filipino,

Literary: Mahal na Mahal Kita

5/11/2018 08:28:00 PM Media Center 0 Comments




Ang aking pagmamahal sa’yo ay hindi kayang sukatin

Minsan tinatanong nila kung bakit tinutuloy ko pa rin

Iniisip ko na lang lahat ng nagawa mo para sa akin

Ang aking mga panaginip ay inihahambing sa aking gawain

Dahil ang aking pagkatao ay iyong tinangap ng tunay palagi


Kapag kasama kita, ako’y sumasaya

Dahil alam kong ikaw ang aking sinta

Na hindi ko iiwanan kahit anong mangyari

Sa tuwing kailangan mo ng tulong, ako’y nariyan palagi

Handa akong gawin ang lahat para sa ikabubuti natin



Minsan ay nagtataka ako kung bakit ganito
Pinipilit kong maging masaya sa harap mo
Kahit ako’y sobrang nagseselos kapag ibang tao ang kasama mo
Pero aking natandaan kung bakit ako ganito
Dahil mahal na mahal kita, aking Mundo

Kung may humadlang man sa ating tadhana na mag-isang tao

Kahit ito pa ay isang bagyo na kinukuha ang saya sa mundo

O kaya naman isang sunog na ginagawang abo ang kahit sino

Handa kong ipaglaban ang pagmamahal ko sa’yo

O aking sinta na mahal na mahal ko


Sa kasalukuyan tayo ay magkasintahan
Tayo’y bata pa lamang ngunit marami nang pangarap para sa kinabukasan
Kahit nakakatawa ito iniisip ko pa rin ang ating hinaharap
Sana matuloy ito dahil umaasa ako sa isang munting pangako

Na tatandang magkahawak-kamay at masaya pa rin tayo

You Might Also Like

0 comments: