dimples,
Saan Ka Ba Nagpunta?
Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako dito nag-aalala
Inaalala kung nasaktan ka ba.
O kung okay ka lang ba talaga.
Mula pagpasok sa paaralan,
Inaabangan ang ‘yong pagdaan.
Hinihintay kita sa dating tambayan
Pero wala ka pa rin hanggang uwian.
Di ko alam kung mayroon ba akong nagawa.
Kulang ba ako sa pag-unawa ?
O ika’y nagsasawa
Bigla ka na lang kasing nawala.
Kung alam mo lang, ang dami kong gustong sabihin.
Di ko na nga alam kung anong uunahin.
Hihingi ba ako sayo ng paumanhin,
O dapat na ba akong magpaalam sa pagkakaibigan natin?
Wala na kasi yung kaibigan kong palangiti
Yung kabisado ang aking mga kiliti.
Na nagpapasaya sa amin lagi-lagi
Miss na kita, nasaan ka na ba kasi?
Wala na ‘yung 5 taon kong kasama sa tawanan
Yung 5 taon kong dinamayan at pinakinggan,
Yung 5 taon kong sinuportahan at sinamahan,
5 taon, di yun madaling kalimutan.
Ikaw na hinangaan ko sa paglalaro,
Ikaw na naging inspirasyon ko sa aking pagkatuto,
Ikaw na nangakong walang iwanan hanggang dulo,
Oo, ikaw nga ang tinutukoy ko.
Alam kong may pinagdadaanan kang mabigat.
Sinubukan ko rin naman ang lahat,
Para pagalingin ang ‘yong mga sugat.
Pero pasensya ka na, di pa pala ako sapat.
Siguro nga di na kita makikitang muli.
Kaya eto, magpapasalamat na lang nang malaki.
Gusto kong malaman mo na kailanma’y di ako nagsisi,
Kaibigan pa rin kita hanggang sa huli.
Literary: San Ka Ba Nagpunta x Nandito Lang Ako
Saan Ka Ba Nagpunta?
Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako dito nag-aalala
Inaalala kung nasaktan ka ba.
O kung okay ka lang ba talaga.
Mula pagpasok sa paaralan,
Inaabangan ang ‘yong pagdaan.
Hinihintay kita sa dating tambayan
Pero wala ka pa rin hanggang uwian.
Di ko alam kung mayroon ba akong nagawa.
Kulang ba ako sa pag-unawa ?
O ika’y nagsasawa
Bigla ka na lang kasing nawala.
Kung alam mo lang, ang dami kong gustong sabihin.
Di ko na nga alam kung anong uunahin.
Hihingi ba ako sayo ng paumanhin,
O dapat na ba akong magpaalam sa pagkakaibigan natin?
Wala na kasi yung kaibigan kong palangiti
Yung kabisado ang aking mga kiliti.
Na nagpapasaya sa amin lagi-lagi
Miss na kita, nasaan ka na ba kasi?
Wala na ‘yung 5 taon kong kasama sa tawanan
Yung 5 taon kong dinamayan at pinakinggan,
Yung 5 taon kong sinuportahan at sinamahan,
5 taon, di yun madaling kalimutan.
Ikaw na hinangaan ko sa paglalaro,
Ikaw na naging inspirasyon ko sa aking pagkatuto,
Ikaw na nangakong walang iwanan hanggang dulo,
Oo, ikaw nga ang tinutukoy ko.
Alam kong may pinagdadaanan kang mabigat.
Sinubukan ko rin naman ang lahat,
Para pagalingin ang ‘yong mga sugat.
Pero pasensya ka na, di pa pala ako sapat.
Siguro nga di na kita makikitang muli.
Kaya eto, magpapasalamat na lang nang malaki.
Gusto kong malaman mo na kailanma’y di ako nagsisi,
Kaibigan pa rin kita hanggang sa huli.
Nandito lang ako
Nandito lang ako,
Kanina pa nakatingin sa kinaroroonan mo.
Wag kang mag-alala, ayos pa naman ang kalagayan ko
Maliban nga lang dito sa puso’t isip ko.
Kanina pa kitang umaga iniiwasan
Pinilit kong layuan, lubayan at iwasan
Lahat ng lugar na ating laging pinupuntahan,
Lalo na sa dati nating tambayan.
Alam ko namang ika’y nakararamdam.
Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit hindi mo alam.
Pinupuno mo ang isipan ko ng mga agam-agam.
Manhid ka ba o talagang wala ka lang saking pakialam?
Ngunit gayon pa man, nais kong humingi sa’yo ng paumanhin
Sapagkat naubusan na ako ng mga salitang babanggitin
at mga katagang gustuhin ko mang sambitin
Ay hindi na kayang bitawan nitong aking damdamin.
Pasensya ka na,
Napakahirap kasing magpasaya ng iba
Kung alam mong sa loob loob mo’y wala ka nang ibibigay pa
Dahil wasak na wasak ka na.
5 taon din akong nasaktan.
5 taon din akong umasa sa imposibleng mangyari kailanman.
5 taon din akong nagmahal nang hindi nasusuklian.
5 taon, napakahirap noong kalimutan .
Ikaw na tinanggap ako ng buong-buo,
Ikaw na sinamahan ako sa tuwa’t lungkot,
Ikaw na nangakong walang iwanan hanggang dulo,
Oo, ikaw nga kaibigan ang tinutukoy ko.
Ngunit nakakatawang isipin na kahit na ikaw ang dahilan nitong aking sugat sa puso,
Ikaw lang din ang tanging makakalunas nito.
Kung sinuklian mo lamang ang pagmamahal ko,
Sana’y matagal na akong muling nabuo.
Siguro nga’y kailangan ko nang sumuko
Dapat ko nang tanggapin na tayo’y hindi itinadhana at tangi lamang pinagtagpo
Aking susubukang tanggapin nang buo,
Na hanggang kaibigan lamang talaga ako hanggang dulo.
0 comments: