rain grimaldo,

Sports: UPIS Pep Squad, kampeon sa Cheerdance Competition

5/14/2018 07:56:00 PM Media Center 0 Comments


KAMPEON. Abot-tainga ang ngiti ng UPIS Pep Squad nang maiuwi nila ang kampeonato sa cheerdance competition na inorganisa ng UP Pep Squad. Photo Credit: Mrs. Ria Grimaldo


Nakamit ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) Pep Squad ang kampeonato sa Elevate 18: Lift One Another UP Cheerdance Competition na ginanap sa University of the Philippines-Diliman (UPD) College of Human Kinetics noong Mayo 7.

Dalawang koponan ang nakatunggali ng UPIS Pep Squad na binubuo ng mga estudyante mula sa kolehiyo na kumukuha ng cheerdance class bilang kanilang PE.

“Cliché pero no words can express ‘yung feeling, e. Relieved, kasi lahat ng hardwork namin, sobrang worth it. And nakaka-proud kasi naipakita namin ‘yung skills na kaya naming gawin, na ito kami, ito ang UPIS Pep Squad. Sobrang happy ko rin for the team na they got to experience competing,” ayon kay Claire Mapa, senior dancer ng UPIS Pep Squad, matapos silang tanghaling kampeon.

Naging motibasyon ng grupo ang kanilang coach na si G. Arjay Calso na gumabay at nagturo ng kanilang routine na naging susi sa kanilang tagumpay. Humataw rin sila para sa kanilang teammates na nakaranas ng minor at major injuries habang ineensayo ang stunts at routine.

Dalawang buwan matapos tanghaling last place sa UAAP Season 80 Streetdance Competition, masaya ang koponan na nakapag-uwi sila ng karangalan mula sa cheerdance competition na ito.

Ang Elevate: Lift One Another UP ay isang taunang patimpalak na inoorganisa ng UP Pep Squad na bukas para sa lahat ng mga mag-aaral sa buong UP System.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng tryouts ang UPIS Pep Squad upang mas lumaki ang kanilang pangkat na magbibigay-suporta sa varsity teams ng UPIS.//nina Yanna Reblando at Rain Grimaldo

You Might Also Like

0 comments: