filipino,
Sa pagkakataong ito, wala akong ginawa. Hinubog ko na lang ang buong pagkatao ko upang matulungan ang iba. Ngunit sila’y nagsawa.
Sa pagkakataong ito, ako ang nagtanong kung nangangailangan ba sila ng kahit ano, kung isang malaking problema ba ang bumabagabag at nagkukumawala sa kanilang ulo. Ngunit, ang sinabi nila ay wala. Ayos lang daw sila.
Sa pagkakataong ito, ako, na isang apatetiko dati, ang nagkaroon ng paki. Ngunit sa bawat pangangamusta ko ay lalo lamang silang napapalayo at kusa silang lumilisan sa aking tabi.
Sa pagkakataong ito, ang dating ako, na hindi kayang maging mapagkumbaba, ang mas ginusto ng mga tao. Sapagkat ang bagong beryson ko, ay siya ring bagong dahilan kung bakit sila ay lumalayo.
Sa pagkakataong ito, aking naintindihan na hindi ang pagiging apatetiko ko ang dahilan kung bakit pag-iisa ang napupunta sa akin. Aking naintindihan na ang mga tao ay hindi ko kayang intindihin.
Sa pagkakataong ito, aking naintindihan na kung sino ang katatawanan, ang katutuwaan, pinagkukunan ng kasayahan, nagiging dahilan at paraan upang ang problema ay pansamantalang makalimutan, sila ang tatabihan. Sila ang sasamahan. Sila ang dadamayan.
Sa pagkakataong ito, humihingi ako ng kapatawaran. Sapagkat, hindi ko alam na ako’y naging makulit lamang at ang kailangan niyo ay wala sa mga beryson ko.
Sa pagkakataong ito, hindi ko na susubukang tulungan kayo. Dahil simula pa lang naman ay hindi niyo na ito gusto.
Sa pagkakataong ito, aking natamo, na ang piliin kayo ay isang malaking pagkakamali ko.
Literary: Sa Pagkakataong Ito

0 comments: