craig aquino,
Kamakailan ay inaprubahan ang House Bill 1022 na kung maisasabatas ay tatawaging National Writing System Act. Kinikilala nito ang pangangailangang itaguyod, protektahan, pangalagaan, at panatilihin ang baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat ng Pilipinas.
Kaugnay ng pangangailangang ito, oobligahin ng batas ang mga diyaryo at magasin na isulat ang kanilang pangalan sa baybayin at ang mga gumagawa ng lokal na pagkain na lagyan ng baybayin ang label ng kanilang mga produkto. Kakailanganin din ng mga Local Government Unit (LGU) na lagyan ng salin sa baybayin ang mga karatula ng mga kalsada at pampublikong gusali at pasilidad. Inaatasan din ng batas ang angkop na mga ahensya ng gobyerno na palaganapin ang kaalaman tungkol sa baybayin sa pamamagitan ng pamimigay ng mga babasahin tungkol dito sa mga paaralan at mga publiko’t pribadong ahensya’t opisina.
Ang pag-apruba sa House bill na ito ay di nangangahulugang papalitan na ang nakasanayang sistema ng pagsulat dito sa Pilipinas. Ang magiging tungkulin ng baybayin ay ang maging katuwang ng Latin scripts.
Ngunit ano nga ba ang baybayin?
Isa itong sistema ng pagsulat na nilikha at ginamit ng ating mga ninuno bago masakop ng mga Espanyol ang ating bansa. Sa kasalukuyan, kakaunti lamang ang nakakaalam kung paano ito gamitin at malaking bahagdan sa mga ito ay mga propesor o akademiko.
Hindi maikakaila na ito ay mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino. Kung kaya’t kapuri-puri ang mga hakbang na ginagawa ng gobyerno upang mas kilalanin ito. Ito’y makatutulong sa muling pagpapaalab ng ating pambansang pagkakakilanlan matapos ang ilang siglo ng pagiging sakop ng mga dayuhan. Bukod pa roon, maaari din itong maging daan para sa pagpapaigting ng pagpapahalaga sa ating kultura. Sa pagtataguyod nito sa ating henerasyon, mararamdaman natin na tayo ay may katangian bilang Pilipino na kaiba mula sa ibang lahi.
Ngunit kinakailangang masiguro ng gobyerno na masusunod ang hangarin ng bill kung ito man ay maisasabatas. Hindi ito isang dekorasyon lamang na ilalapat sa mga produktong Pilipino at institusyon ng gobyerno bagkus ay dapat umiral ang pagpapahalaga at pag-unawa sa konteksto at kasaysayan sa likod nito.
Bukod sa pagbibigay-kaalaman ukol sa paraan ng pagsulat ay dapat na maipakita at maipaunawa rin sa mga tao ang halaga ng baybayin sa atin bilang mga Pilipino. Dapat ay matutunang mabasa at maisulat ito ng lahat upang maipanumbalik ang tradisyon na ito sa ating mga sarili.
At hindi lang dapat ang baybayin ang pagtuunan ng pansin. Ang mga wika at kultura sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas ay kailangang igalang at pangalagaan. Kilalanin, pahalagahan, at paunlarin dapat ang mga sistema ng pamumuhay at paniniwala ng iba’t ibang pangkat-etniko sa Pilipinas na pagkakakilanlan ng ating lahi at magbibigay-daan sa masagana at payapang lipunan.
Kailangang ibigay natin sa baybayin at sa lahat ng sistema ng pagsulat dito sa Pilipinas ang respeto’t puring nararapat sa mga ito.//nina Craig Aquino at Marlyn Go
Opinion: Mga Kabaybayin Ko, Dapat na Malaman Niyo
Photo Credit: Ezra Bustamante |

0 comments: