filipino,
Sa ilalim ng malawak at madilim na kalangitan,
mga bituin na nagbibigay liwanag sa itaas,
sa gitna ng kapayapaang bumabalot sa paligid,
at mga alon na humahampas nang malakas sa dalampasigan,
narito kami, magkatabi, ng aking kaibigan.
Siya na nakatingala sa maningning na kalawakan,
siya na mahusay sa maraming bagay,
nakalalamang sa iba.
Nasa kaniya na ang lahat ng magagandang katangian,
pero heto siya,
namumuhay nang tahimik at payak.
Nagkikislapang mga mata ang biglang tumambad sa aking paningin,
puno ng mga katanungan,
tila ba kulang pa ang lahat ng kaniyang nalalaman.
Ngunit nang sambitin ang kaniyang mga naiisip,
ako’y napagmuni-muni na rin.
“Kung ganito kaganda ang ating mundo,
bakit marami pa ring mga tao ang ‘di nakukuntento?”
Napagtanto ko na tama nga siya.
Kung mamasdan ang naglalakbay na mga ulap
na pinagkukublihan ng pilak na buwan,
kung sasamyuin ang mabining simoy ng hangin
na hatid ng lamig ng dagat at gabi,
kung didinggin ang huni ng kuliglig
at ang himig ng tinig ng iyong iniibig...
Bakit nga ba hindi tayo nakukuntento,
kahit sapat na ang lahat sa paligid natin?
Ang kariktan ng ating daigdig,
ang pamumuhay ng bawat nilalang,
ang ating mga kilos at gawain,
ang ating mga sarili
ay tunay na kagandahang dapat ipagpasalamat.
Siguro dahil natural na sa atin ang maghanap
nang maghanap ng bagong kaalaman,
kaya’t lahat ng bagay na sapat, kulang pa sa atin,
nawawalan ng kasiyahan habang tumatagal.
Siya’y gumuhit sa buhangin,
naghihintay ng mga salitang bibitawan ko,
ngunit walang kahit isang tunog ang lumabas.
Siya’y napatingin at itinama ang balikat sa akin,
“Ano na ang sagot mo?” sabay ngiti.
“Hayaan mo na, bahala na ang lahat. Bakit mo ba naiisip ‘yan?”
“Wala naman, pinagtatakhan ko lang na ang ganda ng buhay,
pero ang dami pa ring hindi nasisiyahan.”
Nawala saglit sa tamang pagtibok ang aking puso.
Ang simpleng mga bagay tulad nito,
kaniyang mga simpleng tanong ngunit napakalalim,
ang nagbibigay-ganda sa kaniyang pagkatao.
Makapiling lamang siya, buo na ako at kuntento
siya na dumagdag sa kagandahan ng buhay ko,
siya na natatanging sining sa aking mundo.
Literary: Mundo

0 comments: