DiMaAninag,

Spoof Sports: Caba, Kappa wagi sa UAAP 1738 Walk-in-Heels event

3/31/2017 08:40:00 PM Media Center 0 Comments



Nag-uwi ng mga medalya ang dalawang atleta mula sa UPIS sa Walk-in-Heels 7-inch Division event sa UAAP 1738 Track and Field Competition na ginanap noong Pebrero 14, 2017 sa ULTRA MEGA Sports Complex, Pasay.

Nagkamit ng silver medal ang team captain na si Smebma Caba, habang bronze medal naman ang nakuha ni Husma Kappa, na nagbigay sa kanilang koponan ng malaking bilang puntos.

Ayon kay Caba, dikit ang naging labanan sa pagitan nila ng nakakuha ng gintong medalya na nagmula sa AMA Dinosaur Walkers. “Sa katunayan nga sa sobrang dikit namin, muntik na kaming magkapalit ng mukha. Lucky Manzano naman niya kung ganoon, kaya medyo binigay ko na sa kaniya [ang panalo], mukhang mas kailangan niya yun eh,” dagdag nito.

Di umano’y nagbangaan din ng mga balakang ang dalawang manlalarong ito sa kanilang todohang pagkembot. Ayon sa isang official ng laro na si Shamcey Supsup, bilib na bilib siya sa ipinakitang performance ng dalawang ito. Ani nito, “OMG! Di ako makapaniwala na these boys are beating my signature ‘Tsunami Walk.’ Kabog ako bes, props to them ha.”

Naging masaya naman si Kappa sa naging resulta ng kompetisyon. Ani niya, “’Di ko talaga inasahan na magkaka-medal ako, first time ko kaya itechiwa. Basta ikinembot ko na lang to the highest level at gib na gib talaga akey sa pagcrembrulè, ‘yung pak na pak!” Ito ang unang taon ni Kappa ng paglahok sa Walk-in-Heels event.

Kamuntikang ma-disqualify si Kappa matapos maapakan ang kanyang paa ng isang kalaban na kanyang nakagirian. “Beh, composure lang talaga. Masakit, trulagence, pero you have to endure the pain para manalo. Bukod pa sa masakit, nalurkey akez kasi nasira niya yung bagong paayos kong nails. Pero all for the team talaga,” paglalahad niya.

Sa kabilang banda, ang kanilang kasama sa parehong event na si Phurrr Daperstaym ay hindi pinalad na makasama sa finals dahil siya ay na-disqualify dahil sa paglabag sa rule na ‘grace under pressure’ kung saan dapat ay laging nakangiti ang mga manlalaro. “Nakaka-disappoint kasi bet na bet ko na yung performance ko at leading pa ako noong una, kaso napa-simangot ako bigla noong lumingon ako at nakita ko ang fez nung kalaban, kaya ayun. Di ko alam, sobrang nakakadismaya talaga nung nakita ko eh. Pero confidently beautiful with a heart pa rin ako kasi ket papano nagawan ko pa ng paraan ituloy kahit nalugi ako nang bonggang-bongga!” ang chismax ni Daperstaym.

Ang event na ito ay tinaguriang “The Sports for Real Men” at ang may mga pinaka-mahigpit na mga rules sa buong UAAP. Ilan sa mga rules na ito ang nabanggit nang grace under pressure, walang matatapilok at walang aaray. Isa pang rule ay ang “Thou Shall Not Break thy Heels” kung saan ang dapat ay hindi maputol and kanilang takong na gawa sa glass slippers ni Ateng Cindy habang naglalakad. Kapag ito ay naputol madidisqualify at may multa na P50,000 worth of heels sa Chanelle.

Nagkamit ng ikatlongt gantimpala ang buong team sa pagtatapos ng kompetisyon. Sinabi ng tatlong manlalarong ito na sila ay lalaban pa sa susunod na season. “Next year, tatlo na kami sa podium! Kakabugin na namin lahat ng kalaban,” ani team captain Caba. #UPakGanern // nina Enzo Bautista at Forth Soriano

You Might Also Like

0 comments: