gab aparato,

UPIS, lumahok sa YouThink 2018

4/19/2018 09:15:00 PM Media Center 0 Comments


KINATAWAN. Masayang nagsama-sama ang mga estudyante ng SSH na lumahok sa Youthink 2018. Photo credit: Katrina Ortega

Lumahok ang ilang mag-aaral sa Grado 11 at 12 ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa YouThink, isang araw na seminar at paligsahan sa pamamahayag, na ginanap sa Cesar E. A. Virata School of Business at National College of Public Administration and Governance (NCPAG) Assembly Hall ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), Diliman noong Pebrero 24.

Labing-anim na estudyante mula sa Social Sciences and Humanities Track ang sumali sa iba’t ibang kategorya: News Writing, Feature Writing, Editorial Writing, Editorial Cartooning, Photojournalism, at Business Writing.

Nakagrupo ang mga kalahok batay sa kani-kanilang kategorya sa pang-umagang sesyon kung saan nagbigay ng talk ang ilang eksperto mula sa Philippine Star bilang pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman at karanasan.

Sumunod agad dito ang paligsahan sa bawat kategorya. Nasungkit ni Maria Franchette Beatrix Gacad ng 12-Katarungan ang puwestong 2nd runner up sa Business Writing competition.

Nagbigay naman ng talk sa panghapong sesyon sina Marion Igarashi, Dean ng SP Jain School of Global Management tungkol sa karerang business management, Mark Kevin Reginio, Chairperson ng Union of Journalists of the Philippines sa UP ukol sa Journalism as a Career, Vberni Regalado, Editor-in-Charge ng Philstar Campus sa paksang Passion on Writing, at Hazel Anne Gil, Editor-in-Chief ng Assortedge Media ukol sa isyu ng Social Media Activism and Slacktivism.

Ito ang pangalawang beses na pagsali ng UPIS sa YouThink na ngayong taon ay lumobo ang bilang ng kalahok na nasa humigit-kumulang 300 estudyante mula sa higit 30 paaralan.

Nasa ikatlong taon na ang YouThink na taunang inoorganisa para sa mga mag-aaral sa hayskul ng mga miyembro ng UP Guilder Institute, ang premier business publication ng UP Diliman.//nina Nico Javier at Gab Aparato


You Might Also Like

0 comments: