clubs and orgs,

Mga clubs, nagpakitang gilas sa flag ceremony

6/25/2014 07:45:00 PM Media Center 0 Comments

Idinaos ang kauna-unahang club assembly noong Martes, Hunyo 17, 2014 sa pangunguna ng Kamag-aral 7-10.

Layunin ng bawat club na itampok ang mga talento ng estudyante at mahubog ang kanilang mga kakayahan sa iba’t ibang larangan.

Naghanda ang bawat club ng maikli at kawili-wiling presentasyon. lubos na hinangaan ang presentasyon ng BSP, GSP, Choir, at Peer. Pag-awit naman ang ginawa ng Choir at Peer, iskit para sa BSP, at advertisement para naman sa GSP. Nagtanghal din ang KAP, Sangguniang Pangwika, ISCF, at UPISCCA.

Ang Scouting, ISCF, at UPISCCA ay nagtitipon tuwing ikalawa at ikaapat na Huwebes samantalang tuwing una at ikatlong Huwebes naman para sa FHC, Peer, Math Club, English Club, Sangguniang Pangwika at Choir.

Kinakailangan na magkaroon ng isang club ang bawat estudyante kasama na rito ang Year Level Organization. / nina Jediael Neri at Trisha Serrano

You Might Also Like

0 comments: