filipino,

Literary (Submission): Ikaw

5/04/2018 09:03:00 PM Media Center 0 Comments





Ikaw
Sa ikalawang araw
Ikaw
Ang nasa isip sa bawat galaw
Ikaw
Na pawang isang alaala na laging tinatanglaw

Ako
Sa pangalawang pagkakataon
Ako
Nasa isip ang bawat galaw mo
Ako
Na laging inaalala ang lahat ng tungkol sa ‘yo

Ngayon napag-isipan ko na
Ipipikit ang mga mata
Bubuntong hininga
Sasabihin sa sarili, itigil mo na
Ipinapangakong matatapos din ito
Makakahanap ako ng iba
Kung saan pareho kaming masaya
Susulitin ang oras na laging kami ang magkasama

Sa pagmulat ng mga mata
Alam ko na
Kaya't ako na ang mauuna
Hahakbang paatras
Pansamantalang iiwas sa iyong landas
Ngunit 'wag kang mag-alala
Mananatili kang isang alaala
Isa sa nagbigay ng panibagong aral
Mananatili kang isang kaibigan

You Might Also Like

0 comments: