feature,
Maalinsangan ang panahon. Abot ang init sa loob ng mga hallway. Nagdadagsaan na ang mga estudyante sa unang palapag ng Academic Building dahil tapos na ang klase at oras na para umuwi. May mga nagsisigawan, mayroon din namang mga nakatambay sa gilid ng pasilyo. Lahat ng tao ay may pinagkakaabalahan at kabilang na rito ang mga estudyanteng nakapila sa labas ng Room 115, hawak-hawak ang kanilang mga tiket na binili sa halagang bente pesos.
May mga tumatao na sa mesa ng Media Center 2019 (MC2019) pero hindi pa sila nagpapapasok sa loob ng kuwarto.
Presko ang hangin at amoy ang bagong bukas na air freshener. Maayos na nakasalansan ang mga upuan sa loob at nakapuwesto na ang projector sa harap ng isang puting screen. Naka-set up na ang speaker sa likod at nakakalat na rin ang mga magsisilbing usher. Pagpatak ng 4:20 PM, nagsimula nang magpapasok ng mga manonood sa loob ng hamak na sinehan.
Nag-uusap ang mga bisita, namimili ng upuan. Malaya sila sa pagpili at marami ang kumpulan ng mga barkada. Mga estudyante mula Grado 7 hanggang 11, nagkalat sa loob ng kuwarto. Ang ilan ay sabik nang mapanood ang mga pelikulang hinanda para sa kanila, ang ilan naman ay hindi alam kung ano ang kanilang aasahan. Pagsapit ng 4:45 PM, nagsimula na ang MCnehan.
Ang MCnehan ay proyekto ng MC2019 na inilunsad noong Mayo 4 na naglalayong ipakita ang potensyal ng mga estudyante sa larangan ng pelikula. Ang mga kasapi mismo ng MC2019 ang gumawa ng pelikula, mula sa pagsulat hanggang sa pag-eedit.
Para sa kauna-unahang MCnehan, dalawang pelikula ang kanilang ipinalabas na may titulong Balang Araw at Narra. Ang Balang Araw ay isang tipikal na love story sa pagitan ng dalawang estudyante. Nagsilbi itong sequel sa akda ni Tigerlily noong #theMCpattern pub na pinamagatang Araw-Araw. Ito ay nabuo sa direksyon ni Anne Roxette Ticman at panulat nina Yssabelle Luna, Bea Jacinto at Rainiel Grimaldo. Pinagbidahan ito ni Grimaldo kasama si Samuel Silvestre.
Ang Narra naman ay tungkol sa isang babaeng estudyante at isang multo. Inspirado ito ng mga kuwentong kababalaghan na bumabalot sa Academic Building na minsang kinatayuan ng Narra Residence Hall na nasunog. Nabuo ito sa direksyon ni Wenona Catubig at panulat nina Ronnie Bawa, Storm Gatchalian, at Josh Santos. Pinagbidahan ito nina Julianna Nicole Reblando at Derick Urgena.
Matapos ang pagpapalabas ng dalawang pelikula, nagkaroon ng open forum upang malaman ang mga komento at tanong ng mga manonood ukol sa produksyon. Karamihan ng tanong ay tungkol sa kung ano ang naging inspirasyon ng bawat istorya, ano ang mga naging limitasyon sa paggawa nito, at paglilinaw ng ilan nitong detalye.
“May ilan pang kailangang ayusin o i-improve nang mapanood namin ito ng ibang teachers at nai-feedback na ito sa kanila gaya ng audio, production (props and venues) at story/script. Sa kabila nito, nais kong ipagpatuloy ito ng MC, gawin itong pub tradition, dahil bagong format ito at angkop sa audience sa panahon ngayon,” komento ni Prop. Katrina Ortega, isa sa mga learning coordinator (LC) ng MC2019. “Sa kabila ng maikling oras ng paggawa […] at pag-challenge naming LCs na sa UPIS lang gawin ang scenes para na rin sa kanilang safety bunga ng concern na hindi naman talaga kasama ang MCnehan sa kanilang requirements dahil hindi pa nga [ito] natuturo [sa kanila], nakakatuwa na nakaprodyus sila ng ganitong pelikula na HD at nagfi-feature sa buhay at kultura sa UPIS.”
Tumanggap ng humigit-kumulang na 30 manonood ang pagpapalabas noong AM screening samantalang nasa 60 naman noong hapon. “Natuwa ako while watching, seeing ‘yung reactions ng iba, especially ‘yung lower batches. I […] hope that MCnehan will be a tradition that will help the students do more outside of acads and reqs,” wika ni Alexandra Arugay mula 11-Zara na nanood kinahapunan.
Natapos ang lahat sa isang pasasalamat mula sa mga direktor at sa editor-in-chief ng MC2019 na si Gabriel Aparato. Ang proyektong ito ay nagsilbi lamang trial upang malaman ang kahihinatnan at kung posible ba itong ituloy bilang isang tradisyon. At bilang kanyang nakita ang suportang natamo mula sa mga estudyante ng UPIS, malaki ang posibilidad na ito’y maganap muli.
“I think matutuloy ang MCnehan as a tradition kasi [nakikita ko] how much everyone enjoys and how much they are dedicated para magawa ang mga films,” wika ni Aparato. “We love what we do [so] why stop there?”
Sa susunod na taon, kapag maalinsangan na ulit ang panahon, maaari na ulit mag-abang ng mga ate at kuyang maglalako ng mga tiket sa halagang abot kaya pa rin.//nina Wenona Catubig at Rain Grimaldo
Feature: Ano’ng Nangyari Noong Hapon ng May 4 sa Room 115?

KABA. Kabado ang ilang manonood sa kanilang tinutunghayang eksena sa pelikulang "Narra." Photo Credit: Marco Sulla |

0 comments: