exchange program,
Layunin ng programang ito na higit pang palalimin ang relasyon ng Japan at ng iba pang miyembro ng ASEAN. Gayondin, layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng mga kinatawang mag-aaral sa kultura ng mga bansang kasapi ng ASEAN.
Ayon sa panayam kay Ms. Zenaida Bojo, Assitant Principal for Academic Programs. “Ito ang unang pagkakataong napili ang UPIS bilang natatanging kalahok sa ganitong programa kung kaya’t responsibilidad ng mga kinatawan na bigyang-karangalan ang Pilipinas at ang paaralan.”
Idinagdag din niyang dumaan sa masusing deliberasyon ang pagpili ng mga estudyante na pinangunahan ng mga guro sa bawat grado.
Napili sina Marianne Sasing, Debbie Argayosa, Ana Suiza, Hazel Romero, Denice Palicte, Forth Soriano, Adrian Bornilla, Rad Pascual, Rene Rollon at Franz Candido ng Grado 9 at sina Marco Barrientos, Jama Tolentino, Quiela Salazar, Tomy Basilio, Rafael de Peralta, Francheska Ardon, Christine Bailon, Anton Nemenzo, Katreena Nulud, at Carolyn Faulan naman ang mga kinatawan na mula sa grado 10.
Nakatadang umalis ng bansa ang mga kinatawan sa Setyembre 29, 2014. / ni Noelle Lumbre
UPIS, napili bilang kinatawan sa Teenage Ambassador Program sa Japan
Dalawampung estudyante ng UPIS mula Grado 10 (Batch 2015) at 9 (Batch 2018) ang napiling ipadala sa Japan bilang kinatawan ng Pilipinas sa Teenage Ambassador Program ng Department of Foreign Affairs at National Youth Commission.Layunin ng programang ito na higit pang palalimin ang relasyon ng Japan at ng iba pang miyembro ng ASEAN. Gayondin, layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng mga kinatawang mag-aaral sa kultura ng mga bansang kasapi ng ASEAN.

0 comments: