geraldine tingco,

Teatro Munti, nagpakitang-gilas

5/10/2018 08:33:00 PM Media Center 0 Comments



KAMANGHA-MANGHA. Gumaganap bilang magbubukid ang mga miyembro ng Teatro Munti habang inaawit ang “Umagang Kay Ganda” sa isang bahagi ng kanilang pagtatanghal. Photo Credit: Geraldine Tingco


Nagpakitang-gilas ang 40 miyembro ng Teatro Munti sa UP College of Engineering Theater noong Abril 20.

“Mula sa Isa, Tungo sa Pagkakaisa: Ikaw, Ako, Tayo, Kaya Natin Ito!” ang naging tema ng produksyon ngayong taon na binubuo ng mga sayaw, awit, at maikling dula. Ang Kaleidoscope World, Umagang Kay Ganda, at Salamat ay ilan lamang sa mga kantang inihanda ng mga bata.

Pinanood ang pagtatanghal ng mga mag-aaral, guro, at magulang ng Kindergarten to Grade 2 (K-2).

“Naeensayo nila ‘yung mga kakayahan nila sa pag-awit, ‘yung mga tula naman sa pag-arte, saka ‘yung pagkakaroon ng self-confidence sa pagharap sa maraming manonood, sa maraming tao. At siyempre, early training na rin ‘to na magkaroon sila ng extra-curricular activities na [kaya nilang] pagsabayin ang pag-aaral at pag-eensayo, pagsali sa mga club at organizations,” tugon ni Bb. Maria Aimee Vergara, isa sa mga tagapayo, matapos siyang tanungin kung ano ang kahalagahan ng karanasang ito sa mga mag-aaral.

Nagkaroon din ng iba’t ibang reaksyon ang mga bata sa kanilang pagtatanghal.

“Great ‘cause it’s kind of fun. I want to be in Teatro again in Grade 1 […] because I never get tired when I dance,” wika ni Niño Sumayo ng K-Magnolia.

“Good, kasi pinaghirapan namin,” ani John Clement ng 1-Agila.

“Masaya, kasi po it’s my first [time] to perform to a lot of people,” sabi naman ni Yojan Louise Manguerra ng 1-Lawin.

Isang organisasyon ang Teatro Munti na binubuo ng mga mag-aaral mula sa K-2 na lumilinang ng kanilang talento sa pagsayaw, pagkanta, at pag-arte. Napipili ang mga miyembro sa pamamagitan ng audition. Walo ang kasapi mula sa Kinder, habang 12 ang sa Grado 1, at 20 naman mula sa Grado 2 para sa akademikong taon na ito. Sina Bb. Vergara, Bb. Angela Ray Abarquez, Bb. Jonalou Danao, at Bb. Alyssa Camille Pamintuan ang nagsilbing mga tagapayo ng mga tagapagtanghal.//nina Gian Palomeno at Geraldine Tingco

You Might Also Like

0 comments: