literary,

Literary: Lakas ng Loob x Paumanhin

3/17/2017 08:23:00 PM Media Center 0 Comments






Lakas ng Loob

Pano kung makihati ako sa oras mo?
Pano kung buksan ko ang aking puso?
Pano kung sumama ako sa iyong mga plano?
Subukan mong tanggapin ako.
Malalaman mong nararamdaman ko’y totoo.

Ayos lang ba kung araw-araw kitang pangitiin?
Ayos lang ba kung ika’y aking hagkan at yakapin?
Ayos lang ba kung aking palitan,
Lahat ng masama mong naranasan
At nang aking mapatunayan
Na mali ka sa sinabi mong
Mga lalaki’y pare-pareho lang.

Subukan mong tignan ako sa’king mata
Kaya ko bang lokohin ka?
Subukan mong makinig sa akin.
Hindi ko ba naririnig ang iyong mga hinaing?

Ngayon aking tatanungin
Ayos lang bang makihati sa oras mo?
At sabihin sa’yong wala akong ibang plano,
Kundi mahalin ka buong buhay ko.

Paumanhin

Paumanhin ngunit di ko magagawa.
Paumanhin ngunit di ko gustong saktan ka.
Paumanhin ngunit hindi ko mapigilan.
Paumanhin ngunit sarado pa ang aking isipan.
Paumanhin ngunit may nananatili pa rin sa puso kong nagdurugo.

Nang malaman mong nararamdaman ko’y totoo.
Hindi mapapalitan ang lungkot sa bawat ngiting iyong ipinapakita.
TIla mga yakap pa rin niya ang aking dala-dala at inaalala.
Mahal ko pa rin siya.

Lahat ng aming pinagsamahan,
Mananatili pa rin sa aking isipan,
Masakit man ang aking pinagdadaanan.
Siya pa rin talaga ang nilalaman
Hindi ko pa kayang humanap ng iba.
Dahil hanggang ngayon umaasa at aasa pa rin talaga
Ang puso kong minamahal pa rin ang isang tulad niya.

Ngayon ika’y tatanungin
Maari mo bang pigilin?
Ang iyong tunay na raramadaman para sa akin
Dahil kahit anong aking pagpipilit
Wala pa ring papalit sa kanya na tunay kong iniibig.

You Might Also Like

0 comments: