filipino,

Literary (Submission): Martyr

5/04/2018 09:08:00 PM Media Center 0 Comments






Ang ihip ng hangin sa araw na maulan
Himig na malamig ang mapakikinggan
Mga mata ay mistulang kalangitan
Patuloy na lumuluha, pusong nasasaktan

Ngunit ang pag-iyak ay kailangang patahanin
Mga hinaing ay ibubulong na lamang sa hangin
Panandaliang isasantabi ang aking damdamin
Pansamantalang itatago ang pag-ibig mula sa ‘kin

Ngunit ang nadarama ay patuloy na nagpupumiglas
Isang bagay na hindi na dapat pang ipagpalipas
Ngunit kapag sasabihin na ay biglang napapaatras
Parang ako ay nawawalan at nauubusan ng lakas

Lalo na kapag kayo ay nakikita kong magkasama
Anong dulot na lungkot at sakit ang aking nadarama
Kahit alam ko na ang nararamdaman ko ay masama
At ang aking pagkainggit at pagseselos ay hindi tama

Madalas kong naiisip at naitatanong sa aking sarili,
Ano ba ang mayro’n ako na nakikita mong mali?
Bakit ba siya at hindi ako ang iyong pinipili?
Kahit ako, ako ang magmamahal sayo hanggang huli

Subalit,ano naman ang aking karapatan?
Isa lang naman akong hamak na kaibigan
Na sa mga sulok ay patuloy kang pinagmamasdan
Nananatiling masaya para sayo kahit pa nahihirapan

You Might Also Like

0 comments: