chapter 2,

Pusong Bato (Ikalawang Sagutan)

1/29/2014 07:45:00 PM Media Center 22 Comments

Ang Pusong Bato ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.



-----

November 5
2:42 n.h.

Natalie Lorenzo,

Magandang hapon sa iyo binibining kisame.

Kaninang lunch habang nasa ramp ako, nakita kitang nangungulit kay Kuya Guard. Maya-maya, narinig ko ang ilang estudyanteng Grade 7 na nag-uusap tungkol sa ilang mga estudyanteng nakatayo sa exit gate. Palingon-lingon daw sa likuran nila, pasilip-silip at patingin-tingin sa may gate. Nasisiguro kong sa inilarawan nilang kilos, nagbabalak silang tumakas. Narinig ko rin na isa sa mga estudyanteng ito ay babae na mahaba ang buhok, maliit, maputi, at mukhang MAHINHIN kumilos. Malakas ang pakiramdam ko na ikaw ang tinutukoy nila.

Hindi nga ako binigo ng hinala ko. Ikaw ang babaeng estudyanteng takas. Kinausap ako ni Prof. Lucena at nagsabing baka maaari naming matulungan ang paaralan tungkol sa mga estudyanteng tumatakas para bumili ng pagkain.

Ayon sa kanya, nahuli ka niyang ngumunguya ng honey chicken sa CASAA. Narinig ko naman mula sa iba pang tumakas na natigilan ka pa nga raw sa pagnguya ng manok at namutla ng makita mong nakatayo si ma’am sa iyong harapan.

Bakit ka na naman lumabag sa patakaran? Misyon mo bang kumpletuhin ang mga ipinagbabawal ng paaralan? Huwag mo sanang kasanayan ‘yan.

Manuel Roquito

-----

November 5
4:02 n.h.

Manuel Roquito!

Maganda na sana ang araw ko ngunit nakatanggap na naman ako ng sulat mo. Paano mo na naman ako nakita sa laki ng eskuwelahan natin? Wala ka na ba talagang ibang ginagawa kundi sundan ako at punahin ang mga ginagawa ko? Huwag mo ring kasanayan ‘yan, please! Kinasabwat mo pa si Ma’am Lucena. At dinamay mo pa ang mga inosenteng Grade 7. Tsk. Tsk. TSK.

Para sa kaalaman mo (kahit wala ka naman dapat pakialam), kinakausap ko si Manong Guard dahil nakikiusap ako kung puwedeng lumabas at sa CASAA kumain dahil hindi ko na matiis ang “canteen” nating hindi lang masikip at marumi, kundi’y wala pang mabibiling matinong pagkain. Ay mali, sa pagkakaalam ko, literal na walang mabibili! Pinapadala tayo ng mga baon na pagkain dahil hindi sapat ang suplay? Paano kung wala akong oras para magluto ng ibabaon? At isa pa, haynakoooo naman, gusto ko rin naman uminom ng tubig! Pero walang fountain, ‘di ba? You don’t expect me to drink sa gripo ng CR, right?

Nagugutom lang talaga,
Natalie Lorenzo

P.S.
Chicken barbecue kinakain ko, hindi honey chicken!

-----

November 6
8:31 n.u.

Natalie Lorenzo,

Nais kong malaman mo na ramdam ko ang giyera sa loob ng tiyan mo. Nais ko ring ipaintindi sa iyo na kakalipat lang natin, at talagang mayroon pang adjustments . Sa ngayon, wala pa talagang concessionaire, hindi pa tapos ang bidding. Pati ang canteen mismo ay hindi pa tapos gawin. Maghintay ka na lang at babalik din sa normal ang sistema ng paaralan. Kung lumalahok ka sa flag ceremony, naririnig mo sana ang mga mahahalagang announcements kagaya niyan.

Ngayon, habang nag-aadjust pa ang lahat, magtiis ka na lang muna at sumunod sa patakaran. Hindi puwedeng magpaka-prinsesa ka at lagi mong makukuha ang kagustuhan mo, kamahalan.

Oo nga pala, hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na nagmumuni-muni ako sa ramp nang makita kitang nagungulit at nagsusungit kay Kuya Guard.

Nagpapaliwanag,
Manuel Roquito

-----

November 6
10:36 n.u.

Manuel Roquito,

Eh Mr. KA yun na nga po ang problema eh. Sana hindi na lang muna tayo pinalipat ng building kung hindi pa pala sobrang tapos itong gawin dahil maraming nagiging problema.

Katulad na lamang ng canteen na ‘yan. Hindi ba isa ‘yan sa pinaka-importanteng parte ng eskuwelahan kasi diyan nga kakain at bibili ng pagkain ang mga estudyante? Pinagbabaon nga ang mga estudyante habang wala pang maayos na concessionaire ngunit saan naman tayo kakain kung bawal sa loob ng mga room at hindi sapat ang mga upuan at lamesa sa labas? Sorry ah, pero hindi ko feel magmukhang tambay na susubo-subo ng pagkaing kung saan-saan. Tapos naka-plastic pa! Kaasar ha.

Sana kasi napagtanto ng mga ka-cult mo na dapat hindi muna pinagpipilitan ang mga bagay-bagay, lalo na’t hindi naman lahat ay magiging masaya rito.

Natalie Lorenzo

-----

November 6
1:52 n.h.

Natalie Lorenzo,

Aba! Ano itong nakita ko kanina? Pumasok ka ng room n’yo kaninang lunch time lang at may dalang isang box! Nabasa ko… “RODIC’S”. Lumabas ka na naman ba? Paanong nakalusot ka na naman sa mga guwardiya?

Ipapaliwanag ko lang sa’yo na ang lahat ng ginagawa ng eskuwelahan ay nakapaloob sa mga kontrata. Hindi natin kayang pigilan ‘yon. Kailangan na nating lumisan sa lumang gusali, kaya kung maaari ay mag-move on ka na. Oo, medyo pilit pa nga ang ating paglipat, ngunit nakakapag-aral ka naman, hindi ba? Nakakapasok ka sa isang normal na klase, natututo ka sa mga aralin. Hindi ba’t ito naman ang mahalaga; ang mismong layunin ng isang paaralan? Isang bahagi lang ang canteen sa isang eskuwelahan, nasa iyo ang desisyon kung magbabaon ka o magpapakagutom ka. Bawal talagang lumabas ng eskuwelahan hangga’t hindi pa uwian, kaya inaasahan kong hindi mo na ito uulitin BUKAS. Inaasahan kong makikita kong may baon ka nang pagkain at tubig, at sa loob ng paaralan kakain.

Manuel Roquito

P.S.
Maaari naman kitang samahan kumain para hindi mo na isipin na tambay ka. Dapat kang matuwa. Makakasama mo mismo ang pangulo… ng KA.

-----

November 7
3:33 n.h.

Manuel MOSQUITO,

Sir, para kang lamok, sir! Huwag ka nang aaligid-aligid sa akin, please? Itigil mo na ang pagka-stalker mo. Tsaka kartero ka ba sa past life mo? Hulog ka ng hulog ng sulat sa locker ko! Napupuno tuloy ng basura ang cute kong locker.

Alam ko naman na dapat mag-aral sa paaaralan, eh. Alam ko na dapat makinig, matuto, blah blah blah. Alam mo rin ‘yon diba? Kaya naman mister, kung puwede lang naman ha, mag-aral ka na lang din kaysa nandiyan ka’t bumubuntot-buntot sa mga pinaggagagawa ko.

At oo, may dala akong Rodic’s kahapon. Nainggit ka? Gusto mo ba pati ikaw bilhan ko na rin? May apat na gate ang paaaralan, hindi lahat kayang bantayan ng isa o dalawang guwardiya. Hindi ako kayang habulin ng batas mo, Manuel. Kaya, please, chill ka lang. ;)

Natalie Lorenzo

P.S.
Y U C K! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo. Magpapakagutom na lang ako kesa sumabay sa ‘yo!


ITUTULOY.

You Might Also Like

22 comments:

  1. Haha nakakatawa magsalita si Natalie. :))) Nice one MC2! Nakakaaliw basahin.

    ReplyDelete
  2. Manuel MOSQUITO ftw. XD

    ReplyDelete
  3. Binasa din ang chapter 1 ngayong gabi.. spot the difference sa picture nung dalawa! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang nag-iba yung filter?? Hehehe...

      Delete
    2. Banglakas naman ng mata mo koya. =))

      Delete
  4. Ayuuuuun. Lumabas na ang tunay na hinaing ng mga estudyante tungkol sa bagong building. =))) galing galing niyo hart hart ♡♡♡

    ReplyDelete
  5. Manong guard kasi eh. Crush nya siguro si girl. =))

    ReplyDelete
  6. magkakatuluyan po ba sila?

    ReplyDelete
  7. "Love story na naman ba to?" ummm parang hindi naman. Hahahaha!

    ReplyDelete
  8. @anon "Love story na naman *bato?" Hihihihi hart hart

    ReplyDelete
    Replies
    1. @anon Sinong anon po tinutukoy ninyo? Hahahah pero ang ganda! Akala ko ako lang sumabaybay mula chapter 1. =))

      Delete
    2. no man/womans ever alone.

      Delete
  9. I-trending na to #bato hehe.

    ReplyDelete
  10. First! Ay... :( hehe. =))))

    ReplyDelete
  11. Woah. Nagising ako dun ah. Nice work MC2!

    ReplyDelete
  12. Natatandaan ko tong kwento na to sa mga example ng Malikhaing Pagsulat! :D Good work MC2! Keep it up at wag pahirapan ang mgadviser :))

    ReplyDelete
  13. Nakoo naman ohhh HAHA MC2, Im so proud of you sir chief :D
    Inaantabayanan ko na ang mga susunod na kaganapan

    ReplyDelete
  14. Nayswan MCII! I'm looking forward to enjoying the next chapters of your story as well as your well-written literary entries. Go lang ng go, talunin nyo yung Kathniel article na popular pa rin hanggang ngayon! I wanna see MCII's work at the top of that popular posts section. ;)

    ReplyDelete
  15. Sinong MC2 ang gumawa ng lines ni Nathalie? Parang Pamilyar :P

    ReplyDelete
  16. Dabest chapter so far. ;D

    ReplyDelete
  17. Ang tibay ng Kathniel article. X))

    ReplyDelete