DiMaAninag,
Kaninang umaga, nasarhan na naman ako ng pinto kahit 10 minutes late lang ako. Bakit kapag estudyante ang nale-late nasasarhan ng pinto, pero kapag teacher hindi?
Gusto kong i-push ang pagkakapantay-pantay among people. Di ba sikat ang equality for all, whoever you are. Kaya dapat tayo rin sa school ipaglaban ang ating karapatang pantao. Hindi pwedeng tinatapak-tapakan lang tayo at nilalakaran. Manindigan tayo at magsama-sama upang magkaroon ng lakas ng loob na pagsaraduhan din ng pinto ang mga guro. Para sila naman ang magtago mula sa mga estudyante kasi late sila. Kailangan din silang obligahin na sumulat sila ng excuse letter, para makapag-make-up sa na-miss nila. For every 3 meetings na late, isang absent, bawas na rin sa sweldo nila.
Nakakasama ng loob na sinuong mo na ang trapiko, hingal na hingal ka pa sa paglalakad nang mabilis para lamang makahabol sa klase tapos ang dadatnan mo ay nakasarang pinto. Nalalaman kaya nilang pumapasok ako para makita si crush na kaklase ko, pumapasok ako para makipag-chikahan sa mga kaklase ko at tumambay, paminsan-minsan ay para mag-aral. Pero dahil napagsaraduhan ako ng pinto, nagkakasya na lamang akong sumilip-silip sa mga bintana ng pinto at matutong makiramdam kung naka-lock na ang pinto sa classroom.
Masakit sa damdamin ang ganitong sitwasyon. Di naman namin kasalanan na late kami nagising o mabagal kaming kumilos. Kasalanan ba naming sobrang traffic? Ang malalang trapiko ang may sala kung bakit di kami nakakarating nang oras. Dapat may priority lane para sa mga late na mga students, kasi kami ang kinabukasan. Pano na magkaka-future ang Pilipinas, kapag di nakakapasok ang students?
Tapos nakita nyo ba yung ramp at stairs na yan? Napakataas. Hindi ba nila naiintindihan na napapagod rin kami. Kaya dapat entitled ang mga estudyante na ma-late nang 5 minutes bawat floor. So, kung ang x ay equal sa kung ilang floor and kailangang akyatin, at 5 minutes per floor, ang amount of time na pwedeng malate ay 5x. So kung nasa 4th floor ang klase ng student, meron siyang 20 minutes na grace period dahil 5 times 4.
Kasalanan rin naman ng teachers kung bakit kami na-late. Sino bang nagbigay ng mga gawain namin kaya kami nagpupuyat sa gabi? Kinuha na nila ang lahat ng time namin, pero ayaw naman nilang magbigay. It just breaks my heart. I care for all the students. I care for our education, especially I care for equality.
Iniidolo ko ang mga kaklase kong malalakas ang loob at binubuksan ang pinto at pasimpleng pupuntang CR para makapasok ang mga taong nasa labas. Kayo ang mga bayani ng mga nale-late. Dahil sa inyo makakapasok kami sa classroom habang nakatalikod ang teacher. Saludo ako sa inyo. Special thanks rin sa library dahil kumukuha kayo ng mga refugees mula sa matinding labanan ng pagmamakaawa para makapasok pa rin sa klase.
Sa huli umaapela rin ako sa ating Pangulo, ayusin ang trapik sa metro manila kaya kami napagsasarhan ng pinto. Nahuhuli kami dahil sa trapik at hindi dahil late kaming nagising.
Let's all start using the hashtag #Lockandinangmgateacherskapagnalalatesila and see the change we have done for the world. Let's all love equality, love each other, love latecomers, and love yourself. // nina Hanzvic Dellomas at Hillary Fajutagana
Spoof Opinion: Nasaan ang Equality? Locks para sa Lahat

0 comments: