nico javier,

Sports: Mga manlalangoy ng UPIS, umani ng medalya sa Palarong Pambansa 2018

5/14/2018 07:49:00 PM Media Center 0 Comments


NGITI NG TAGUMPAY. Buong karangalang ipinapakita nina Zoe Hilario at Charize Esmero ang nakamit nilang medalya sa Palarong Pambansa 2018. Photo Credit: Mrs. Anne Mapa

Nirepresenta nina Zoe Marie Hilario at Charize Juliana Esmero ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) kasama ng iba pang mga manlalangoy ang National Capital Region (NCR) sa swimming events ng nakaraang Palarong Pambansa 2018 sa Vigan, Ilocos Sur mula Abril 17 hanggang 20.

Inuwi ni Hilario at ng kaniyang NCR teammates ang gintong medalya sa 4x50m medley relay kung saan nakagawa sila ng bagong rekord na 2:03.49 noong preliminaries. Nasungkit din nila ang ginto sa 4x100m medley relay at natalo ang dating rekord ng kanilang naitalang 2:32.68.

Sa indibidwal na kategorya, hinakot ni Hilario ang gintong medalya sa 200m individual medley at 200m freestyle, at pilak naman sa 100m freestyle.

Nakamit naman ni Esmero katuwang ng iba pang NCR swimmers ang gintong medalya matapos manguna sa 4x100 freestyle relay.

Ayon kay Hilario, katulad lamang ng kanilang araw-araw na pag-eensayo sa training ang kanilang ginawang paghahanda para sa Palarong Pambansa. Wala silang binago sa routine ngunit humakot pa rin sila ng mga medalya.

Ang kanilang mga panalo na nakamit sa kompetisyong ito ay dagdag sa mga natamo na nilang tagumpay sa mga naunang paligsahan gaya ng UAAP at mga swim meets.

Itinanghal na pangkalahatang kampeon ang NCR sa Palarong Pambansa ngayong taon na nagwagi ng 100 gold medals, 70 silver, at 50 bronze.//nina Yanna Reblando at Nico Javier 

You Might Also Like

0 comments: