alamatngMC,

Ang Alamat ng MC

6/25/2014 07:33:00 PM Media Center 2 Comments

Noong unang panahon, pinamamayanihan ng kadiliman ang buong mundo. Ngunit nagbago ang lahat dahil sa isang pangyayari.

Bigla na lamang nagliwanag ang kalangitan at mula sa kaitaasan, umulan ng mga kometang tila mga bolang apoy na nagngangalit. Isa sa mga ito ay naligaw ng landas at aksidenteng nahanap ang daan patungo sa ating daigdig.

Sa pagbagsak nito sa ating mundo, natagpuan ito ng dalawang diyosa na itatago natin sa mga pangalang Katarina at Rouelyn. Kanilang inobserbahan, sinuri at binutingting ang kometa. Natuklasan nilang may taglay itong pambihirang kapangyarihan. Kapangyarihang hindi kailanman makikita sa mundo kundi sa isang bituing kapares ng araw.

May kakaibang liwanag na bumabalot sa kometa. Ito ang tanging ilaw sa gitna ng kadiliman. Dahil sa ilaw na ito’y nakakita ang mga tao, natuto, at naging mapanuri sa kanyang kapaligiran. Ito ang naging daan upang masilayan at maaninag ng lahat ang kagandahan ng mundo.

Utang na loob ng mga tao sa kometang ito ang kaginhawaan ng buhay nila sa kasalukuyan. Pinilit nilang alamin ang pinanggalingan nito at napagtantong galing ito sa bituing tinatawag na Medi Centrux- ang bituin ng karunungan at kaliwanagan.

Kalauna’y naging simbolo ng mga malikhain, mapanuri, matalino, at mahusay na manunulat at tagapag-ulat. Sa kasalukuyan, kilala ito bilang Media Center, isang instrumento ng pagbabahagi ng kritikal at imahinatibongpag-iisip ng tao. / #MC12015

You Might Also Like

2 comments:

  1. Very creative!!! I like the name 'Rouelyn' and 'Katarina' hahaha congrats MC2015! :)

    ReplyDelete
  2. whoa..... astig!!! sana marami pa kayong magawang gaya nito!!! :)
    goodluck MC2015!!!!

    ReplyDelete