admin,
Pangalawang termino na ni Dr. Ronaldo San Jose bilang prinsipal samantalang sina Prof. Melanie Donkor ang Asst. Principal for Administration at Prof. Zenaida Bojo ang Asst. Principal for Academic Programs. Kabilang din sa bagong pamunuan si Prof. Anthony Ocampo na itinalaga bilang pinuno ng ORDP.
“Masayang malungkot,” ito ang pahayag ni Dr. San Jose nang tanungin ukol sa muling pamumuno sa paaralan. “Malungkot dahil hindi man lang ako nakapagbakasyon ngunit masaya pa rin ako.”
Ayon naman kay Prof. Bojo, “Sa totoo lang, hindi ako ready sa pagtanggap ng posisyon.” Idinagdag pa niya na nang siya'y itinalaga bilang katuwang ng prinsipal, isinaisip niya na lang na, “Mabuting magpakabayani para sa ikabubuti ng marami.”
Kasabay ng pagkakaroon ng bagong administrasyon ay ang pagkakaroon din ng mga bagong proyekto at program gayondin din ngmalalaking pagdiriwang tulad ng selebrasyon ng sentenyal ng UP High School sa 2016. / ni Anna Punzalan
Bagong administrasyon, ipinakilala
Muling nagbukas ang klase sa UPIS sa pamumuno ng bagong administrasyon noong Hunyo 2, 2014.Pangalawang termino na ni Dr. Ronaldo San Jose bilang prinsipal samantalang sina Prof. Melanie Donkor ang Asst. Principal for Administration at Prof. Zenaida Bojo ang Asst. Principal for Academic Programs. Kabilang din sa bagong pamunuan si Prof. Anthony Ocampo na itinalaga bilang pinuno ng ORDP.

0 comments: