feature,
“Tara, ROS tayo!”
“‘Di, brad. Tara, Revive Old Super fun Pinoy games na lang.”
Sa panahon ngayon, nahuhumaling ang karamihan sa mga batang Pilipino sa paglalaro gamit ang makabagong teknolohiya gaya ng nauusong ROS o “Rules of Survival.” Hindi na sila masyadong nakikilahok sa mga larong kinalakhan ng mga nakatatanda sa kanila. Ito ang mga tipo ng laro na ginagawa sa loob o sa labas man ng bahay, kasama ang mga kaibigan o kapamilya, at kahit simple lamang ay nakakaaliw na. Siguradong kung tatanungin ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay habulan o tagu-taguan na lamang ang kanilang alam na “larong Pinoy.”
Dahil diyan, ito ang siyam na larong Pinoy na dapat buhayin muli at bigyang-pansin ng mga kabataan sa panahon ngayon. Mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong mga laro ay tiyak na kakagatin ng sinumang Pilipinong may tunay na pusong nag-aapoy na balikan muli ang masigla at maaksyong mga palarong Pinoy.
Dama
Kung may Chess at Chinese Checkers, siyempre, mayroon ding Filipino Checkers o Dama. Nilalaro ito sa isang parisukat na kahoy na minarkahan ng mga pinagdugtong-dugtong na maliliit pang mga parisukat. Ang padrong ito ay nagsisilbing daanan ng mga pitsa o pato na gawa sa kawayan, bato, o hindi naman kaya ay takip ng bote. Nilalahukan ito ng dalawang manlalaro, ang bawat isa ay may tig-12 pirasong pitsa. Tulad ng Chess, layunin nitong maubos ang mga dama o queen ng kalaban gamit ang malalim na pag-iisip at matataktikang galaw para tanghaling panalo.
Sambunot
Isang agresibo ngunit masayang laro ang sambunot na humahamon sa iyong lakas at koordinasyon. Ginuguhitan ang lupa ng malaking bilog at sa gitna ay may makikitang bunot o maaari ding bukong pinahiran ng langis. Mag-aabang muna ang mga manlalaro sa labas ng bilog hanggang sa ibigay na ang senyales para sila ay mag-agawan sa bunot. Kung sino man ang makakasunggab at makakapagtakas nito sa labas ng bilog ay ang otomatikong panalo.
Paluan ng Palayok
Pinupuno ng matatamis na kendi, makikinang na barya, at maliliit na laruan ang palayok. Ang manlalaro ay pipiringan at paiikutin nang ilang beses hanggang sa makaramdam siya ng kaunting hilo. Unti-unti niyang lalapitan ang palayok sa tulong ng mga sigaw ng mga manonood at kung sa tingin niya’y nasa tamang lugar at kondisyon na ang lahat, magpapakawala siya ng hampas gamit ang hawak-hawak na pamalo. Kailangang wasakin ng manlalaro ang palayok upang makuha ang mga papremyo sa loob nito.
Sipa
Isa ito sa mga tanyag na larong Pinoy na kinakailangan ng kasanayan sa pagsipa. Binubuo ito ng dalawa hanggang walong manlalaro. Imbis na hampasin ang bola gamit ang kamay tulad ng sa volleyball, kinakailangan nilang sipain ang bolang rattan sa kabilang koponan para magpatuloy ang buweltahan hanggang sa may magmintis. Bawal dumikit ang rattan sa kahit na anong parte ng katawan maliban sa tuhod pababa.
Luksong Baka
Isa ito sa mga tatak-Pinoy na laro na madalas pinapapelan ng mga bata sa lansangan. Nilalahukan ito ng hindi bababa sa dalawang manlalaro at ang isa sa kanila ay tinataguriang “taya.” Tatalunan ang taya na sa simula’y nakaluhod at nakayuko lamang. Pataas nang pataas ang tatalunin ng mga manlalaro sa pamamagitan ng unti-unting pagtayo ng taya sa bawat siklo. Mapapalitan lamang ang taya kung may hindi nakagawang talunan ito.
Palo Sebo
Ang ibig sabihin ng palo sa Espanyol ay “pole” at ang sebo naman ay “grease.”Ang larong ito ay madalas na ginagawa sa mga pista sa probinsya. Simple lamang ang mekaniks—kailangang abutin at pitasin ng manlalaro ang panyo o tela na nakasabit sa tuktok ng kawayan na pinahiran ng langis. Kung minsan, pera o laruan ang nakasabit sa tuktok ng kawayan upang ganahan ang manlalaro sa premyong makakamit. Sinusubok nito ang koordinasyon kasama ang iyong koponan at ang lakas ng iyong kapit sa kawayan. Simple man ang panuto subalit hindi madaling gawin ang laro. Gayunpaman, isa ito sa mga pinakamasayang panoorin dahil sa pagtaas-baba ng manlalaro sa madulas na kawayan.
Karera ng Baong Sangko
Feature: Tara ROS Tayo!
“Tara, ROS tayo!”
“‘Di, brad. Tara, Revive Old Super fun Pinoy games na lang.”
Sa panahon ngayon, nahuhumaling ang karamihan sa mga batang Pilipino sa paglalaro gamit ang makabagong teknolohiya gaya ng nauusong ROS o “Rules of Survival.” Hindi na sila masyadong nakikilahok sa mga larong kinalakhan ng mga nakatatanda sa kanila. Ito ang mga tipo ng laro na ginagawa sa loob o sa labas man ng bahay, kasama ang mga kaibigan o kapamilya, at kahit simple lamang ay nakakaaliw na. Siguradong kung tatanungin ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay habulan o tagu-taguan na lamang ang kanilang alam na “larong Pinoy.”
Dahil diyan, ito ang siyam na larong Pinoy na dapat buhayin muli at bigyang-pansin ng mga kabataan sa panahon ngayon. Mula sa pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong mga laro ay tiyak na kakagatin ng sinumang Pilipinong may tunay na pusong nag-aapoy na balikan muli ang masigla at maaksyong mga palarong Pinoy.
Dama
Photo credit: DiscoverPh https://discoverph.com/wp-content/uploads/2012/08/dama-with-tansan.jpg |
Kung may Chess at Chinese Checkers, siyempre, mayroon ding Filipino Checkers o Dama. Nilalaro ito sa isang parisukat na kahoy na minarkahan ng mga pinagdugtong-dugtong na maliliit pang mga parisukat. Ang padrong ito ay nagsisilbing daanan ng mga pitsa o pato na gawa sa kawayan, bato, o hindi naman kaya ay takip ng bote. Nilalahukan ito ng dalawang manlalaro, ang bawat isa ay may tig-12 pirasong pitsa. Tulad ng Chess, layunin nitong maubos ang mga dama o queen ng kalaban gamit ang malalim na pag-iisip at matataktikang galaw para tanghaling panalo.
Sambunot
Photo credit: Totoy Guro: A Filipino Teacher’s Blog https://totoyguro.wordpress.com/2010/09/12/agawang-buko/ |
Isang agresibo ngunit masayang laro ang sambunot na humahamon sa iyong lakas at koordinasyon. Ginuguhitan ang lupa ng malaking bilog at sa gitna ay may makikitang bunot o maaari ding bukong pinahiran ng langis. Mag-aabang muna ang mga manlalaro sa labas ng bilog hanggang sa ibigay na ang senyales para sila ay mag-agawan sa bunot. Kung sino man ang makakasunggab at makakapagtakas nito sa labas ng bilog ay ang otomatikong panalo.
Paluan ng Palayok
Photo credit: Cebu Travel Bug
|
Sipa
Photo credit: Mga Pambansang Sagisag ng Pilipinas https://pambansangsimbolongpilipinas.wordpress.com/2016/12/03/mga-pambansang-sagisag-ng-pilipinas/ |
Isa ito sa mga tanyag na larong Pinoy na kinakailangan ng kasanayan sa pagsipa. Binubuo ito ng dalawa hanggang walong manlalaro. Imbis na hampasin ang bola gamit ang kamay tulad ng sa volleyball, kinakailangan nilang sipain ang bolang rattan sa kabilang koponan para magpatuloy ang buweltahan hanggang sa may magmintis. Bawal dumikit ang rattan sa kahit na anong parte ng katawan maliban sa tuhod pababa.
Luksong Baka
Photo credit: Tourist Spots Finder
|
Isa ito sa mga tatak-Pinoy na laro na madalas pinapapelan ng mga bata sa lansangan. Nilalahukan ito ng hindi bababa sa dalawang manlalaro at ang isa sa kanila ay tinataguriang “taya.” Tatalunan ang taya na sa simula’y nakaluhod at nakayuko lamang. Pataas nang pataas ang tatalunin ng mga manlalaro sa pamamagitan ng unti-unting pagtayo ng taya sa bawat siklo. Mapapalitan lamang ang taya kung may hindi nakagawang talunan ito.
Palo Sebo
Photo credit: derangedez.tumblr.com
|
Karera ng Baong Sangko
Photo credit: Goldilocks Facebook Page
|
Isa itong nakakahigop-lakas na karera na sumusukat sa bilis at tibay ng mga manlalaro. Buong sigla silang tatakbong nakatapak lamang sa bao habang hawak-hawak ang nakatahing lubid sa gitna nito. Kung sino ang unang makarating sa itinakdang linya ay ang siyang tatanghaling panalo.
Sungka
Photo credit: Steemit
|
Isa itong mabisang pampalipas-oras na maaring lahukan ng dalawang manlalaro kahit nasa loob lang ng bahay. Nilalaro ito gamit ang isang kahoy na may 16 na butas na lalagyan ng maliliit na bato o sígay (shells). Ang dalawang magkabilang butas ay tinatawag na “head” at ang bawat manlalaro ay may layuning protektahan ito. Ang panalo ay ang may pinakamaraming makakolektang bato sa butas na ito.
Siato/Bati-Cobra
Photo credit: ThatFabieEve https://thatfabieeve.blogspot.com/2017/03/
|
Ang siato o bati-cobra ay isang laro para sa dalawang taong handang magpawis. Ang isang manlalaro ay may layuning tamaan ang isang istik gamit ang isang mas mahabang istik samantalang ang trabaho naman ng isa pa ay saluhin ito. Kinakailangang maghukay ng maliit na butas sa lupa kung saan ilalagay ang maikling istik. Dahil nakatagilid ang mas maliit na istik, kinakailangan munang iitsa ito pataas at saka titirahin papalayo. Depende sa layo ng mararating ng hinampas na istik ang puntos na matatanggap ng manlalaro.
Hindi lang masaya, kakaiba, at kahali-halina ang mga palarong Pinoy, kundi repleksyon din ito ng ating kultura at kapaligiran na nagdadala sa atin ng mas malalim na relasyon sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng mga simple o di kaya’y mga komplikado ngunit sulit na materyales, nakakalikha tayo ng mga makabuluhang laro na resulta ng ating maharayang isipan. Patuloy nating tangkilikin ang mga larong Pinoy na isa sa mga sumasalamin sa identidad ng ating bansa.
Kaya’t ano pa ang inyong hinihintay? Mainam na subukan muling igalaw ang mga katawan sapagkat siguradong gaganda at sisigla ang inyong pakiramdam. Imbes na buong hapong nakatutok ang mga mata sa iskrin, subukang isantabi ang mga gadyet, salabungin ang preskong hangin sa labas kasama ang mga kaibigan at sabay-sabay ihiyaw ang “Tara ROS tayo!”//nina Nica Desierto at Julius Guevarra Jr.
0 comments: