filipino,
Minsan nang nagbuklod-buklod ang mga naninirahan sa kapuluang punong-puno ng kayamanan at hiwaga. Halimbawa na lamang noong natagpuan ng mga taga-Hilaga ang isang misteryosong papel na sinasabing nagbibigay ng kakaibang kapangyarihan.
Sa kabila ng kanilang kaliitan at kahinaan, hindi naging hadlang sa lahat ng mga mamamayan ng kapuluan ang matatarik na bundok at malalawak na karagatan upang masilayan ang bantog na misteryo ng papel. Pagkakita rito, napagtanto nila na sa pamamagitan lamang ng pag-aalay makukuha ang kapangyarihang taglay ng papel.
Kaya naman dali-dali itong pinatakan ng mga taga-Hilaga ng kanilang dugong kulay pula bunga ng katapangan. Sumunod dito ang mga taga-Kanluran na may dugong kulay puti dahil sa kanilang kalinisan, taga-Silangan na may dugong kulay dilaw dahil sa kanilang kaunlaran, at taga-Timog na may dugong bughaw dahil sa kanilang nag-uumapaw na pag-asa. Ipinatong nila ito sa isang parisukat na kahoy at tinapalan pa ng malinaw na salamin upang protektahan ang papel na ngayon ay nakabuo na ng larawan na siyang sumasagisag sa kanilang pagkakaisa. Simula noon, lumaki, lumakas, at nakaramdam sila ng mahiwagang koneksyon sa isa’t isa na nagbunga ng malawakang pag-unlad sa kanilang lipunan.
Naghalal sila ng mga pinuno upang itaguyod at panatilihing ligtas mula sa kapahamakan ang larawan. Dinala ito sa isang lugar na may mahigpit na seguridad.
Isang araw, tila nanlambot at bumalik ang mga tao sa orihinal nilang maliliit at mahihinang anyo. Higit sa lahat, biglang naglaho ang koneksyon nila sa isa’t isa. Nagkagulo ang lahat at nagtaka sa biglaang trahedya sa kanilang lipunan.
Nagbabalatkayo lamang pala ang mga inakala nilang tagapagtanggol ng larawan.
Nalaman na lamang ng mga tao na ninakaw ng kanilang mga pinuno ang hiwaga ng papel na matagal na palang pinaglalawayan ng mga ito. Biniyak ng mga ganid ang salamin hanggang sa maging pira-piraso na lamang ito at masibang hinigop ang hiwagang hatid nito upang gamitin sa kanilang mga pansariling interes.
Sinubukan man ng mga tao na bawiin ang hiwaga ng larawan, ngunit wala silang magawa upang igpawan ang kapangyarihang ninakaw mula sa kanila ng kanilang mga pinuno.
Maibabalik pa kaya muli ang larawan sa orihinal nitong anyo?
Literary: Larawan

0 comments: