filipino,

Literary (Submission): Rich Black

5/26/2018 09:48:00 PM Media Center 0 Comments





75: Cyan
Bughaw ang langit nang ako’y umoo
At dinala mo ako sa ipinangakong palasyo
Isang masayang pagsasama
Ang inakalang napipinto

68: Magenta
Sa konektadong singsing sa mga kaliwang kamay
Pininta ang gabi sa isang mainit na kulay
Mga plano’y simula nang nabubuo
Mula sa pagmamahalang tunay

67: Yellow
Hindi mapawi ang ngiti nang ating malaman
Na tayo’y madadagdagan na
Hindi na makapaghintay
Sa mumunting saya na sa ati’y biyaya

90: Black
At nang malaman, ang paligid
Ay tuluyan nang nagdilim
Ang biyayang hindi inaasahan
Ay siya rin palang babawiin

Ipininta ng tadhana ang aking itim
Sa pinakamalupit na paraan
Gumamit siya ng masasayang kulay
At saka sinabuyan ng kalungkutan

You Might Also Like

0 comments: