DiMaAninag,

Spoof News: Audi at court, sa susunod na 100 taon pa matatapos

3/31/2017 08:00:00 PM Media Center 0 Comments



Inaasahang matatapos ang Auditorium at Gymnasium ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa ikalawang centennial celebration ng paaralan.

Nagsimula ang renobasyon ng mga nasabing pasilidad noong 2016, ang ika-100 taon ng paaralan.

Ayon sa isa sa mga nag-aayos ng auditorium, marami pa ang kailangan gawin bago ito matapos. “Aayusin at lilinisin pa namin ang bawat upuan bago ibalik. Narinig din namin sa mga estudyante na gusto nilang magkakasunod ang mga numero ng mga upuan. Pinapa-arrange din ito sa amin,” dagdag niya.

Binago rin ang orihinal na plano ng auditorium. Dinagdagan ito ng rotating at floating stage upang makita na nang maayos ang stage maging sa rooftop ng building. Tinatahi pa ng mga estudyante sa grado 8 ang carpet na ilalatag sa buong sahig na ilalagaya sa ikatlong palapag upang magkaroon ng grand entrance ang sinumang papasok sa auditorium. Magkakaroon din ng 150” na LED Smart TV na ikakabit sa may kinalalagyan ng pamosong Brailles para masilayan ng mga taga-labas ang nagaganap sa loob ng auditorium.

Ang air-conditioning para sa auditorium at gymnasium ay pag-iipunan pa sa pamamagitan ng piso-kada-araw policy kung saan ang mga admin ay naghuhulog ng piso kada araw para sa air-conditioning units.

Inaasahan ng administrasyon ng paaralan na mabibili ito sa ika-300 taon o mas matagal pa. // ni Trisa De Ocampo

You Might Also Like

0 comments: