barbara,
Mga alikabok at anino
Tayong lahat sa mundo
Magsisimula rito
At dito rin maglalaho
Matapos ang lahat ng paghihinagpis
Ang paghihirap ng mga puso
Ang walang hanggang sigalot
Sa atin-ating mga tao
Kantahan nawa ng mga tala
Ang bangkay ng ating panahon
Dahil sa ating sariling kasakiman
Tayo'y tuluyang malulunod
Dahil ipagduldulan man sa atin
Ang ating napipintong katapusan
Taingang-kawali pa rin ang ihaharap
Ng mahal na kataas-taasan
Mga alikabok at anino
Ang ating maiiwan sa mundo
Nawa'y mag-iwan ng imahen
Ng pagsisisi't pagkahapo
Ipakita ang larawan ng ating mga luha
Ipinta ang mga sigaw ng pagmamakaawa
Umagos sana sa telon ng mundo
Ang mga kulay ng ating mga pagdurusa
Literary (Submission): Pulvis Et Umbra Sumus
Mga alikabok at anino
Tayong lahat sa mundo
Magsisimula rito
At dito rin maglalaho
Matapos ang lahat ng paghihinagpis
Ang paghihirap ng mga puso
Ang walang hanggang sigalot
Sa atin-ating mga tao
Kantahan nawa ng mga tala
Ang bangkay ng ating panahon
Dahil sa ating sariling kasakiman
Tayo'y tuluyang malulunod
Dahil ipagduldulan man sa atin
Ang ating napipintong katapusan
Taingang-kawali pa rin ang ihaharap
Ng mahal na kataas-taasan
Mga alikabok at anino
Ang ating maiiwan sa mundo
Nawa'y mag-iwan ng imahen
Ng pagsisisi't pagkahapo
Ipakita ang larawan ng ating mga luha
Ipinta ang mga sigaw ng pagmamakaawa
Umagos sana sa telon ng mundo
Ang mga kulay ng ating mga pagdurusa
0 comments: