Showing posts with label aemel de leon. Show all posts

Botchog lumusot sa sahig, natalo sa pustahan

Nagulantang ang buong UPIS noong nakaraang Martes, ika-tatlo ng Marso nang biglang marinig ang makabasag-tengang sigaw ni Sir Dipol.

Napag-alamang kaya pala napasigaw si Sir Dipol ay dahil mayroon siyang natagpuang estudyanteng nakabulagta sa sahig. Puro semento at alikabok ang buong katawan ng walang malay na estudyante. Ang mag-aaral, isang lalaking may kalakihan ang pangangatawan, ay kinilala ng kanyang mga kaibigan bilang si Yuribel Bells.

Ayon sa pagsisiyasat, si Bells ay lumusot sa sahig ng ikatlong palapag at bumagsak sa library. Nakipagpustahan raw siya sa kanyang mga kaibigan na kaya niyang abutin ang ceiling fan. Sa kanyang pagtalon ay tuluyan siyang lumusot sa nasisira nang sahig ng Room 137 at ang ipinangakong bente pesos ng mga kapustahan ay hindi na niya nakuha.

Sinugod sa infirmary si Bells ng kanyang mga guro at kasalukuya’y nasa mabuti namang kalagayan na. / ni Aemel de Leon

Sports: UPIS TNF Walkers, claim podium finish in PATAFA

UPIS Track and Field Walkers Forth Soriano, Paolo Bartilad, and Michael Barbosa made an impressive Gold-Silver-Bronze finish in the 1000m walk event in the PATAFA competition held last November 15-16 at the Philippine Sports Commission Track Oval.

Soriano, Bartilad, and Barbosa were clocked at 5:10, 5:58, and 6:10 respectively.

Distance runner Kim Gamboa’s 10:32 in the 3000m run, and thrower Enrico Becoñado’s 9.76m in shotput event both added silver medals to the team’s medal pool.

The PATAFA competition served as the team’s tune-up event for their UAAP Season 77 bid this coming December 6-10, 2014. / by Macky Barrientos and Aemel de Leon

Run Clinic Series, inilunsad ngayong Nobyembre

Inilunsad ng UPIS Batch 1990 ang Run Clinic Series ngayon Nobyembre sa UP Integrated School.

Naganap ang Run Clinic Series noong Nobyembre 8, Nobyembre 15 at Nobyembre 22 at matatapos sa Nobyembre 29. Pinamunuan ni UPIS Track and Field Coach Mark Reyes at Athlete Coach Ani de Leon-Brown ang programa. Libre at bukas sa buong UPIS Community ang Run Clinic Series na ito.

Ang nabanggit na gawain ang magsisilbing pangunang aktibidades ng UPIS Memorial Fun Run sa darating na ika-25 ng Enero ng susunod na taon. Ang malilikom na halaga ng Batch 1990 sa Fun Run na ito ay ilalaan sa konstruksyon ng Weights Area ng mga manlalaro ng UPIS. / ni Aemel Janae de Leon