12345,
Hanggang saan ang kayang paghirapan
Para sa pangarap na pilit iginapang ng mga taon na di na mabilang kung ilan?
Anong kayang gawin para ‘di maglaho ang siklab na bumubuhay sa mithiing abutin ang kasukdulan,
Hangang kailan kayang magtiis upang mahulma ang sarili sa hugis ng tagumpay,
Anong kayang ibigay upang maabot ang nangungutyang kapanalunan?
Lahat, marahil, para sa iilan.
Para ito sa iilan na kayang magsakripisyo ng dugo at pawis para sa likhang ‘di mapapantayan,
Para sa mga iilan na tinutulak ang sarili upang bitbitin ang bantayog ng kalakasan,
Para sa iilan na handang ulitin ang sakit at paghihirap para sa tibay,
Para sa iilan na lumalaban para sa sarili, pamilya, at bayan.
Salamat. Dahil kayo ang bayani ng panahong kasalukuyan.
Literary: Atleta

0 comments: