chapter 1,
Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
Miss Natalie Lorenzo,
Ipagpaumanhin ninyo ang biglaang pagsulat ko ngunit ito po ay para ipaalala sa inyo na mahigpit na ipinatutupad ang patakaran sa pag-attend ng lingguhang flag ceremony ng eskwelahan.
Napansin ko ang pagtatago ninyo sa sulok-sulok ng pasilidad ng paaralan para makatakas. Kung maaari lamang ay sumunod tayo sa mga patakarang nakasulat sa handbook upang maiwasan ang karagdagang parusa sa inyo. Naniniwala akong ang UP student na gaya natin ay marunong sumunod sa anumang patakaran.
Ang sulat na ito ang magsisilbing pangunang babala. Sa susunod ay maaari kayong markahan ng absent para sa buong araw.
Manuel Roquito
Pangulo, Kamag-Aral 7-10
Mr. Manuel Roquito
Pagpasensyahan mo na ang di ko pag-attend sa flag ceremony. Nagpupuyat kasi ako sa kakatitig sa maganda kong kisame hanggang ako ay makatulog kaya tinatamad na akong gumising sa umaga para makikanta at makinig sa flag ceremony na ‘yan!
Puwede ko bang malaman kung bakit kailangan mo pa akong sulatan? Puwede mo naman itong ipasabi na lang sa adviser ko? Maaari ko rin bang malaman kung bakit sa lahat ng di uma-attend ng flag ceremony, eh ako pa ang nakita mo?
Natalie Lorenzo
P.S.
Hindi ako patago-tago. Naghahanap lang ako ng CR para magsuklay. Pero dahil sarado ang mga gate papasok ng building umikot pa ako kung saan para makapag-CR!
Ms. Natalie Lorenzo Na Mahilig Tumingin Sa Kisame,
Mawalang galang na ngunit ipinarating ko na ito sa iyong adviser at nabanggit niya sa akin na malala ang kaso mo. Isa lamang ang hindi pag-attend sa flag ceremony sa dami ng paglabag mo sa patakaran ng iskul. Nais kong makausap ka ng personal upang maituwid o tulungan kang maitama ang iyong ginagawa. Ikaw rin, kapag hindi mo yan naayos magiging ugali mo na ang paglabag sa rules and regulations ng school.
Hindi natin gustong lumala ang sitwasyon mo bilang rebeldeng mag-aaral. Malay mo kapag natutuhan mo nang sumunod ay maaayos din natin ‘yang hilig mo sa pagtingin sa kisame. Mukha namang marami kang oras dahil nagagawa mo pang tumitig lang sa kisame para lang makatulog.
Nag-aalala,
Manuel Roquito
Pangulo, Kamag-Aral 7-10
Mr. Manuel Roquito na Misyonero,
Kung totoong nasabi mo na ito sa adviser ko, bakit hindi niya ito nabanggit sa akin agad? Bakit ba alam na alam mo ang mga bagay tungkol sa akin eh ni hindi nga tayo close?! Sa dinami-dami ng iba pang “rebeldeng mag-aaral” na sinasabi mo diyan, ako pa ang iyong sinulatan? Marami ka rin sigurong oras kaya nakukuha mo pang sulatan ang mga taong hindi nagfa-flag ceremony! O, wala ka lang mapaggamitan ng papel at ballpen mo kaya naisipan mong magsulat.
Hanapin mo na lang ako sa eskwelahan kung nais mong mag-ala guidance counselor at ulitin ang mga sermon mo sa akin.
Naiinis,
Natalie Lorenzo
Natalie Lorenzo,
Kaya nga ako sumulat upang banggitin sa iyo. Humihingi ako ng paumanhin, hindi ko naman nais na inisin ka ngunit kailangan lang talaga mapagsabihan. Hindi lang ikaw kundi kayong lahat. Hindi kita idinidiin, sadyang ikaw lang ang may lakas ng loob para sumulat pabalik.
Para hindi mo isipin at sabihin na ikaw lang ang nakikita ko, isang special flag ceremony ang magaganap para sa inyong lahat na di nag-attend. Kahit doon man lang ay pumunta ka at lumahok, hindi na kita muling susulatan.
Muli, patawad kung inaakala mong ikaw lang ang pinag-AKSAYAHAN ko ng oras. Binanggit kong lumahok. Kakanta, sasabay, magsasalita at tatahimik kung kinakailangan.
Manuel Roquito
Manuel Roquito
Natutuwa akong malaman na hindi na ako muling makakatanggap ng liham mula sa’yo! Gusto kong malaman mo na nasasayang lang ang oras ko dahil sa’yo. Hindi mo na kailangang ipagdiinan ang LUMAHOK. Alam ko ang ibig sabihin no’n!
Para matapos na ito (sayang kasi ang papel at oras ko), sige na! Para sa ikatatahimik nating dalawa, pupunta na ako sa kung ano man iyang sinasabi mong special flag ceremony na iyan. Special special, gaano ba ka special ‘yan? Ikaw ba ang mag-lead diyan? Kung ikaw, baka puedeng iba na lang baka imbis na ganahan ako sa pagLAHOK, eh, masira ang mood kong kumanta. Nakakainis ka.
Natalie Lorenzo
ITUTULOY.
Pusong Bato (Unang Sagutan)
Ang Pusong Bato ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 2 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.
-----
October 12
8:25 n.u.
Miss Natalie Lorenzo,
Ipagpaumanhin ninyo ang biglaang pagsulat ko ngunit ito po ay para ipaalala sa inyo na mahigpit na ipinatutupad ang patakaran sa pag-attend ng lingguhang flag ceremony ng eskwelahan.
Napansin ko ang pagtatago ninyo sa sulok-sulok ng pasilidad ng paaralan para makatakas. Kung maaari lamang ay sumunod tayo sa mga patakarang nakasulat sa handbook upang maiwasan ang karagdagang parusa sa inyo. Naniniwala akong ang UP student na gaya natin ay marunong sumunod sa anumang patakaran.
Ang sulat na ito ang magsisilbing pangunang babala. Sa susunod ay maaari kayong markahan ng absent para sa buong araw.
Manuel Roquito
Pangulo, Kamag-Aral 7-10
-----
October 13
11:37 n.u.
Mr. Manuel Roquito
Pagpasensyahan mo na ang di ko pag-attend sa flag ceremony. Nagpupuyat kasi ako sa kakatitig sa maganda kong kisame hanggang ako ay makatulog kaya tinatamad na akong gumising sa umaga para makikanta at makinig sa flag ceremony na ‘yan!
Puwede ko bang malaman kung bakit kailangan mo pa akong sulatan? Puwede mo naman itong ipasabi na lang sa adviser ko? Maaari ko rin bang malaman kung bakit sa lahat ng di uma-attend ng flag ceremony, eh ako pa ang nakita mo?
Natalie Lorenzo
P.S.
Hindi ako patago-tago. Naghahanap lang ako ng CR para magsuklay. Pero dahil sarado ang mga gate papasok ng building umikot pa ako kung saan para makapag-CR!
-----
October 13
1:00 n.h.
Ms. Natalie Lorenzo Na Mahilig Tumingin Sa Kisame,
Mawalang galang na ngunit ipinarating ko na ito sa iyong adviser at nabanggit niya sa akin na malala ang kaso mo. Isa lamang ang hindi pag-attend sa flag ceremony sa dami ng paglabag mo sa patakaran ng iskul. Nais kong makausap ka ng personal upang maituwid o tulungan kang maitama ang iyong ginagawa. Ikaw rin, kapag hindi mo yan naayos magiging ugali mo na ang paglabag sa rules and regulations ng school.
Hindi natin gustong lumala ang sitwasyon mo bilang rebeldeng mag-aaral. Malay mo kapag natutuhan mo nang sumunod ay maaayos din natin ‘yang hilig mo sa pagtingin sa kisame. Mukha namang marami kang oras dahil nagagawa mo pang tumitig lang sa kisame para lang makatulog.
Nag-aalala,
Manuel Roquito
Pangulo, Kamag-Aral 7-10
-----
October 14
9:02 n.u.
Mr. Manuel Roquito na Misyonero,
Kung totoong nasabi mo na ito sa adviser ko, bakit hindi niya ito nabanggit sa akin agad? Bakit ba alam na alam mo ang mga bagay tungkol sa akin eh ni hindi nga tayo close?! Sa dinami-dami ng iba pang “rebeldeng mag-aaral” na sinasabi mo diyan, ako pa ang iyong sinulatan? Marami ka rin sigurong oras kaya nakukuha mo pang sulatan ang mga taong hindi nagfa-flag ceremony! O, wala ka lang mapaggamitan ng papel at ballpen mo kaya naisipan mong magsulat.
Hanapin mo na lang ako sa eskwelahan kung nais mong mag-ala guidance counselor at ulitin ang mga sermon mo sa akin.
Naiinis,
Natalie Lorenzo
-----
October 14
10:04 n.u.
Natalie Lorenzo,
Kaya nga ako sumulat upang banggitin sa iyo. Humihingi ako ng paumanhin, hindi ko naman nais na inisin ka ngunit kailangan lang talaga mapagsabihan. Hindi lang ikaw kundi kayong lahat. Hindi kita idinidiin, sadyang ikaw lang ang may lakas ng loob para sumulat pabalik.
Para hindi mo isipin at sabihin na ikaw lang ang nakikita ko, isang special flag ceremony ang magaganap para sa inyong lahat na di nag-attend. Kahit doon man lang ay pumunta ka at lumahok, hindi na kita muling susulatan.
Muli, patawad kung inaakala mong ikaw lang ang pinag-AKSAYAHAN ko ng oras. Binanggit kong lumahok. Kakanta, sasabay, magsasalita at tatahimik kung kinakailangan.
Manuel Roquito
-----
October 15
2:14 n.u.
Manuel Roquito
Natutuwa akong malaman na hindi na ako muling makakatanggap ng liham mula sa’yo! Gusto kong malaman mo na nasasayang lang ang oras ko dahil sa’yo. Hindi mo na kailangang ipagdiinan ang LUMAHOK. Alam ko ang ibig sabihin no’n!
Para matapos na ito (sayang kasi ang papel at oras ko), sige na! Para sa ikatatahimik nating dalawa, pupunta na ako sa kung ano man iyang sinasabi mong special flag ceremony na iyan. Special special, gaano ba ka special ‘yan? Ikaw ba ang mag-lead diyan? Kung ikaw, baka puedeng iba na lang baka imbis na ganahan ako sa pagLAHOK, eh, masira ang mood kong kumanta. Nakakainis ka.
Natalie Lorenzo
ITUTULOY.
first!
ReplyDeleteLate na ba ko? Haha ngayon ko lang nabasa... pero ang galing galing! Very witty. Nice, MC2! For the first time may aabangan ako sa Aninag. :)
ReplyDeleteAnong pinagkaibahan ng n.u. at n.h. ?
ReplyDelete