DiMaAninag,

Spoof Opinion: Bunak hindi Bilog

3/31/2017 08:30:00 PM Media Center 0 Comments






Katatapos lang ng mga periodic exams. Nahirapan ang mga mag-aaral sa pagsagot lalo na sa multiple choice part. Maraming hindi nakatapos sa pagsagot ng test. Hindi dahil tricky ang mga pagpipilian, hindi rin dahil mali ang numbering ng answer sheets, at hindi rin dahil ang daming corrections sa mga choices. Kundi dahil natagalan sila na itiman ang bilog, sapagkat ang laki ng bilog na sinlaki ng 10-peso coin!

“Kung tutuusin, ez lang yung test pero tumagal talaga ako sa pag-sheshade ng bilog eh. Sobrang laki kasi! Ubos oras!” Ito ay isa sa mga reaksyon ng mga mag-aaral pagkatapos ng mga exams. Bakit ba bilog ang iniitiman sa multiple choice test? Bakit hindi square, o triangle, o star, o rhombus, o hexagon? Bakit sa lahat ng mga hugis sa mundo, bilog pa ang kailangan para sa tests?

Parang mas magandang i-suggest na palitan ang bilog sa mga answer sheet ng multiple choice part. Pwede namang square o triangle ang ipalit dito. Mas madaling itiman ang parisukat o oblong dahil isang stroke lang, okay na. Hindi pa mauubusan ng tinta ang ballpen sa kaka-shade, di kagaya sa bilog na sa totoo lang ay nakakaubos ng tinta. Mas mabuti ang rhombus o square dahil mas makitid ito at mas nakatitipid ng papel at tinta kaysa sa isang bilog. Maaari namang star ang hugis para ma-motivate ang mga mag-aaral sa test. Matutuwa rin siguro ang mga estudyante kung hexagon ang kanilang mamarkahan dahil parang piatos. Pwede rin naman na iba’t-ibang hugis ang nasa answer sheet para hindi nakakasawang tingnan, di ba exciting, 'di mo alam kung anong hugis ang next.

Maaaring sabihin ng mga gumagawa ng answer sheet na mas madali kasing sabihin sa mga panuto na itiman ang bilog. Mas kaunti rin naman ang mga titik ng salitang “bilog” kaysa sa parisukat o tatsulok ngunit hindi ba mas mahalaga ang kapakanan ng mga mag-aaral na sasagot ng pagsusulit kaysa sa mag-tatype ng mga instructions sa exam.

Pwedeng sabihin na mahirap nang baguhin ang nakasanayan na bilog ang iniitiman ngunit hindi pa naman huli na baguhin ito, it’s never too late! Maraming mag-aaral ang matutuwa kung mas mapapadali ang buhay nila, mas lalo na sa tests. Marami rin ang matitipid kung magiging square o triangle dahil mas kaunti ang espasyo na nakukuha ng mga hugis na ito sa papel at hindi nakauubos ng tinta. Bawas gastos pa sa pagbili ng bagong papel, ballpen o lapis. Mas mapaggagastusan na ng mga mag-aaral ang mga proyekto o pagkain dahil hindi pa sila bibili ng bagong ballpen o lapis plus, nakakagutom talaga kapag masipag mag-aral. Makikita ang mga mas masaya at busog na mag-aaral dahil sa mas madaling pagsagot ng multiple choice!

Maraming mag-aaral din ang takot sa hugis bilog sa answer sheet dahil sumisimbolo ito sa itlog na grado o zero. Sila ay umiiyak o kaya naman umaasa sa pag-ikot ng kanilang lapis na nagsasabi ng kanilang kapalaran. Kahit pamahiin ito ng ilan lamang na mag-aaral, dapat ikonsidera pa rin natin ang kanilang mga pinaniniwalaan.

Kaya sa susunod na pagsusulit, sana ang makita ng mga mag-aaral ay mga star o square o triangle upang hindi na sila mahirapan sa pagputol ng kanilang lapis o sa pag-rerefill ng mga ballpen. Gawing exciting ang pagsagot sa mga exam! Huwag hugis bilog para happy ang Shading! // ni Rachel T. Siringan

You Might Also Like

0 comments: