filipino,

Literary: Bawat Porma

5/26/2018 08:04:00 PM Media Center 0 Comments



Ang sining ay para sa atin
Ilang beses na itong nasabi, ilang beses na itong nakita
Awit man o tula, mga kuwento man o obra
Kani-kaniyang paraang maipakita ang nadarama

Awitin na ninais buuin
Napapaloob sa galaw at kulay ng himig
Bawat tono at ritmo may nais iparating
Resulta’y kagiliw-giliw na tugtugin

Kung gustong bumigkas ng tula
Pangkalye man ang salita o pangmakata
Hindi iyon ang tunay na punto ng mga kataga
Kundi magparating ng mensaheng mahalaga

Larawan man ang ibig ipinta
Bawat galaw ng pinsel, pataas, pababa, pakanan o pakaliwa
Damdami’y ibuhos sa bawat kulay at linya
Ang kalalabasa’y isang obra maestra

You Might Also Like

0 comments: