edgewright,
Apatnapu’t anim na taon na ang nakakalipas
Mula nang nasakdal ang bansang Pilipinas
Matapos ang ilang taong puno ng dahas
Nagkaroon din ng mapayapang wakas
Pero bagama’t ito’y matagal nang nangyari
Dapat nating isaisip palagi
Na sa katotohanan, dapat tayo’y manatili
At sa tama ilagay ang sarili
Sa panahon ngayon na laganap ang impormasyong mapanlinlang
Tayo’y maging mapanuri at huwag ito basta paniwalaan
Ang tama ay dapat natin isaalang-alang
At ang ating boses ay ‘di dapat hayaang mahalang
Sa kasalukuyan kung saan maaring umulit ang nakaraan
‘Wag matakot na tayo’y lumaban
Dahil kung mayroon tayong natutunan sa ating kasaysayan
Ito’y ating mga karapatan
At kung ano man ang mangyari, dapat natin itong ipaglaban
Malaki ang responsibilidad nating mga kabataan
At sng mga problema ng lipunan, ay dapat nating pakialaman
Ang sinabi ni Rizal ay ating tandaan:
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”
Literary: Kabataan Tayo

0 comments: