibinuhos nila na nagpasiklab pa lalo sa damdamin ng ating mga atleta upang pag-igihan na lampasan ang lahat ng pagsubok.

          Teammates at coaches. Sila rin ang tumutulak sa ating mahuhusay na atleta na igpawan ang lahat ng paghihirap lalo na sa mga oras na sa palagay nila ay guguho na ang lahat. Nakaabang palagi ang kanilang mga balikat na maaaring sandalan sa kasagsagan ng kagipitan. Sila ang palaging nagpapaalab sa puso ng mga atleta sa mga pagsasanay na kung minsan ay nais pahinain o pawiin ang apoy sa kanilang mga dibdib bunsod ng hirap, stress, o pagod. Hindi sila pumapalpak na pahusayin pa ang mga kakayanan at palakasin ang loob ng ating mga manlalaro kaya naman gusto ng mga ito na gumanti sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang kahusayan mapa-loob o labas man ng court.

          Pangarap. Ito ang makapangyarihan na imaheng nabubuo sa kanilang isipan. Ito ang nagsisilbing gabay nila upang makamit ang lahat na siyang nagbibigay ng tunay na kaligayahan at pagkakuntento sa kanilang buhay. Kung hindi dahil sa pangarap na ito, walang ilaw sa kanilang mga mata na papatnubay upang mahanap ang daan patungo sa liwanag.

          Halimbawa, para kay Esmero, sa pagiging atleta, ginagamit niyang motibasyon ang kagustuhang mag-improve at makakuha ng mga panibagong best time sa kanyang mga rekord. Sa pagiging estudyante naman, ang kaniyang motibasyon ay ang makakuha ng matataas na marka upang masuklian ang malasakit ng kaniyang mga magulang at guro.

          At panghuli, ang mga doubters, naysayers, at haters. Sila ang mga tao na nagdidikta ng mga limitasyon, nagpapahina ng loob, at nagdududa sa kakayahan ng tao. Ngunit, imbes na magpabitag sa patibong nila, ginamit ito ng mga atleta na pampasiklab sa lahat ng bagay patungo sa gustong puntahan. Pinatunayan nila sa mga naysayers na mali ang mga ito, at may mas nakakahigit pa sa limitasyong itinakda ng mga ito. Pagkatapos nito, sila naman ang magsisilbing inspirasyon para sa iba.


Pag-aaral vs. Pag-eensayo

          Sadyang hindi madaling balansehin ang mabibigat na reqs at pagpapakitang-gilas sa mga kompetisyon. Halimbawa na lamang nito ay ang pagsasabay ng internship at pag-eensayo ni Laderas. Kinakailangan niyang pumunta sa kaniyang internship site upang matuto sa pagtatrabaho bilang parte ng Grade 12 curriculum at sa pagdating ng hapon ay mayroon pa siyang ensayo ng volleyball sa UP Gym.

          Ayon naman kina Labao at Hilario, kung nasisiyahan ka sa mga ginagawa mo, sigurado na ang lahat ay kakayanin. Makakaya pati ang pagsasabay ng isports sa pag-aaral.

          Kaya narito ang mga sandata ng mga manlalaro upang tulungan silang manalo sa laban ayon sa mga huwaran nating atleta:

          Pagtatakda ng prayoridad. Ito ang gumagabay sa kanila upang mapunta sa nararapat na landas. Nagagawa ito sa pamamagitan ng paghihimay sa mga bagay na kinakailangang pagtuunan ng pansin at pagsasagawa sa mga ito base sa lebel ng pangangailangan o importansya. Sa bawat matagumpay na pagsagawa sa mga ito, iiral ang diwa ng disiplina at katuparan sa iyong sarili.

          Dahil palaging dumidiretso sa ensayo at gabi na nakakauwi si Esmero, sinisiguro niya na sa kaniyang pag-uwi ay handa na ang kaniyang utak sa mga gagawing requirements. Sa ensayo pa lang daw ay pinaplano na niya kung ano ang kanyang gagawin para sa mga proyekto at mga takdang-aralin.

          Hardwork pays off. Walang bagay na masyadong mahirap at masyadong madali. Para sa kanila, ang panabla sa mga pagkakataong di maganda ang performance nila sa eskuwelahan at isports ay simpleng paghihirapmotibasyon, paggawa, repetisyon. Matapos ang mga ito, makikita ang mga resulta. Mahirap nga silang gawin ngunit ito ang naghihiwalay sa mga dakila at sa mga pangkaraniwan. Matapos kumawala ang lahat ng pawis sa katawan, darating ang panahon na ang lahat ng ito ay magbubunga sa wakas. Kaya sa bandang huli, lahat ng pagsisikap at pagdurusa ay sulit din.

          Masinop na paggugol sa oras. Ang bawat galaw ng kamay sa orasan ay importante. Isang buhay lang ang mayroon tayo at ang paggamit dito sa wais na paraan ay ang nararapat. ‘Ika nga, time is gold. Sa tamang paggamit ng oras, lahat ng mga bagay na kinakailangang tapusin ay mapagtatagumpayan nang walang pag-aatubili. Ito ang susi para makaiwas sa stress, na isang malubhang balakid na nakapagpapababa sa performance ng tao. Sa paglinang ng kasanayang ito, napapatakbo ang buhay natin sa mas produktibong paraan.

          Pagkakaroon ng laban attitude. Sa lahat ng pagkakataon, matutong gawin ang lahat ng makakaya upang lagpasan ang pader na humaharang sa harapan kahit na sa palagay mo ay wala ka nang mararating. Darating ang araw na babalik din ang mga pinaghirapan at ipinaglaban mo.

          At huli, tiwala sa Panginoon. Ang pag-aalay ng lahat sa Panginoon ay nakapagpapaluwag ng pakiramdam lalo na sa kasagsagan ng mga eksamen at laro. Ang pagkakaroon ng panata sa Panginoon ay nakapagbibigay ng kakaibang lakas na siyang tumutulong sa pagharap sa mga problema.


Mensahe sa mga Atleta

          Bilang pangwakas, ibig iparating ng mga natatanging manlalaro ng UPIS ang mga sumusunod na dapat matandaan ng mga kapwa nila atleta.

          Gawin ito lahat para sa paaralan. Huwag na huwag kalilimutan na irepresenta at paglingkuran ang eskuwelahan, mapaisports man o akademiko. Palaging gawin ang buong makakaya upang lumabas ang pinakamahusay na performance alang-alang sa pangalan at dangal ng UPIS at bilang pagsukli sa paghubog nito sa atin.

          Exceed expectations. Kung ano man ang inaasahan ng paaralan mula sa mga atleta, pag-igihang ito ay malampasan pa sapagkat mas mainam na ang sumobra kaysa magkulang sa pagkamit sa mga ekspektasyon.

          Never give up. Ang mga mag-aaral ng UPIS ay hindi sumusuko. Kung gugustuhin, kayang-kayang gawan ng paraan. Kahit pa gaano kahirap ang pag-eensayo, kung iyan talaga ay gusto ng puso ninyo, kakayanin at malalampasan ninyo iyan.//nina Julius Guevarra Jr., Nico Javier, Dianne Santos at Alex Yangco 



Sports: Mga manlalangoy ng UPIS, umani ng medalya sa Palarong Pambansa 2018


NGITI NG TAGUMPAY. Buong karangalang ipinapakita nina Zoe Hilario at Charize Esmero ang nakamit nilang medalya sa Palarong Pambansa 2018. Photo Credit: Mrs. Anne Mapa

Nirepresenta nina Zoe Marie Hilario at Charize Juliana Esmero ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) kasama ng iba pang mga manlalangoy ang National Capital Region (NCR) sa swimming events ng nakaraang Palarong Pambansa 2018 sa Vigan, Ilocos Sur mula Abril 17 hanggang 20.

Inuwi ni Hilario at ng kaniyang NCR teammates ang gintong medalya sa 4x50m medley relay kung saan nakagawa sila ng bagong rekord na 2:03.49 noong preliminaries. Nasungkit din nila ang ginto sa 4x100m medley relay at natalo ang dating rekord ng kanilang naitalang 2:32.68.

Sa indibidwal na kategorya, hinakot ni Hilario ang gintong medalya sa 200m individual medley at 200m freestyle, at pilak naman sa 100m freestyle.

Nakamit naman ni Esmero katuwang ng iba pang NCR swimmers ang gintong medalya matapos manguna sa 4x100 freestyle relay.

Ayon kay Hilario, katulad lamang ng kanilang araw-araw na pag-eensayo sa training ang kanilang ginawang paghahanda para sa Palarong Pambansa. Wala silang binago sa routine ngunit humakot pa rin sila ng mga medalya.

Ang kanilang mga panalo na nakamit sa kompetisyong ito ay dagdag sa mga natamo na nilang tagumpay sa mga naunang paligsahan gaya ng UAAP at mga swim meets.

Itinanghal na pangkalahatang kampeon ang NCR sa Palarong Pambansa ngayong taon na nagwagi ng 100 gold medals, 70 silver, at 50 bronze.//nina Yanna Reblando at Nico Javier 

UPIS, lumahok sa YouThink 2018


KINATAWAN. Masayang nagsama-sama ang mga estudyante ng SSH na lumahok sa Youthink 2018. Photo credit: Katrina Ortega

Lumahok ang ilang mag-aaral sa Grado 11 at 12 ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa YouThink, isang araw na seminar at paligsahan sa pamamahayag, na ginanap sa Cesar E. A. Virata School of Business at National College of Public Administration and Governance (NCPAG) Assembly Hall ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman noong Pebrero 24.

Labing-anim na estudyante mula sa Social Sciences and Humanities Track ang sumali sa iba’t ibang kategorya: News Writing, Feature Writing, Editorial Writing, Editorial Cartooning, Photojournalism, at Business Writing.

Nakagrupo ang mga kalahok batay sa kani-kanilang kategorya sa pang-umagang sesyon kung saan nagbigay ng talk ang ilang eksperto mula sa Philippine Star bilang pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman at karanasan.

Sumunod agad dito ang paligsahan sa bawat kategorya. Nasungkit ni Maria Franchette Beatrix Gacad ng 12-Katarungan ang puwestong 2nd runner up sa Business Writing competition.

Nagbigay naman ng talk sa panghapong sesyon sina Marion Igarashi, Dean ng SP Jain School of Global Management tungkol sa karerang business management, Mark Kevin Reginio, Chairperson ng Union of Journalists of the Philippines sa UP ukol sa Journalism as a Career, Vberni Regalado, Editor-in-Charge ng Philstar Campus sa paksang Passion on Writing, at Hazel Anne Gil, Editor-in-Chief ng Assortedge Media ukol sa isyu ng Social Media Activism and Slacktivism.

Ito ang pangalawang beses na pagsali ng UPIS sa YouThink na ngayong taon ay lumobo ang bilang ng kalahok na nasa humigit-kumulang 300 estudyante mula sa higit 30 paaralan.

Nasa ikatlong taon na ang YouThink na taunang inoorganisa para sa mga mag-aaral sa hayskul ng mga miyembro ng UP Guilder Institute, ang premier business publication ng UP Diliman.//nina Nico Javier at Gab Aparato


UPIS BSP, matagumpay na idinaos ang Survival Camp


TRADISYON. Sabay-sabay na dumalo ng misa sa simbahan ang mga iskawt para sa palaspas. Photo credit: Prof. Maria Ronelli Espina 

Matagumpay na idinaos ang Survival Camp ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) Boy Scouts of the Philippines (BSP) na may temang “Unplugged” sa Green County Farm and Resort sa Meycauayan, Bulacan noong ika-23 hanggang ika-26 ng Marso.

Layunin nitong mapaigting ang pagiging responsable at pagtupad sa tungkulin ng mga iskawt sa lipunan at mapabuti ang pakikisalamuha nila sa kapwa iskawt at sa komunidad.

Ilan sa mga aktibidad nila sa camp ay mga palaro tulad ng siato, tumbang preso, patintero, at Catch the Dragon’s Tail, gayundin ay obstacle course, base method, zipline, disaster preparedness training, hiking, at campfire.

“Maganda ang pagkahanda ng camp pati ‘yung tema na ‘Unplugged,’” komento ni Roel Ramolete ng Batch 2020, pinarangalang Best Camper. “Dahil nga nasanay na tayo masyado na kasama ang teknolohiya, maganda rin naman po na kahit ilang araw lang ay hindi natin makasama ito at gumawa naman ng ibang aktibidad,” paliwanag niya sa tema at mga gawain.

Bilang pagtatapos, nag-boodle fight ang mga kalahok sa kanilang huling tanghalian sa campsite at nagdaos ng awarding ceremony para sa mga natatanging patrol at iskawt.//nina Nico Javier at Gab Aparato

Batch 2020 joins Education USA




Thirty-three students from Batch 2020 of University of the Philippines Integrated School (UPIS) attended Education USA (United States of America) on March 8 at Sofitel Philippine Plaza, Manila.

The Education USA is a college fair brought to different countries by the US Department of State. The event aims to encourage students to study in the USA. The fair also gives background and provides information about various US-based universities for students who are planning to study abroad.

“[The college fair] is good for opportunity seekers,” said Keio Guzman. “Although the fair was small, we had a lot of fun because a lot of opportunities were opened,” explained Chloie Guanzon.

Around 32 universities participated in the college fair, wherein students inquired about their admissions process.//by Nico Javier and Yssa Luna

Mga estudyante mula Japan, nagpraktikum sa UPIS



LORNA. Kinunan ng litrato ang mga estudyante at propesor mula Ehime University kasama ang estatwang "The Teacher." Photo credit: Ninai Agcaoili


Labindalawang estudyante sa kolehiyo mula sa Ehime University, Japan ang nagpunta sa University of the Philippines Integrated School (UPIS) upang magturo bilang parte ng kanilang praktikum noong Enero 23 at 24.

Layunin ng kanilang pagbisita na makumpleto ang kanilang student teaching program pati na rin maunawaan ang sistema ng edukasyon at kultura ng Pilipinas.

Sila ay nagturo ng Araling Panlipunan sa Grado 3, Agham sa Grado 4, at Matematika sa Grado 6.

Ang programang ito ay 11 taon nang isinasagawa ng UPIS at Ehime University.//nina Nico Javier at Max Salvador

UPIS students fly to Hong Kong




SOAR. I Can Fly participants pose in front of Cathay Pacific's headquarters in Hong Kong. Photo Credit: Gab Aparato

Five University of the Philippines Integrated School (UPIS) students travelled to Hong Kong last November 2 to 4 for the I Can Fly program.

Cathay Pacific handpicked the UPIS I Can Fly participants to fly to Hong Kong to tour the airline's main headquarters. Three of the students from Grade 10 who were picked in this year’s program, were Erika Sasazawa, Owen Bernos and Eunice Ruivivar and with them were the previous year’s awardees, Gabriel Aparato and Fred Samonte from Grade 11.

The trip served as their reward for having the best overall performance in the program. They also visited some of Hong Kong's most famous landmarks such as Disneyland and City Gate. Aparato shared that the tour was "an experience worth remembering."

Cathay Pacific’s I Can Fly program aims to educate participating students about the airline industry and to familiarize them with things like office work and the processes behind a normal flight.//by Nico Javier

Batch 2020 performs speech choir



TRIUMPHANT. Grade 10-Ipil students flash their winning smiles after their victorious speech choir performance. Photo Credit: Cathy Atordido

Students from Batch 2020 competed in CA EMA’s Speech Choir Competition at the UPIS Gym last October 25.

This competition is a yearly activity and said batch performed Dr. Seuss’ “Oh, the Places You’ll Go!” where each of the two groups per section performed their own interpretation of the piece.

Ipil took the crown with their performance on how adults stand as guide for teenagers. Meanwhile, Narra’s Group Two placed 2nd with a concept on soldiers and Narra’s Group One placed 3rd for showcasing the life of a singer who is finally rising to fame.

“Super shocked po kami sa results kasi kami pinakatamad na grupo sa pag-practice tapos I think kami rin po pinakamababa sa pre-performance,” quoted Erika Sasazawa, one of the members of Ipil, on their unexpected win. //by Nico Javier